Chapter 17

75 7 1
                                        

Napahinto ako nang may tumigil na sasakyan sa tapat ko. Umawang ang labi ko nang makilala ang nagnamaneho. Si KISA! Mukhang wala siyang balak bumaba at pagbuksan ako ng pinto kaya sumakay na ako sa front seat. Kaagad naman niyang pinaandar ang kotse. Half siguro siya or foreigner talaga kasi grey ang mga mata niya. Maybe I should start calling him Mr. Grey since I am his Anastasia? Choss! Napahinto ako sa pagtitig sa kaniya nang may ma-realize.

"Saan pala tayo pupunta?"

Bakit kasi sama na lang ako nang sama?! Sa susunod hindi na ako magpapadala sa kagwapuhan niya. Malay ko ba kung mabuting tao 'tong si KISA. Nanatili siyang tahimik kaya napairap ako.

"Paano mo pala nalaman ang address ko? Inihatid mo ako sa mismong tapat ng bahay namin kahit na wala pa naman akong nababanggit na lugar maliban sa Sariaya. Stalker ba kita?"

May inabot siya sa glove compartment at iniitsa iyon sa akin. Pwede namang iabot nang maayos! Bumaba ang tingin ko sa bagay na ibinato niya at nakitang ID ko iyon. Nasa kaniya pala 'to? Ang akala ko nasa bag ko lang. Minsan ko lang kasi isuot, hindi naman napapansin ng guard. Nakakasakal kasi sa leeg.

Huminto kami sa isang Italian restaurant. Bumaba siya at dire-diretsong pumasok sa resto. Hello! Kasama mo kaya ako! Napapailing akong sumunod sa kaniya papasok. Naagaw ko ang atensyon ng iba, paano ba naman kasi ang ganda-ganda ko daw! Eme! Naka-uniform pa kasi ako, pero keribels. Natanaw ko si KISA na nakaupo sa tapat ng isang table kaya lumapit ako doon at naupo sa bakanteng silya.

"What do you want to eat?"tanong niya.

"'Ikaw."mabilis na sagot ko.

Napataas ang kilay niya. Mali pala!

"Ikaw as in ikaw na ang mamili."kalmado pa ring sabi ko upang hindi niya mahalata ang pagkakamali ko. Tinawag niya ang waiter at sinabi ang order. Maya-maya pa ay bumalik rin dala ang mga inorder ni KISA. Pasimple kong pinagmasdan ang lalaki sa aking harap. Ibang klase talaga ang dating niya.

"Eat and stop staring at me."saway niya. Nahihiyang nag-iwas ako ng tingin.

"S-sorry."

Umiinom lang siya ng wine at mukhang walang balak kumain. So, balak niya bang ipaubos sa akin ang lahat ng ito? Ang dami niya kayang inorder, pero keri lang. Gutom ako at mukhang masarap naman ang mga pagkain.

"Uhm, pwede ba akong magtanong?"

Marahan siyang tumango.

"Bakit nandoon ka sa lugar na 'yon kahapon?"

"I was just passing by, then I heard your voice. You're screaming for help and the rest is in history."

Nagtataka kasi talaga ako kung bakit siya nandoon. Pero salamat na rin at napadaan siya dahil kung hindi ay baka na-rape na ako at napatay ng mga adik na 'yon. Sayang naman ang lahi ko kung mawawala kaagad.

"Eh 'yung mga nagtangka sa akin? Anong nangyari sa kanila?"

Nagkibit balikat lamang siya. Ano kaya 'yon?

"Bakit mo pala ako inayang lumabas?"

"I just want to."

Ganon?

"Okay, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"

"Law."

"H-ha?"

"My name is Law."

Ang cool! Batas! Ano kayang surname niya?

"Anong apelyido mo?"

"Morozova, Law Morozova."

Mai-add nga siya sa social media mamaya. Matapos kumain ay nagpaalam na akong uuwi. Nakalibre ng dinner from my future boyfriend. Nagpresinta rin siyang ihatid ako sa bahay at pumayag ako.

"Thanks sa dinner, bye."

Akma na akong bababa nang maramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay.

"Uh, bakit?"

Nanlaki ang aking mga mata nang makitang dahan-dahan siyang lumalapit sa akin. Halos magsumiksik na ako sa upuan. Bumaba ang tingin niya sa aking labi na mas nakapagpadagdag ng kaba sa aking dibdib.

"Ilan taon ka na nga ulit?"

"S-seventeen."kinakabahang sagot ko dahilan upang matigilan siya.

"Damn."napapailing na umayos siya nang pagkakaupo. Hindi nakaligtas sa akin ang pag-angat ng gilid ngkaniyang labi.

"Get out, kid."aniya na ikinalaki ng mga mata ko.

Kid? Nakanguso akong bumaba at ilang segundo matapos iyon ay kaagad niyang pinasibad papaalis ang kaniyang kotse. Animo'y nasa isang karera o hinahabol ni kamatayan. Madaling madali? Bakit naman kaya niya naitanong ang edad ko? At ano raw? Tinawag niya akong bata? Duh! Isang taon na lang kaya at nasa legal age na ako! Pagkapasok sa bahay ay dumiretso ako sa aking kwarto. Mabilis kong hinanap ang laptop ko at sinearch ang kaniyang pangalan.

"Punyeta?"

Law Morozova is a Russian business magnate, and the Chief Executive Officer of Morozova Hotels and Morz Empire.

Tangina lang talaga, bigatin ang future boyfriend ko! Nag-scroll pa ako at nakitang madalas siyang ma-link sa mga international models. Wews! Eh mas maganda pa ako sa mga ex niya. Dumi ko lang sa kuko 'tong mga 'to eh! Twenty-four na pala siya? Bale six years ang age gap namin. Nag-save ako ng isang photo niya. Ipapagayuma ko, 'de joke lang. Hindi na pala kailangan dahil masyado akong maganda para ma-fall siya sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa.

"Nakauwi ka na?"

Hindi siya nag-reply kaya sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay na naman ang cellphone niya. Siguro busy pa siya or may ginagawa.

"Goodnight, sleep well :>"

Feeling close ako, gagawin ko siyang textmate! Hanggang sa pagtulog ko ay siya pa rin ang panaginip ko kaya kinaumagahan ay maganda ang gising ko.

"Good morning, everyone!"bati ko at hinalikan sila isa-isa.

"Mukhang maganda ang gising ng anak ko ah."

"Syempre naman po, Papa. Sa ganda ko ba namang ito ay dapat maganda rin palagi ang mood ko."

"Naku, Fawzia! Kumain ka na nga at baka mahuli ka pa sa klase mo."sabi ni Mama.

Hanggang sa pagsakay sa service ay todo ngiti pa rin ako.

"Para kang tanga, Fawti. Ang pangit mong ngumiti."nakasimangot na puna ni Dirk. Imbis na magalit ay nginitian ko lamang siya lalo.

"Ikaw nga hindi pa ngumingiti pero pangit na talaga."bawi ko.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon