"Bar?Kailan 'yon?Ha?Kailan 'yon?!"usisa ni Mama habang pasimple akong sinamaan tingin.
Tsk!Para namang nakakalayas ako nang hindi niya alam.Well, err, may pagkakataon pala, pero hindi naman ako umaalis ng gabi, 'no!
"When she celebrated her birthday with Lincoln."sagot naman ni Law.
Hindi ko alam kung ako lang ba pero parang diniinan niya ang pagbanggit sa pangalan ni Lincoln sabay tingin sa akin.Kaagad kong nakuha ang sinasabi niyang sa bar niya ako nakilala.Akala ko kung ano ng kasinungalingan ang sasabihin ng mokong na 'to.Akala ko sasabihin niyang party girl ako.
"Ah!Oo, naalala ko na.Pero ano namang connect?"kunot noong bawi ni Mama.
"Isa sa siya sa mga tumulong sa amin ni Lincoln, Ma.Siya po at 'yung mga kaibigan niya ang nagdala sa amin sa ospital."paliwanag ko dahilan upang mapatango ang aking mga magulang.
"Ganoon ba?K.Thanks, Mr. Morozova.You're so mabait naman pala."
Luh!Ang conyo ni Mama!
"Law na lang po ang itawag n'yo sa akin."sagot naman ng walang hiya.Choss.Ang bitter ko sa ex ko─ ayt!Hindi nga pala naging kami.Sa isipan ko kasi naging kami tapos sa isipan ko rin nag-break.
"Fawzia, tumabi ka nga kay Law."
Nagtaka ako ng labis sa sinabi ni Mama.At bakit naman kaya?Naningkit ang aking mga mata nang abutin muli ni Mama ang kaniyang cellphone at minuwestrahan akong lumapit kay Law.
"Ang bait naman ng batang ito oh.Ang gwapo-gwapo na nga, ang bango-bango pa!"nakangiti ng todo si Lola na ngayon nasa tabi na pala ni Law habang nakahawak sa kaniyang braso.Muntik na akong mapangiti nang makitang umangat rin ang dalawang sulok ng labi ni Law.
"Anak, sige na, remembrance din ito.Ipakita mo 'to sa mga apo ko sa'yo in the near future nang sa ganoon ay malaman nilang minsan kang sinundo ng isang napakagwapo at mayamang lalaki."
Sus!Kung may ikukwento man ako sa mga magiging anak ko ay 'yun ang pagiging paasa ng lalaking 'to.Labas sa ilong na lumapit ako kay Law, nandoon sa kaliwang bahagi si Lola na ngayon ay halos makitaan na ng gilagid sa sobrang pagkakangiti.Hindi ako dumikit kay Law at naglagay ng distansya sa aming dalawa.Pansin kong nakatitig siya sa akin ngunit hindi ko na lamang inalintana.Tsk!Hindi ko makakalimutan na pinalitan niya ang gown na isusuot ko dapat ngayong gabi.Pakialamero!Isuot ko sa kaniya 'tong pinili niya eh!
Maging sina Mama at Papa ay nakipag-picture kay Law.Dinaig pa ang sikat na artista.Kung sa bagay, mukha rin naman ngang papasa ito sa pagiging artista at modelo, paasa nga lang.
"Hijo, ipinagkakatiwala ko na sa'yo ang anak ko.Huwag mo siyang pababayaan ha."bilin ni Papa habang tinatapik pa ang braso ni Law.
Akala mo naman magsasama na kami ni Law kung makapagbilin!
"Yes, Tito.Don't worry, I will take care of her."
Hanggang 12AM lang ako sa party ni Atticus.Kapag hindi ko raw sinunod iyon ay magiging kalabasa ang kotse ni Law.Choss.Ginawa naman ako ni Mama na living Cinderella, fairygothmother yarne?
Kinuha ko ang phone ko sa loob ng handbag at nakitang 7:30PM na.Pinagbuksan ako ni Law ng pintuan kaya pumasok na ako sa loob.Nanatili kaming tahimik pareho, wala naman akong sasabihin kaya bakit ko pa siya kakausapin?Tsk!Kung pwede nga lang na hindi siya ang kasama ko ngayon.Nakakainis talaga si Kinsley, sinabi ko naman na sa kaniya na huwag ng si Law ang susundo sa akin.Napagawi ang tingin ko sa phone ko nang mag-vibrate iyon.
"Umuwi ka na raw sabi ng Mama mo."
Napangiwi ako sa message ni Papa.Miss na miss kaagad ako?Umangat ang gilid ng labi ko at kaagad na nagtipa.
"Pagbalik namin, tatlo na kami, Pa."
Syempre charorot lang 'yon, duh!Mahina akong natawa sa bagong message ni Papa.
"Huwag ka na raw pa lang umuwi sabi ni Maria my loves."
Maria my loves?Acck!Ang corny talaga ni Papa!Ibinaba ko ang aking cellphone dahil unti-unti akong nakaramdam ng pagkahilo.Gosh!Baka naman nagdadalang tao na talaga ako?Choss, nagdadalang tae lang pala.
"Bakit ang tahimik mo?"
Halos makaramdam ako ng kaba nang magsalita si Law.Hindi ko naman kasi ine-expect na kakausapin niya ako.Dati nga ang sabi niya huwag na raw akong pupunta sa office niya, so ang ibig sabihin lang non ay ayaw na niya akong makita.Tapos ngayon magtataka siya kung bakit hindi ko siya kinakausap?Manhid ba 'tong bwisit na 'to?Hindi ba niya nararamdaman na masama ang loob ko sa kaniya?
"Kasi ayaw kitang kausapin."pinal at puno ng kaseryosohang aniko.Ni hindi ko siya nilingon at ibinaling lamang sa labas ang tingin.
"So you're mad at me?"
Hindi na lamang ako sumagot.Alam naman niya siguro ang kasabihang, silence means yes.Pagkarating namin sa venue ay natanaw ko mula sa labas ang ilang mga naggagandahang mga sasakyan na nakaparada.As what I've expected, maraming bisita si Atticus.Pinagbuksan ako ni Law, naglahad pa siya ng kamay para alalayan akong makababa ngunit hindi ko tinanggap.Hindi na ako nakatiis na lingunin siya nang abutin niya ang kamay ko at ihawak iyon sa kaniyang braso.Salubong ng bahagya ang aking mga kilay na sinamaan siya ng tingin, ngunit tinitigan niya lamang ako at nginitian na parang nang-aasar.
"Baka maligaw ka."aniya.
Maligaw?Anong tingin niya sa akin bata?Inirapan ko si Law, gayon pa man ay nagpatianod na rin ako sa kaniyang hila.Galit ako sa kaniya pero hindi ko mapigilang hindi kiligin.Tangina lang kasi, haler!Crush na crush ko kaya 'tong mokong na 'to!Ramdam ko ang pagtingin sa amin ng mga nadadaanang bisita.
"Oh, here's my favorite couple."nakangising salubong sa amin ni Kinsley.
Couple-couple, ulol!
"May kasalanan ka sa akin."siningkitan ko ng mga mata si Kinsley ngunit natawa lamang siya.
"Sorry, busy kasi akong tao.Nagkataon namang walang ginagawa itong si Morozova kaya siya na ang sumundo sa'yo."binalingan niya ang kaniyang kaibigan at tila binigyan ng makahulugang tingin.Natanaw kong papalapit si Atticus kaya ibinaling ko sa kaniya ang aking atensyon.
"Happy birthday, Atticus."nakangiting bati ko bago inilahad ang aking regalo.Tinanggap niya naman iyon.
"Thanks for this.I'm glad you came, Fawzia."wika ni Atticus bago lumapit at humalik sa aking pisngi.Maski ako ay nabigla sa kaniyang ginawa.
"Aldradem..."
Nilingon namin si Law at nakitang nakatitig siya ng mariin kay Atticus.Nagkatinginan sina Kinsley at Atticus at sabay na natawa.Ano naman kaya ang iniisip ng mga 'to?
"I've told you..."pabitin na sabi ni Kinsley kay Atticus.Napapailing na nginisihan nilang dalawa si Law.
"You have a beautiful date, Morozova."pagsabat naman ni Caesar na ngayon lang din ata dumating.
Enebe eke leng 'te!

BINABASA MO ANG
Taking Chances
Fiksi UmumFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...