Chapter 24

74 6 0
                                        

Nilapitan ko si Lincoln at palihim na kinurot siya sa tagiliran. Pinanlakihan niya ako ng mga mata ngunit hindi ako nagpasindak.

"Hindi ko po siya boyfriend, at mas lalong hindi ko rin po siya crush. Magkaibigan lang po talaga kami."paliwanag ko doon sa tatlo pero mukhang hindi sila nakikinig sa akin. Na kay Lincoln lamang ang kanilang atensyon na animo'y gwapong gwapo sila rito. Todo ngiti naman ang loko kaya siniko ko siya.

"Aray!"oa na aniya habang hinihimas pa ang natamaang sikmura. Hindi naman malakas 'yon ah!

"Fawzia, ano ka ba naman?! Hindi mo dapat ganiyan itrato ang boyfriend mo!"galit na saway ni Mama bago hinila si Lincoln patungo sa kusina. Nakasimangot na sumunod ako. Ikinuha ko na rin ng tubig si Lincoln pero napahinto ako sa pagsasalin nang maramdaman ang pagtitig nila.

"Fawzia? Bakit tubig lang ang ibibigay mo sa kaniya? Magtimpla ka ng juice."utos ni Papa.

Ano bang nangyayari sa kanila?

"Tubig lang po talaga ang gustong inumin ni Lincoln, hindi ba?"sinenyasan ko pa siya para sumang-ayon.

"Okay na po ako sa tubig. Mauuna na rin po ako pagkatapos kong uminom. Mukhang ayaw po ni Fawzia na nandito ako."bakas ang lungkot sa kaniyang boses.

Tangina? Anong drama 'to?

Sinamaan ako ng tingin ni Lola. Lumapit pa siya sa akin para kurutin sana ako sa singit kaya umilag ako.

"Lola naman!"

"Anong Lola naman? Fawzia ha, hindi ka namin pinalaking ganiyan. Sige at magpalit ka na. Dahil naging pasaway ka ay ikaw ang magluluto ng hapunan natin."

"Hindi ko nga po siya boyfriend!"giit ko.

"Pero siya naman ang crush mo kaya sumunod ka!"

"Ayoko po."nakanguso akong umiling.

"Isa, mukhang marami-rami na ang naipon mo."nakataas ang kilay na sabi ni Mama. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod dahil kapag tumanggi pa ako at nakaabot ng tatlo ang pagbibilang niya ay kukuhanin niya ang ipon ko. Sayang din 'yon. Matapos makapagbihis ay lumabas ako sa aking silid. Mukhang nasa sala silang lahat. Nadinig ko pa ang tawanan nila pero wala akong ideya kung ano ang kanilang pinag-uusapan.

Habang naghihintay sa paglambot ng karne ay chineck ko ang cellphone ko kung may nag-text dahil nag-vibrate iyon. Muntik na ngang malaglag dahil sa sobrang excited kong malaman kung sino ang nag-text. Nawala ang ngiti ko sa labi nang makitang network lamang pala. Ano ba kasing ginagawa niya? Dati naman may panahon pa siya para i-text ako. Nang makapagluto ay tinawag ko na sila upang kumain.

"Mukhang sinarapan mo talaga ang pagkakaluto, inspired ba kay Lincoln?"nang-aasar na sabi ni Papa. Napa-face palm na lamang ako. Nang matapos kaming kumain ay kaagad kong hinila si Lincoln.

"Mama, Papa, Lola, aalis na raw po siya."

Napalingon sila sa akin kaya sinenyasan ko si Horsie. Alanganin namang tumango si Lincoln. Huwag niyang sabihing gusto niya pang mag-stay?

"Gabi na rin po. Maraming salamat po, Tita, Tito, at Lola."nagmano siya isa-isa sa kanila. Tuwang-tuwa naman 'yung tatlo.

"Mama at Papa na rin ang itawag mo sa amin!"

"Sa akin din! Lola na lang, hijo!"

Sinenyasan ko si Lincoln na sumunod sa akin. Nakapamulsa siyang sinabayan ako sa paglalakad.

"Ang bait ng pamilya mo. Saan ka kaya nagmana? Parang ang layo ng ugali mo sa kanila."

Sinamaan ko siya ng tingin. Napaatras ako nang lumapit siya sa akin hanggang sa mapasandal ako sa gate.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon