"Sa Sariaya a-ako nakatira.Nasaan nga pala tayo?"usisa ko habang nasa loob kami ng kaniyang sasakyan.
"Nasa Sariaya pa rin tayo, Miss."
Miss daw?I'm your soon to be misis.Choss!
"Ah, ganoon ba?Hindi pa kasi ako pamilyar dito.Bagong lipat kasi kami."
Tanging pagtango lamang ang kaniyang isinagot.Ang gwapo niya palang talaga.Ang tangos ng ilong, ang haba ng pilik mata, ang pula ng labi, at ang ganda ng pagkakahulma ng panga niya.
"Stop staring."
Nahiya naman ako at nag-iwas ng tingin.
"Fawzia ang pangalan ko."
"I didn't asked for your name.Baba."
Nagtaka ako kaya napatingin ako sa labas ng bintana.Nandito na pala kami.Pero papaano kaya niya nalaman ang address ng bahay ko?
"Salamat dahil iniligtas mo ako kanina.Tatanawin kong utang na loob ang ginawa mo."wika ko bago bumaba.
Sayang at hindi ko pa nalaman ang pangalan niya.Inayos ko ang sarili ko bago pumasok sa bahay.Paniguradong sasalubungin ako ng umiiyak kong pamilya, ngunit pagkapasok ko ay katahimikan ang sumalubong sa akin.Naglibot ako sa loob ng bahay habang tinatawag sila pero walang sumasagot.Napagawi ang tingin ko sa kusina at nagtungo doon.Napansin kong mayroong nakadikit na note sa ref kaya kinuha ko iyon.
Hindi kami makakauwi ng Mama at Lola mo.Nasa kwarto ang baon mo para bukas.Kumain ka ng marami at i-lock mo ng mabuti ang mga pintuan at bintana.We love you, nak!
-Papa
Kung ganoon ay wala pala silang ka-ide-ideya na na-kidnap ako?Pero mabuti na rin iyon dahil wala namang nangyaring masama sa akin.Baka kung mapaano pa sila, ayokong mag-alala sina Mama at Papa, lalo na si Lola dahil may sakit siya sa puso.
"Fawzia?Tao po?"
Napalingon ako nang may marinig na tumatawag sa labas.Nagmadali akong nagtungo sa pintuan at binuksan iyon, sina Eva at Dirk lang pala.
"Oh, bakit?"
"Anong bakit ka dyan?Hoy, babae!Saan ka ba galing?Bakit hindi ka pumasok?At bakit ang dumi ng uniform mo?Ang gulo pa ng buhok mo!"sunod-sunod na tanong ni Dirk.
Bumaba ang tingin ko sa uniform ko at nakitang madumi nga iyon.Hindi na ako nagtataka kung magulo ang hitsura ko.
"Wala, dyan lang sa tabi-tabi.Nadapa ako eh kaya ganito."palusot ko.
"Pasok kayo, guys."
"Kanina pa kami naghihintay sa'yo.Wala ring tao dito sa bahay n'yo."nag-aalalang sabi ni Eva.
"Ito nga pala 'yung bag mo.Sa susunod 'wag mo ng gagawin 'yon ah.Pinag-alala mo kami."dagdag ni Dirk kaya napangiti ako.
"Oo na, ilapag mo na lang dyan."
"Sorry sa pang-aasar namin kanina, hindi naman kasi namin alam na magagalit ka.Umabsent ka pa tuloy.Talagang hindi kami mapalagay noong umalis ka."
"Okay lang, basta huwag n'yo ng uulitin.Magtatampo na talaga ako tapos hindi ko na kayo papansinin!"
Maya-maya ay umalis na rin sila kaya umakyat na ako sa kwarto.Matapos makapagpalit ay nahiga ako sa aking kama habang inaalala ang mukha ng knight in shining armor ko.Haays, sana magkita ulit kami.
Kinabukasan ay nakita ko si Lincoln na tila mayroong hinihintay.Kunot na kunot pa ang noo at nang matanaw ako ay kaagad siyang naglakad papalapit sa akin.
"Saan ka nagpunta kahapon?!"tanong niya kaya napataas ang kilay ko.
"Dyan lang sa tabi-tabi.Na-miss mo naman kaagad ako."
"Huwag mo na ulit gagawin 'yon!Hindi nakakatuwa."
Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi.
"Nag-alala ka sa akin, 'no?"sinundot ko ang tagiliran niya kaya napaigtad siya.
"Huwag mo nga akong hawakan!"
Para bang napaso siya sa ginawa ko at nagmamadaling umalis.Anyare don?Napabaling ang atensyon ko sa cellphone ko nang tumunog iyon.Uy, may nag-text.Dali-dali kong binuksan ang message, unregistered ang sender.
"I'll pick you up later.Don't go anywhere."
Luh, sino kaya 'to?Englisherist pa!Nagtipa ako.
"Sino ka?"
Agad naman siyang nag-reply.
"I was the one who saved you, baby."
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala siya.Omg!Si KISA!Baby daw!Ehe ehe kenekeleg eke!Enebe!
"KISA, ikaw ba talaga 'yan?"
"Naks!Si Fawzia may ka text!Sana lahat!"
Hindi ko na lang pinansin ang kaklase ko, istorbo eh.Ngiting-ngiti akong naupo sa tabi ni Trevor.Nag-reply siyang muli.
"Who the hell is Kisa?"
Kaagad akong nagtipa kahit panay pa rin ang pang-aasar sa akin nina Gon.
"KISA as in Knight in Shining Armor."
Hinintay ko siyang mag-reply pero hindi na siya nag-text muli.Saan kaya niya nakuha ang number ko?Baka isa siya sa mga dmirer ko?Choss!Ang asyumera ko naman.Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi ko siya ma-contact.Tingnan mo 'yon, bigla-bigla na lang nawawala.
Pero ang sabi niya susunduin niya raw ako.Ano kayang gagawin namin?Magde-date?Kakain?Manonood ng sine?Gagawa ng bata─ ay punyeta!Ano ba 'tong mga naiisip ko?Gosh!Katalandian strikes again!
"Hoy, sino ba 'yang ka-text mo?Kanina ka pa ngiti ng ngiti.Kilig na kilig ka naman dyan sa kausap mo."kunot noong tanong ni Phoebe.
"'Yung future boyfriend ko!"kinikilig na sagot ko.
"Talaga?Sino naman?"
Napaisip ako saglit.Hindi ko pa pala alam ang pangalan ni KISA.Kinuha ko ang aking cellphone at itinext siyang muli.
"Hoy, anong pangalan mo?"
Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi pa rin siya nagre-reply.
"Anong pangalan ng future boyfriend mo?Ipakilala mo naman sa amin."pangungulit ni Gon.
"Kisa ang name niya."
Nagtawanan sila sa kaya nagsalubong ang kilay ko.
"Kisa?Tunog ginisa."pagsingit ni Ken kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata.
"Ulol!"
"Sus!Baka si Lincoln lang 'yan ah!Kayong dalawa ayaw n'yo pang umamin."napapailing na sabi ni Trevor.
"Hindi, 'no!Friends lang kami."
Nilingon ko si Lincoln na mukhang wala sa mood.Nagmumukhang masungit na naman si Horsie.
"Friends lang tayo, 'di ba?"nakangiting tanong ko pero hindi niya ako sinagot at bagkus ay umirap lang.
Taray ng Lolo mo!
"Hindi pa nga nanliligaw na-friendzone na agad─ sabi ko nga tatahimik na ako."alanganing sabi ni Trevor nang sikuhin siya ni Lincoln.
"Dirk, hindi ako makasasabay mamaya."baling ko sa kaniya.
"Bakit?"
"May gagawin ako."
"Ano?"
"Secret, walang glue."
"Ang daya naman!Ganiyan ka na!Naglilihim!"
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila.Chismoso pa naman 'tong mga 'to!Nang matapos ang klase ay dali-dali akong lumabas pero bago iyon ay nag-ayos muna ako.Konting pulbo, lip tint at perfume lang ay sapat na.Narinig ko pang balak nila akong sundan kaya nag-ninja moves na ako.Nang makalayo ay inilugay ko ang mahaba at mangulot-ngulot kong buhok.
BINABASA MO ANG
Taking Chances
General FictionFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...