Chapter 33

71 5 0
                                        

Hindi rin nagtagal ang ipinaghintay ko at lumabas din kaagad ang mga kalalakihang nasa loob ng opisina ni Law.

"Pumasok ka na daw."nakangising sabi ni Kinsley kaya nginitian ko rin siya.

Tinanaw ko sila habang naglalakad papalayo.Ang gagwapo naman ng mga kaibigan ni Law.Hindi na ako kumatok at dire-diretsong pumasok sa opisina.Doon ay natanaw ko siyang prenteng nakaupo sa kaniyang swivel chair.Nakadirekta sa pintuan ang kaniyang paningin kaya marahil ay inaabangan niya ang pagpasok ko.

"Hi!"masiglang bati ko bago naupo sa silya sa kaniyang harapan.

"Why are you here?Haven't I told you to stay away from me, Fawzia?"

Ay?Gano'n?Mukhang wala sa mood si Kuya Law.

"Eighteen na ako."

Nabalot ng pagtataka ang kaniyang mukha.

"What?"

Lumunok ako bago nagpatuloy.Labis-labis rin ang lakas ng pagtibok ng aking puso dahil sa kaba.

"Ang sabi ko eighteen na ako.N-nasa legal age na ako k-kaya pwede na tayong dalawa."

"So you want me to be your boyfriend, huh?"

Umangat ang gilid ng kaniyang labi at narinig ko ang marahan niyang paghalakhak.

"Hindi!Ang bilis mo naman!Boyfriend kaagad?Hindi ba pwedeng ligawan mo muna ako?"

"You're really something, Fawzia, but I have no plans of courting you.It is not my forte, darling.I have never done that before."

Nag-iinit ang sulok ng mga matang pinakatitigan ko siya.Kumuyom ang aking mga palad.

"Pero pakiramdam ko may gusto ka rin sa akin."naluluhang pag-amin ko.

Tumikom ang kaniyang labi at nag-iwas saglit ng tingin.

"How many times do you want me to tell you that I don't like you?You're just hurting yourself again, kid."

Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi at umaktong tila walang narinig.

"Ang akala ko ba nanliligaw sa'yo si Lincoln?Bakit hindi siya ang kulitin mo ngayon?"

"Tinanggihan ko siya.B-binusted ko si Lincoln, ginawa ko 'yon d-dahil ikaw ang lalaking gusto ko, Law."

Bumalatay ang pagkagulat at pagkamangha sa kaniyang mga mata.

"Hindi ba talaga pwede?N-nasa tamang e-edad na ako kaya─"

"Sinabi ko ng hindi pwede."istriktong aniya.

"Ano bang ayaw mo sa akin?Maganda naman ako, matangkad, at matalino."

"I just don't like you.That's it, Fawzia.Tsk!Come on, you're still young and you better spend your time studying rather than dating."

This time ay hiyang-hiya na talaga ako.Napayuko ako kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.Pangalawang beses niya na akong tinanggihan.Dapat noong una pa lang talaga ay nadala na ako, peto heto ako ngayon at pinipilit siya.

"If you're done, then you may leave.You're wasting my time."

"S-sorry."dali-dali akong tumayo at hindi man lang siya binalingan pa.

"Fawzia,"

Nasa pintuan na ako non nang tawagin niya ako.Kumakabog ng malakas ang aking puso dahil sa sobrang kaba.Hindi ako nagsalita at hinintay ang kaniyang sasabihin.Ni maski ang lingunin siya ay hindi ko ginawa dahil patuloy pa rin sa paglandas ang aking mga luha.

"Don't ever come back here."

Pigil ang paghikbing nagpatuloy ako sa paglabas.Mabibilis ang aking mga naging paghakbang habang pinapahid ang aking mga mata.Halos magkagulatan pa kami ni Danni nang makasalubong ko siya.Nakaawang ang kaniyang labi habang nakatitig sa akin.Marahil ay nagtataka siya sa hitsura ko.

"W-what happened?"

Lalampasan ko na siya nang may maalala ako.

"Kukunin kitang ninang ng lahat ng magiging anak namin ni Law kaya mag-ipon-ipon ka na!"mariing wika ko na ikinalaki ng kaniyang mga mata.

"What?!Hey!"sigaw niya ngunit iniwan ko na siya doon.

Nang nasa labas na ako ng building ay muli kong pinasadahan ng tingin iyon.

Isang araw, ikaw naman ang magmamakaawa sa akin, Morozova.









Tamad akong bumaba mula sa hagdan nang mag-text sa akin si Lincoln na nasa labas daw siya ng gate.Hindi na ako naiilang sa kaniya dahil hindi na niya inungkat pa ang nangyari sa amin noong nakaraan.Humingi rin siya ng tawad tungkol sa naging pag-uusap namin ng kaniyang Mama.Wala raw siyang kaide-ideya na gagawin iyon ni Tita Loren.

"Oh, bakit?"kakamot-kamot kong tanong nang makalapit kay Lincoln.Inaantok ako pero hindi naman ako makatulog.Basta feeling ko pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginagawa.Ako lamang mag-isa sa bahay dahil nasa farm 'yung tatlo.

"Sumama ka sa akin."aniya.Napakunot ang aking noo nang mapansing parang pamilyar ang kaniyang mukha.Ngayon ko lang kasi natitigan nang maayos si Lincoln.Hindi ko lang maalala kung sino pero pakiramdam ko may kamukha talaga siya.

"Fawzia, nakikinig ka ba?!"iritadong tanong ng kaharap ko.

"At bakit naman ako sasama sa'yo?"nakataas ang kilay na tanong.

"Date tayo."mahinang aniya at tila nahihiya pa ata.Hindi ko tuloy masyadong narinig.

"Anong sinabi mo?Lakasan mo naman!"

Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay 'yung bubulong-bulong na parang bubuyog.Nakakairita kaya!

"Ang sabi ko, sumama ka sa akin!"

Aba't!

"Sinisigawan mo ako?!"

"Hindi."mahinahong aniya.

"Sandali, pag-iisipan ko pa─ okay, sige.Maghintay ka dyan.Magbibihis lang ako."

"Samahan na kita."pahabol niya kaya inambahan ko siya ng sampal.Tatawa-tawa naman itong sumandal sa kaniyang kotse.

Makalipas ang halos isa't kalahating oras nang pag-aayos ay binalikan ko si Lincoln.Medyo nabo-bored din naman ako kaya sasama na lang ako sa kaniya.Salubong ang kaniyang kilay at halata ang pagkainip sa kaniyang mukha.

"Natulog ka pa ata!Ang tagal mo!"inis na inis na aniya matapos akong pagbuksan ng pintuan.

"Matagal ba?Iyon na nga ang pinakamabilis kong kilos eh.Nagmadali na nga ako tapos magrereklamo ka pa?"

"Ano bang ginawa mo?"

"Malamang naligo!Palibhasa kayong mga lalaki konting buhos lang ng tubig ay okay na."

"At saan mo naman nakuha ang balitang 'yan?"

"Sa tabi-tabi."

Hindi na siya nagsalita.Ang tahimik naman.

"Hoy!Saan nga pala tayo pupunta?"

Medyo napatalon pa siya kaya natawa ako.

"Huwag ka ngang nanggugulat!Muntik na akong mapa-preno dahil sa'yo."

"Sorry naman, hindi ko alam na magugulatin ka pala eh."

"Magde-date tayo─ aray!"

"Date mo mukha mo!"singhal ko  matapos ko siyang batukan.Hindi na ako magtataka mamaya kung may bukol o pasa na siya dahil sa akin.

"Battered boyfriend na ako."

"Battered boyfriend mo, ulol!Manigas ka dyan!"

Tumawa siya na ipinagtaka ko.Nabaliw na ata!Nakalog ang utak kakabatok ko.Shems!Lagot ako kay Tita Loren nito!

"Kanina pa nga naninigas.Ang sexy mo kasi."nakangising aniya.

Noong una ay hindi ko pa siya na-gets pero nang makuha ko na ang kaniyang sinabi ay nanlaki ang aking mga mata.

"Punyeta ka!Napakabastos mo talaga,  Law!"

"Hindi ako si Law."

Napatuwid ako sa pagkaka-upo.De  punyeta, bakit ang pangalan ni Law ang nasabi ko?Seryoso na ekspresyon ngayon ni Lincoln.

"Lincoln, Fawzia, Lincoln."mariing sabi niya.

"Lincoln naman ang sinabi ko ah!Ikaw talaga, napakabingi mo!"pagpapalusot ko.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon