Chapter 43

59 6 0
                                        

Napahinto ako sa ginagawa nang marinig ang pagtunog ng aking cellphone.Tumatawag si Kinsley the Galante.Iyon talaga ang name niya sa contacts ko.

"Oh, bakit?"bungad ko pagkasagot.

"Nasa bahay ka ba ngayon?"

"Oo, bakit mo naitanong?"

"Ngayon ide-deliver 'yung susuotin mo kaya huwag ka munang aalis sa bahay n'yo hangga't hindi pa dumadating 'yung package."

"Talaga?As in ngayon na?"

Kung sa bagay, ilang araw na rin naman nga ang lumipas kaya marahil ay pwede na 'yung dalhin dito.

"Oo."

"Ocakes!Thanks again!Ibababa ko na, naglilinis pa ako ng electric fan eh."

"Naglilinis ka ng electric fan?Seryoso?"

"Oo nga!Sige na, babush!"pinutol ko na ang tawag at basta na lang iniitsa sa aking kama ang cellphone.

"Punyeta!"naiusal ko nang tumalbog iyon at muntik nang mahulog.Mabuti na lang at hindi nangyari.

Sinimulan kong linisin ang electric fan na ilang dekada na atang hindi napunasan.Pwede ng gawing koleksyon sa sobrang luma.Choss!Inutusan kasi ako ni Maria na maglinis ng kwarto.Kababaeng tao ko raw tapos nagkalat ang mga gamit ko.At dahil masunurin naman akong bata ay ginawa ko na.

Napahinto ako sa pagwawalis sa ilalim ng aking kama nang may natamaan.Bigla ay sumagi sa isipan ko ang mga ibinigay na gamit sa akin noon ni Law.Kahit isa sa mga 'yon ay wala pa akong naisusuot.Inalis ko na lahat sa paper bag at isinama na rin sa mga damit kong pang-alis.Sana lang talaga magamit ko 'tong mga 'to nang hindi napapansin ni Mama.Sasabihin ko na lang na sa ukay ko lang nabili kung sakali man.

Maging ang sliding window ay pinunasan ko rin.Tagatak na ang pawis ko nang tuluyang matapos.Nagpahinga muna ako ng mahigit kalahating oras bago naligo.Nasa kalagitnaan na ako ng pagsha-shampoo ko nang marinig ang pagkatok sa pintuan ng aking silid.

"Fawzia!May bisita ka!Delivery raw para sa'yo!"sigaw ni Mama.

Nandyan na kaagad?Ang bilis naman.

"Sandali lang po!Naliligo pa ako, Ma!"sigaw ko pabalik.

"Bilisan mo!Baka abutin ka pa dyan ng ilang oras ha!"

Matagal kasi talaga akong maligo.Minsan nga nakakadalawang oras kapag walang pasok, pero kapag mayroon ay mga isang oras lang, ganern.Mabagal nga kasi akong kumilos.Bakit hindi na lang kaya nila kunin 'yung package?Pwede namang pirmahan na lang nila 'yung katibayan na natanggap ko na.Sana lang talaga ay walang nakalagay na presyo sa box dahil kapag nagkataon ay mahabang paliwanagan ang mangyayari.Matapos makapagbihis ng pambahay at makapag-ayos ay lumabas na rin ako.I feel so fresh!Ang ganda-ganda ko, ang bango-bango ko!

"Law, anong ginagawa mo dito?!"nanlalaki ang mga matang tanong ko nang madatnan siyang nakaupo sa couch sa aming sala.Sa harapan niya ay nandoon sina Mama at Lola.Nasa farm si Papa kaya wala siya ngayon.

"Kilala mo siya, anak?Siya 'yung nag-deliver nito."nginuso ni Mama ang parihabang box na mayroon pang ribbon.

Hindi ko alam kung o-oo ba ako o hi-hindi.Nilingon ko si Law at nakitang wala man lang siyang reaksiyon habang nakatitig sa akin.Talagang kinarir niya na ang pagiging alalay ni Kinsley ha!Dati, driver, ngayon naman delivery boy?Ang dami naman niyang sideline.Ngunit kahit na ganoon ay hindi nababaksan ng pagiging delivery boy ang kaniyang postura.Papaano ba naman, ang ganda ng mga kasuotan niya.'Yung tipong masasabi mong may kaya talaga siya sa buhay.

"Fawzia!Natulala ka na dyan.Pirmahan mo na ito at nang makaalis na si Kuyang delivery boy."utos ni Mama kaya dali-dali akong napalapit.

Iniwasan kong sulyapan si Law.Nanginginig ang aking kamay na pumirma sa annulment papers este sa kung ano mang papeles na ito.Feeling ko naman ikinasal na kami ni Law.Certified feelingera talaga ako.Iniabot ko iyon sa kaniya.Tumayo siya kaya pakiramdam ko ay nanliit akong bigla.Ang laki niya talagang tao.

"I'm going now.Thanks for the drinks and food."

Doon ko napansing may nakahain pa lang meryenda sa hapag.Halos hindi naman nabawasan.Ako ang uubos niyan mamaya kapag umalis na 'tong lalaking 'to.

"Ah, w-welcome, hijo."nakangiting sabi rin nina Mama at Lola.Ang bilis talagang kiligin ng dalawang ito kapag nakakakita ng gwapo!

"Ihahatid na kita sa gate."wika ko bago siya sinenyasan na sumunod.Nang makalabas kami ay doon ko lang siya hinarap.Kunot noong pinagmasdan ko siya.

"Ano na naman ang ginagawa mo dito?Bakit ikaw ang nag-deliver at hindi 'yung mismong empleyado sa shop ni Miss Carla?"

"No one's available to deliver that package of yours."

"May bayad ba 'yon?"tanong ko.Umangat ang dulo ng kaniyang labi bago umiling.

"Don't worry, it's free."

Mabuti naman!Namumulubi na ako kakabayad sa service niya eh!

"Okay, pwede ka ng umalis.Salamat."nilampasan ko siya at pumasok na sa gate.Nang mapagawi ang tingin ko sa bintana ay nakita kong nakasilip doon sina Mama at Lola.Hay naku!Ito talagang dalawang 'to oh!Pumasok na rin ako sa loob nang marinig ang pag-ugong ng sasakyan ni Law.

"Bakit mo kinausap 'yung si pogi?Magkakilala ba kayo?"

Hindi ko nga nasagot noong unang beses na itanong niya iyon sa akin tapos itatanong niya na naman?

"Hindi po, nagtanong lang ng direksyon sa akin."

"Pero bakit alam mo ang pangalan kanina?Nadinig kong tinawag mo siyang Law."nakataas ang kilay ni Mama.

Dati ba siyang imbestigador sa past life niya?

"Ah, iyon po ba?Empleyado kasi 'yon ng shop na pinagbilhan ng gown.Nakilala ko siya doon."

"Bakit ang ganda ng sasakyan niya?"

"Hiram lang 'yon, Ma."

"Eh 'yung kasuotan niya?Pormal na pormal at englisero pa!Mukhang may lahi.Sigurado ka bang empleyado lang 'yon?"

"Ewan ko po, baka mayaman talaga tapos trip lang magpaka-delivery boy.Hindi ko naman po 'yon ka-close."

Tumango-tango ang aking ina na mukhang naniniwala na ngayon.Ako na ngayon si Fawzia Queen of Palusot Grande.

"Alam mo, apo?Pamilyar sa akin ang batang 'yon.Parang nakita ko na siya noon."

"Naku!Baka ex mo 'yon, Lola ha!"biro ko kaya natawa silang dalawa.

"Ikaw talaga!Tsk!Hindi, para kasing may kamukha siya.Hindi ko lang matandaan kung sino."

"Oo nga, Ma.Parang pamilyar din sa akin ang mukha ng lalaking 'yon."wika ng aking ina.

Papaano naman kaya 'yon nangyari?Nagkita na ba sila noon?

"Akyat po muna ako."wika ko bago binitbit ang kahon.

Excited na akong isukat 'yung isusuot ko.Kyaaah!Feeling ko ang sexy at ang ganda ko sa gown na 'yon!Malawak ang ngiting inalis ko ang ribbon at dahan-dahang inangat ang takip ng box.Nawala ang ngiti sa aking labi nang makita ang nasa loob.

"Punyeta!Bakit ibang design 'to?!"makadamdaming sigaw ko.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon