Chapter 38

62 5 0
                                    

Hinawi ko ang buhok kong bagong tabas.Hanggang balikat na lamang iyon, ang sabi ko naman doon sa nag-gupit sa akin, konti lang ang ibawas eh.Hinayaan ko lang, alangan namang magreklamo pa ako gayong wala na rin naman akong magagawa.

Solo flight ako ngayon dahil trip kong mapag-isa.Gusto pa nga akong samahan ni Mama pero ang sabi ko, "Leave me alone, Ma.I'm old enough kaya hayaan n'yo na po ako."

Charrs lang!

Nakatulala lamang ako sa mga dumadaang sasakyan habang umiinom ng coke float.Naalala ko tuloy bigla si Lincoln.Ano kayang ginagawa ng lalaking 'yon ngayon?Hindi ko maitatangging nag-enjoy rin naman ako sa lakad namin noong nakaraan.Masaya palang kasama si Lincoln.Sana sa susunod makapag-roadtrip ulit kami kasama ang iba pa naming mga kaibigan.

"Fawzia!"

Napabalik ako sa aking sarili nang may tumawag sa akin.Nagpalinga-linga ako ngunit napahinto rin nang makita si Kinsley na naglalakad papalapit sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?"aniya pagkalapit.

"Namamalimos."naglahad pa ako ng kamay sa kaniya.

Umangat ang gilid ng kaniyang labi.Pansin kong masiyahin itong si Kinsley kumpara sa kaniyang mga kaibigan.Kinulang siguro sila sa gatas noong bata sila.

"Pauwi ka na ba?Sumabay ka na, hahatid na kita pauwi."

"Nasaan ang sasakyan mo, aber?"nakataas ang kilay na tanong ko.

Tumalikod siya ng bahagya at itinuro ang isang itim na kotse.Ang cool ng sasakyan ni Kinsley.Sana all rich kid!

"Don't worry, I'm harmless."aniya bago naglakad papunta doon sa sasakyan.

Wala naman akong sinabi ah.Inubos ko muna ang iniinom ko bago nagmadaling sumunod sa kaniya.Nakabukas na ang passenger seat at napawi ang ngiti ko nang makita kung sino ang driver.

"Pasok na, Fawzia."nakangising anyaya ni Kinsley habang nakalahad pa ang kamay.

"Hindi na lang pala ako sasabay.Salamat na lang."

"Huh?Bakit naman?"nagtatakang aniya.

"Ayaw ko ng may katabi."walang emosyong wika ko.

Umawang ang kaniyang labi ngunit ilang sandali pa ay napangisi na ulit.

"Ganoon ba?Doon ka na sa likuran, ako na dito.Ano, okay na?"aniya bago ako pagbuksan ng pintuan.

Fine!Whatever!Dahil mapilit siya ay sumakay na rin ako sa likuran.Nagkataong napalingon ako sa rear-view mirror at saktong nakatingin din doon si Law.Awtomatikong umikot ang aking mga mata nang magtama ang paningin namin ni Law.Naiinis ako na nahihiya.Bigla ay naalala ko ang mga ginawa kong pag-amin sa kaniya noon.Alam kong makapal ang mukha ko pero hindi ko talaga alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para ipagpilitan ang sarili ko sa kaniya.Ganoon ba ako kapangit para hindi niya magustuhan?

"Oh, pinabibigay pala ni Atticus sa'yo."wika ni Kinsley sabay abot sa akin ng black invitation card.Kaagad kong kinuha iyon.Kaagad kong naamoy ang papel nang mahawakan, scented paper.Sosyal!

Maganda ang disenyo non at napaka-eleganteng tingnan dahil gold ang kulay ng font.Binuksan ko iyon at binasa ang nakasulat.Birthday invitation pala iyon at nakita ko ngang nakasulat doon ang pangalan ko.Close ba kami para imbitahin niya ako?Umangat ang gilid ng labi ko nang makita kung kailan iyon gaganapin.November 1 ang birthday ni Atticus.Grabe, made out of love talaga siya kahit na araw ng mga yumao ang birthday niya.

"Pumunta ka daw."wika ni Kinsley kaya napabaling ako sa kaniya.

"Pakisabi salamat, pero hindi ako makakapunta."

"Bakit naman?"

Favorite line niya ba ang bakit naman?

"Baka ma-out of place ako.Wala rin naman akong ka-close doon."

"Close naman tayo ah, close rin naman kayo ni Law."natatawang aniya.

Dinagsa ng kaba ang aking dibdib at kaagad na napakunot ang noo.

"Sinong Law?"

"Joke ba 'yan, Fawzia?"sarkastikong tanong ni Kinsley.

"Hindi, hindi ka naman natawa eh.Anyway, sino nga si Law?"pagkukunwari ko.

Nadinig ko ang pagtikhim ni Law kaya saglit na nilingon ko siya.

"Ah!Siya ba?Sorry naman, siya pala 'yon."tumango-tango ako habang nakatitig sa kaniya.

"Ang bait mo pala Kinsley, 'no?"

"Paano mo naman nasabi?"

"Kasi tumatabi ka sa driver mo.Hindi ka pala maarte kahit mayaman ka."

"What?!Pinagkamalan mong driver ko si Morozova?"natatawang bulalas ni Kinsley na tila hindi makapaniwala sa aking sinabi.

"Bakit?Hindi ba?Omg!Sorry po."kunwari ay nagugulat na sabi ko.

Sa loob-loob ko ay gusto kong matawa nang makitang humigpit ang pagkakahawak ni Law sa manibela.Pikon yarne?

"Damn, Law!Tsk!Hindi ko inaakalang mapagkakamalan ka lang na driver ko."

"Silence, Medrano!"wika ni Law na tila iritadong-iritado na.

"Can't help it, dude.This is epic."bawi naman ni Kinsley.

Nanahimik na lamang ako at isinilid na sa aking handbag ang invitation ni Atticus.Hindi ko na itinuro ang daan papunta sa bahay dahil alam kong alam naman ni Law kung saan ako nakatira.Nang makarating sa tapat ay hindi na ako nag-abala pang magpabukas ng pintuan.Kusa na akong lumabas, tumapat ako sa kina-uupuan ni Kinsley nang ibaba niya ang bintana.

"Thanks sa paghatid."nakangiting wika ko.

"Doon ka sa driver ko magpasalamat."nakakalokong aniya.

Napabaling tuloy ako kay Law.Salubong ang kaniyang kilay at tila wala sa mood.Nakatuon lamang ang kaniyang atensyon sa harap.

"Thanks po, Manong."

Doon ko nakuha ang kaniyang atensyon.Nag-iwas ako ng tingin dahil sa pagtalim ng kaniyang titig.

"Pasok na ako, babush.Ingat ka, Kinsley."

"You too, pretty.Pumunta ka ha."

Ang kulit naman pala nitong si Kinsley.Paulit-ulit?Unli?

"Basta susunduin mo ako at ihahatid pabalik dito."

"Sure, give me your number.Ayaw kasing ibigay ni Law noong hinihingi ko."

Ayaw niyang ibigay?Bakit naman kaya?Kinagat ko ang dulo ng aking dila.Aasa na sana ako kaso naalala kong siya nga pala si Law Paasa Morozova.

"Okay, nagpalit na rin naman ako ng sim card kaya ayos lang."inabot ko ang kaniyang cellphone at isinave doon ang number ko.

"Ngayon ko lang napansin, bagong gupit ka pala."nadinig kong sabi ni Kinsley.

"Oo, kanina lang."

"Bakit ang iksi masyado?"

Pake mo?Charot.Ang daming napapansin ng lalaking 'to.

"Trip lang."

"Ah, akala ko nagmo-move on ka.Anyway, it suits you well."

Napahinto ako saglit bago ibinalik sa kaniya ang kaniyang cellphone.

"Kanino naman ako magmo-move on?"

Nakita kong pasimple siyang lumingon sa gawi ni Law bago muling ibinalik ang tingin sa akin.Nagkibit balikat siya.

"Gotta go, pretty."wika ni Kinsley.

Kumaway na lamang ako hanggang sa tuluyan na silang makaalis.Pagkapasok ko sa kwarto ko ay kinuha ko muli ang invitation card ni Atticus.Pupunta kaya ako o pupunta?Pero ang sabi naman ni Kinsley susunduin niya ako.Haays, bahala na si Batman.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon