Chapter 13

80 7 1
                                    

"Dito na ako.Thanks, baby."

"Thanks mo mukha mo!"

Tinawanan lang ako ni Lincoln.Abnormal talaga!Minsan masungit!Minsan naman palaasar!Kapag ako nainis sasapakin ko na 'to eh.

"Ingat ka, baby."pahabol niya pa.

Kumaway na lang ako patalikod.Siksikan tuloy kami sa kotse.Nakakandong na nga si Trevor kay Dirk.

"Ang bigat mo, 'tol.Puta!Naiipit ang kargada ko!"reklamo ni Dirk.

Nagtawanan kami dahil doon.Una naming naihatid si Eva.Malapit lang pala ang bahay namin kayna Eva at Dirk.Magkapit bahay lang kasi silang dalawa.Pagkarating ko sa bahay ay ichinarge ko na ang cellphone ko, power bank, at ipad.Basta kung anong pwedeng i-charge ay nai-charge ko na.Mabuti nang maghanda.Baka kasi mawalan ng power kahit hindi naman dito sa Quezon tatama ang bagyo.Ang hina pa naman ng mga Meralco dito!Konting ambon at hangin lang ay wala na kaagad kuryente!

"Fawzia, anak!Kakain na tayo!"sigaw ni Papa kaya kaagad naman akong bumaba.Kailangan talagang sumigaw?

"Nasaan po si Lola?"tanong ko nang makalapit.

"Nandito ako, apo.Na-miss mo naman ako kaagad."

Napangiti ako.Inalalayan ko si Lola paupo sa kaniyang silya.

"Syempre naman, Lola!Loves na loves kita eh."hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi.

Kahit may edad na si Lola ay hindi pa rin kumukupas ang kaniyang kagandahan.Nakita ko nga dati ang picture niya noong teenager pa siya at sobrang ganda niya.Ang Lolo ko naman ay patay na.Ang sabi ni Lola nakalimutan daw huminga, 'de joke lang.Hindi ko na siya naabutan pero gwapo rin siya katulad ni Papa.Si Mama ay may maganda ring genes na namana ko kaya heto at napakaganda kong dalaga.

Nang matapos kumain ng hapunan ay tumambay muna ako sa sala.Nadinig kong may kumakatok sa pintuan kaya napahinto ako.Sino kaya ang dumating?Alas siyete na ng gabi ah.Dahil mukhang ako lang ang nakakarinig non ay ako na lamang ang tumayo.Sana lang hindi siya killer, choss!Sino kaya 'tong istorbong 'to?Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang kulay pink na payong.

"Oh, Eva?Ikaw pala?Bakit?"nagugulat na bulalas ko nang makilala ang bisita.

"Tara sa bahay, sleep over!Wala sina Mommy!Bilis!"

Napahawak ako sa dibdib ko.Nakakabigla naman 'tong babaeng 'to!Gabing-gabi na saka pa naisip na magyaya ng sleep over.

"Sandali!May pasok bukas.Hindi pwede."

"Hindi ka nanonood ng balita, 'no?Suspended ang klase.Sandali nga, papasukin mo kaya muna ako, 'no?"

Napakamot ako sa aking batok at binuksan na ng tuluyan ang pinto.Ang daldal niya talaga, ang bilis pa magsalita.

"Oh, sino 'yan?"tanong ni Mama nang mapagawi ang tingin sa amin.

"Hi, Tita!Ako po si Eva.Schoolmate po ako ni Fawzia.Yayayain ko po sana siyang mag-sleep over sa bahay namin.Dyan lang po ako nakatira sa malapit.Mga limang bahay po ang pagitan simula dito sa inyo.Pumayag po sana kayo.Please?"

Napanganga si Mama sa bilis magsalita ni Eva.

"Pero may pasok siya bukas, hija.Baka mapuyat 'to at tamaring mag-aral."

"Suspended daw po, Mama."sagot ko.

"Please, Tita?"

Nag-puppy eyes pa siya na mukhang tumalab naman kay Mama.

"Oh, sige na nga.Basta 'wag kayong pasaway ha.Umuwi ka kaagad bukas ng umaga, Fawzia."

Napa-yes kaming dalawa ni Eva.Pinaupo ko muna siya sa sofa bago nag-ayos ng mga gamit.Mga gamit talaga?Para namang maglalayas ako.Mabuti na lamang at tumila na ang ulan hanggang sa makarating kami sa bahay ni Eva.Sinalubong kami ng isang napaka-cute na bata.Waaaah!Ang taba ng pisngi!Ang sarap pisilin!

"Ave, why are you still awake?"tanong ni Eva.

"I'm waishing por you,  Ate."nakangusong sabi niya at yumakap sa binti ni Eva.

"Hi!I'm your Ate Fawzia."nakangiting pakilala ko.Ngumuti rin siya sa akin at bumitaw sa pagkakayakap kay Eva.

"I'm Ave po."pagpapakilala niya.

Hindi ko na napigilan ang panggigigil at hinalikan siya sa pisngi.

"Ang cute ng kapatid mo, Eva! Iuuwi ko na ito!"

Natawa lamang siya at inaya na akong pumasok sa loob.Maganda ang bahay nina Eva at halatang yayamanin.Marami ring nakasabit na medalya pagbungad sa sala.Sa amin kasi puro pictures lang.Naubusan ako ng medals.Choss!

"Fawti!Yown!Nandito ka na rin sa wakas!"

Napalingon ako nang may tumawag sa akin at ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makita sina Trevor, Dirk, Ken, Sean, Phoebe, Van, Gon, at Lincoln.Nandito rin pala ang mga punyeta.

"Hi, baby."nakangiting bati ni Lincoln at lumapit pa sa akin.

Yumuko siya at hindi ko inasahan ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking pisngi.Sa sobrang gulat ko ay natuhod ko siya sa 'ano' niya.Napaluhod si Lincoln habang sapo-sapo ang kaniyang 'ano'.Basta 'yung ano!Gago naman kasi!Nanghahalik na lang bigla.Kung nagpaalam siya edi sana─ choss!Ang harot mo, Fawzia!

"Ang manyak mo talaga!"pinunasan ko ang pisngi ko.

Eww!Eww!

"Kapag hindi kita nabigyan ng anak, bahala ka!"nakangiwing reklamo niya.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata.Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to!As if naman magiging mag-asawa kami.Yucks!Eww!I can't even imagine spending my life with him.Baka magkaroon ng digmaan sa pagitan namin kung magkakatuluyan kami.Tuluyan ko siya dyan eh!

"Stop it, Lincoln.Huwag mo ng asarin.Baka mag-walk out pa si Fawzia.Mabuti nga at pinayagan 'yan ni Tita."saway ni Eva habang buhat-buhat na si Ave.Tulog na siya at ihihiga na daw niya sa kwarto.Napakabait naman niyang ate.

"Uy!Si Lincoln, may pahalik na kay Fawzia.Tsk!Tsk!"pang-aasar ni Gon.

Nakanguso akong tumabi kay Phoebe.Katapat namin sina Lincoln sa kabilang sofa.Nakangisi ang kaniyang mamula-mulang labi.Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sa pisngi lang naman, napikon ka na kaagad?"

"First of all, you're not my boyfriend.You're not allowed to kiss me whenever you want, and will you please stop calling me baby?It's disgusting."mariin at seryosong paliwanag ko.

Napa-whoah sila sa sagot ko.Mukhang wala namang talab iyon kay Lincoln dahil sumandal pa siya sa sofa habang nakatitig pa rin sa akin.

"What if I court you, then?"hamon niya.

Nag-init nang todo ang aking pisngi dahil sa narinig.Hindi ako nakasagot.Napangiwi ako nang hampasin ako ni Phoebe.Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang sakit ha!"

"Sorry, kinikilig ako sa inyo eh!"she giggled.

Bumaling akong muli kay Lincoln.Napalunok ako nang makitang tila nag-aabang siya sa aking isasagot.Pero sigurado naman akong pinagtitripan niya lang ako.Maniwala sa'yo, baby este Lincoln!

"Hindi, ayoko."

"Wow!Breaking news!Lincoln Mendez binusted lang ng isang Fawzia Grande!"

Nangunot ang noo ni Lincoln at sinamaan ako ng tingin.Nagtampo ata.Charing!

"Okay lang 'yan, pre.Minsan hindi talaga natin pwedeng ipilit ang sarili natin.Ang kawawa kong kaibigan, nabusted!"madramang sabi ni Dirk.

"Tama ka, pare.Ganoon talaga siguro  ang mga babae.Matapos niyang pagsawaan ang katawan mo ay itatapon ka na lang niya na parang basura.Isa ka talagang mapagsamantala, Fawti!"umiiyak kuno na sabi ni Ken at dinuro pa ako.Napairap na lamang ako.Heto na naman sila.My god!

"Ibalik mo ang repustasyon at dignidad ni Lincoln!Ibalik mo!Walang hiya kang babae ka!"sigaw ni Dirk.

Hinigit-higit pa nila akong dalawa.Samantalang sina Trevor ay napahiga na sa sahig sa katatawa.Mga bwisit!

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon