Chapter 31

68 7 2
                                        

Nagulat ako nang madatnan ko si Lincoln sa labas ng aming bahay. Papasok na sana ako sa school at nagmamadali ako dahil naiwan ako ng service. Napaayos siya ng pagkakatayo nang makita ako.

"Bakit nandito ka?"

"Susundiin ka? Alangan namang ihatid ka, 'di ba?"

Pilosopo!

"Bakit? Hindi naman ako nagpapasundo sa'yo ah."

"Simula sa araw na ito ay magsisimula na akong manligaw sa'yo."

Nanlaki ang aking mga mata at halos mapanganga sa narinig.

"H-ha?!"

Anong panliligaw ang pinagsasasabi niya? Wala akong natatandaang nagpaalam siyang manliligaw sa akin. Kung meron man ay hindi rin ako papayag.

"Nagpaalam na ako sa mga magulang mo at pumayag sila."aniya.

"Sandali nga! Ano bang pinagsasabi mo dyan? At bakit mo ako liligawan?!"

"Hindi ba obvious? Gusto kita, Fawzia."direktang aniya.

Hindi nga?!

"Joke ba 'yan? Hahaha! Ang benta ha!"

"Mukha ba akong nagbibiro? Seryoso ako, gusto kita."

Natigilan ako nang mapansing mukhang hindi nga siya nagbibiro.

"Uh, I'm sorry p-pero may nagugustuhan na akong iba, Lincoln."napaiwas ako ng tingin habang pinaglalaruan ang aking mga kamay.

"Si Law ba? Siya ba?"

Dahan-dahan akong tumango kahit kabadong kabado na ako.

"O-oo, sorry ulit."paghingi ko ng tawad sa kaniya bago nagtatakbo pasakay sa jeep na nakaparada.

Nagsimula na ang klase pero wala pa rin si Lincoln. Saan kaya siya nagpunta? Ang hirap naman kasi ng sitwasyon namin kanina. Hindi ko naman ginustong iwanan siya doon pero nailang akong bigla. Hindi bale sana kung nag-aasaran lang kami eh, pero umamin siya. Umamin siyang may gusto siya sa akin. Hinawi ko ang dulo ng aking buhok. Haays, ang hirap maging maganda! Lord, why me?! Why?! Ugh!

"Excuse nga po kay Fawzia Grande."

Nang marinig ko ang aking pangalan ay napahinto ako sa pag-iisip tungkol kay Lincoln. Nakita kong mayroong isang estudyanteng nakatayo sa gilid ng pintuan ng classroom namin. Tumayo ako para kausapin siya. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha at hindi iyon pamilyar sa akin.

"Bakit?"

"Ipinapatawag ka po ng principal, ngayon na daw po."

Luh? Bakit naman kaya?

"Ah, sige. Thanks."nginitian ko siya bago nagpaalam sa aking guro. Nang makarating sa Principal's office ay kaagad akong kumatok sa pintuan.

"Come in!"

"Good morning po, Ma'am."bati ko pagkapasok ko sa kaniyang opisina. Sinenyasan niya akong maupo sa silya sa kaniyang harapan.

"Good morning, Fawzia."

"Uhm, bakit n'yo po ako ipinatawag?"

Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong nilabag na rules sa school. Hindi rin naman ako nakikipag-away at mas lalong wala naman akong bagsak na subject.

"It's about my son, Lincoln."

Napakunot ang aking noo ng bahagya. Tungkol kay Lincoln? Anong meron?

"I know this isn't the right time to talk, but I'm kinda busy eh. I have a lot of works to do pa kasi, ngayon lang ako may free time."

Conyo pala ang Mama ni Lincoln, ngayon ko lang nalaman.

"Hmm, sige po. Ano ba pong tungkol kay Lincoln?"

Baka tatanungin niya ako sa mga pinaggagagawang kalokohan ng anak niya. Naku! Hindi ako magdadalawang isip na isiwalat ang kabulastugan ng lalaking 'yon!

"Alam kong may gusto sa'yo ang anak ko at alam ko ring may balak na siyang ligawan ka. Ang ipakikiusap ko lang sana ay hayaan mo siya, hija. Kung maaari ay bigyan mo siya ng pagkakataon."

Ano raw? Kahit na nakakagulat ang kaniyang mga sinabi ay naproseso iyon kaagad ng utak ko. Talagang sa oras pa ng klase niya ako kakausapin para lang sa bagay na ito? Ang akala ko pa naman kung ano na.

"Ayoko po."seryosong sagot ko.

Ganoon na ba kadesperado si Lincoln na mapapayag ako kaya pati ang Mama niya ay inutusan niyang gawin ito? Ibang klase ang tama non sa akin ah! Tumaas ang kilay ni Ma'am Loren at tila hindi nagustuhan ang isinagot ko.

"And why? My son is perfect. He's handsome, intelligent, rich, and he loves you."

"Tama po kayo, maaaring malapit nang maging perpekto si Lincoln pero hindi ko pa siya gusto, Ma'am. Hindi sa paraang mamahalin ko siya bilang isang lalaki, dahil itinuturing ko na siyang isa sa mga pinakamalalapit kong kaibigan. Pinilit niya po ba kayong kausapin ako? Kung sa tingin po ng anak n'yo ay magagawa n'yo akong kumbinsihin ay nagkakamali siya."pagpapatuloy ko dahilan upang mawala ang napakaganda niyang ngiti.

"Can you hear yourself, hija? Tinatanggihan mo ang anak ko?"

Tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Pwes mas hindi ako makapaniwala sa kaniya dahil pinipilit niya akong magpaligaw kay Lincoln. Wala akong gusto kay Lincoln kaya bakit ko pipilitin ang sarili kong magustuhan siya?

"Opo at nagawa ko na po."proud na sagot ko.

"Pero pwede mo siyang matutunang mahalin! Hija, mag-isip ka nang mabuti."

"Napag-isipan ko na po. May mahal na po akong iba, Ma'am Loren. Kung ipipilit n'yo po ang gusto n'yo ay wala po kayong mapapala sa akin. Mahalaga po si Lincoln sa akin pero hindi sa paraang kagaya nang inisiip n'yo."

Tumayo na ako para umalis na sana sa kaniyang opisina pero napahinto ako nang makita si Lincoln.

"A-anak, "nagugulat na tawag ni Ma'am Loren kay Lincoln. Naglakad ako papalapit sa kaniya at marahang tinapik ang kaniyang balikat.

"Sorry talaga, Lincoln."

Sa pagkakataong iyon ay nagawa kong titigan siya sa kaniyang mga mata. Kitang kita ko ang kalungkutan sa kaniya ngunit wala akong magagawa upang mapawi iyon. Magkaugali kami at hindi magwo-work out ang relasyon namin kung sakali man.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon