"Sino pala ang may hawak ng spare key?"tanong ko kay Van habang sinusuklayan niya ako. Walang malisya dito ah. Pero 'yung isang babae dyan sa tabi-tabi mukhang nilalagyan ng malisya. Masama ang tingin sa akin ni Stella kaya napangisi ako. Selos ka, girl?
"Kay Phoebe. Siya ang president ng klase eh."
Habang nananalamin ay napansin kong nakatingin sa akin si Lincoln kaya nilingon ko siya.
"Bakit ka nakatitig sa akin, baby?"nakangiti pa akong nagtaas baba ng kilay. Umiling lang siya sabay ub-ob sa kaniyang desk.
"Baby? Bakit baby? Kayo na ba ni Lincoln?"chismosong tanong ni Gon.
"Hindi! Napakachismoso mo talaga. Tinawag lang na baby eh kami na agad? Hindi ha! Over my dead sexy body!"giit ko.
Nahagip ng paningin ko ang paper bag na nasa gilid. Nandoon ang skirt na ipinahiram sa akin ni Lincoln. Mamaya ko na lang siguro ibabalik. Nang mag-lunch break ay sinundan ko si Lincoln papalabas ng room.
"Hoy! Sandali lang! Samahan mo ako."sabi ko sabay hawak sa kaniyang braso. Napangisi sa amin sina Trevor. Gago! Napakamalisyoso talaga ng mga baklang 'to!
"At bakit ko gagawin?"aniya sabay alis sa aking kamay.
Arte!
"Isosoli ko lang 'yung palda sa kaibigan mo kaya samahan mo ako. Hindi ko naman kasi siya kilala. Akala mo siguro kung saan kita inaaya, 'no? Assuming!"
"Hindi ako assuming. Huwag mo nang isoli 'yan, sa'yo na daw 'yan."
Aangal pa sana ako pero sumenyas siya na para bang tumigil na ako.
"Itapon mo kung ayaw mo."dagdag niya sabay talikod papalayo sa akin.
"Eh 'yung napkin?! Magkano 'yon?!"buong lakas na sigaw ko kaya nagtinginan ang ilang nakatambay na estudyante sa amin. Kunot noong nilingon ako ni Lincoln at hindi nakaligtas sa akin ang pag-awang ng kaniyang labi.
"Magkano? Babayaran kita."
"Kahit huwag na! Tsk!"paangil na aniya sabay yakag kayna Trevor.
Ang sungit talaga ng lalaking 'to!
Kinahapunan ay nauna ako kina Dirk at Ken. May pupuntahan pa daw sila eh. Hindi man lang ako isinama. Habang naglalakad ay nahagip ng aking paningin ang nakausling sinulid sa tabi ng aking blouse. Hinigit ko 'yon dahil nakakairita sa mata.
Ang haba! Punyeta! Nang matapos ay halos mapamura ako nang maramdamang lumuwag ang suot ko. Naalis ang pagkakatahi sa side na nagkokonekta sa tela kaya nasira ang uniform ko. Mabuti na lang at may suot akong sando. Hindi ko naman kasi tinitingnan habang hinihila 'yung sinulid kaya hindi ko alam na nagkakaganito na pala 'yung damit ko.
Nag-cross arms ako habang naglalakad. Yakap-yakap ang natastas na blouse. Bwisit na sinulid kasi 'yon! Nakayuko ako habang naglalakad pero ramdam ko ang tinginan ng ilang estudyante sa akin. Sinong hindi titingin eh para akong tanga na yakap-yakap ang sarili ko! Dinaig ko pa ang inalipusta!
"Fawzia?"
Napahinto ako sa paglalakad at nakita sa gilid sina Dirk, kasama rin nila ang bwisit na si Lincoln.
"Anong nangyari sa blouse mo?!"kunot noong tanong muli ni Dirk. Lumapit siya sa akin at hinigit ako kaya naalis ang braso ko sa pagkakatakip sa bewang ko. Nanlaki ang kaniyang mga mata at ngayon ay halos magsalubong na ang kilay sa galit, ganoon rin si Ken.
"Anong nangyari sa'yo?! May nang-bully ba sa'yo?"
"Sandali!"ibinalik ko ang braso ko sa pagkakayakap sa sarili at sinamaan siya ng tingin.
"Ang ingay mo talaga! Naalis 'yung sinulid kaya nagkaganito ang uniform ko. Hindi ako ibinully! Ang oa mo ha."
"Papaano ka niyan? Nakikita ang side part ng upper body mo. Masisilipan ka."nag-aalalang sabi ni Trevor.
"Isuot mo 'to."sabi ng kung sino kasunod ng pagtama ng jacket sa aking mukha. Nalaglag iyon sa sahig dahil hindi ko naman sinalo. Edi nakitaan na naman ako at saka, eww! Galing 'yon kay Lincoln the bwisit!
"Eww! Why would I wear naman your jacket? Duh! Don't talk to me, Horsie. Galit ako sa'yo, to the point that I want to slap you!"
"Fawzia, isuot mo na."utos ni Trevor ngunit umiling ako.
"I can manage, and I don't need his help."dagdag ko sabay irap.
"Tsk! Ang tigas ng ulo. Isuot mo muna 'tong polo ko. Isoli mo na lang sa isang araw."napapailing na hinubad ni Dirk ang kaniyang polo at iniabot iyon sa akin. Ayown! Mabuti naman at nagmagandang loob siya! Napangiti ako at mabilis na inabot iyon at isinuot. Naka-white shirt pa naman siya kaya ayos lang.
"Thanks, Dirk! Mauuna na ako pauwi."
"Ge, ingat ka. Pasabi kay Eva na hindi ako sasabay ha at mas lalong hindi ako makikipag-date."
Tumango ako at iniwan na sila doon. Nang makalayo ako kina Lincoln ay halos magtatakbo na ako sa hiya. Mabuti na lamang at wala sina Mama pagkarating ko sa bahay. Kaagad akong nagpalit ng damit pagkarating. I need food! Pampatanggal ng init ng ulo. Bumaba ako at nagtungo sa kusina. Mabuti at may buko pie pa. Nagtimpla din ako ng juice at pagkatapos ay nagpunta sa sala para manood ng palabas sa TV.
So relaxing! This is life!
"Eww! Why would I wear naman your jacket!"maarteng sabi ni Dirk pagkakita sa akin.
Ang aga-aga, binubwisit ako!
"Isa pa!"
Pagkasakay ko kasi sa service ay 'yon na agad ang bungad niya. Pasalamat siya at pinagbibigyan ko siya dahil naging mabait siya sa akin kahapon. Tawang tawa naman si Eva sa amin.
"Ito naman si Fawti! Ang aga-aga eh high blood, chill!"
"Chillin' like a villain, rah! Rah! Rah!"pagkanta ni Eva.
Mga abnormal!
BINABASA MO ANG
Taking Chances
Fiksi UmumFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...
