Hmm?Ano kayang magandang iregalo kay Atticus?
"Bakit ba tayo nandito sa men's section?Bibilhan mo ba ng bagong gamit ang Papa mo?"usisa ni Mama habang naniningin rin ng damit.
"Hindi po, may magbi-birthday po kasi akong kakilala.Ininvite ako sa party niya."
"Kailan ba gaganapin?At lalaki?Sino namang lalaki 'yan?Si Lincoln ba o 'yung mga kaibigan mo?"
Ano namang ipinagkaiba ni Lincoln at hindi pa napasama sa mga kaibigan na tinutukoy ni Mama?
"Sa November 01 po, Mama.Tsaka hindi po si Lincoln 'yon, hindi rin sina Van."
"Eh sino pala?"tanong ni Lola na nasa aking tabi na pala.
"Si Atticus po."
"Atticus?Sino naman 'yon?"magkasabay pa silang magsalita habang nakakunot ang noo.
Atticus ano ngayon?Ano nga ulit ang apelyido ng lalaking 'yon?
"Nakalimutan ko po 'yung apelyido.Mamaya po pag-uwi natin ipapakita ko po sa inyo 'yung invitation."
"Ilang taon na ba 'yon?At magkano ba ang budget mo sa pang-regalo?"
Ilang taon na nga ulit si Atticus?Punyeta, bakit ba hindi ko matandaan ang mga impormasyon tungkol sa kaniya?
"One hundred and fifty pesos po."
"Anong tingin mo dyan sa reregaluhan mo, 'yung nabunot mo sa exchange gift?"puno ng sarkasmong aniya.
Para nagbibiro lang eh!Baka hindi tanggapin ni Atticus ang ibibigay ko kapag worth 150 lang ang binili ko.Mukha pa naman siyang expensive.Parang 'yung ex ko lang na si Law.Choss, hindi pala naging kami.Umalis na kami sa men's section dahil wala akong makitang maganda bukod sa akin.
Sa huli ay bumili na lamang ako ng couple bracelet sa nadaanang jewelry store.Hindi 'yon para sa amin ni Atticus, 'no!Pwede niyang ibigay iyon sa girlfriend niya.Ang cute nga eh.Gusto ko rin tuloy bumili ng para sa akin.Ang kaso wala naman akong pagbibigyan.Napagastos pa tuloy ako ng 999 pesos.Mabuti na lang may sukling piso.Ang laking bagay, 'di ba?Ibabalot ko na lang sa magandang gift wrapper 'yung regalo ko para magmukhang sosyalin.
May ichinika pa nga sa amin 'yung nakasabayan naming bumili kanina.Ang sabi-sabi raw, hindi daw nagkakatuluyan ang mga nagsusuot ng couple bracelet.Pero bumili pa rin ako, tibayan na lang nina Atticus at ng girlfriend niya ang relasyon nila.Ito lang kasi ang afford ko at may magandang disenyo.Hindi rin naman siguro totoo 'yung chika ni Ateng Chismosa.
"Mukhang marami kang naipon, anak.Beke nemen."
Anong beke nemen?
"Wala na nga po akong pera eh."
"Sus!Minsan lang naman makapagpalibre sa'yo.Madami ka namang nakukurakot sa baon mo kaya ibili mo na kami ng bagong damit."
Nakurakot?Eh sakto nga lang ang baon ko palagi.Sayang nga at hindi na nakikipag-away si Lincoln.Edi sana palagi akong may pera.Choss lang!Nakikitaan ko pa man din siya ng potensyal na maging boksingero.Malay ba natin at baka siya pa ang susunod ns Pacman ng Pilipinas.Willing naman akong maging manager niya, pwede ring coach.
Haays, ang akala ko pa naman ako ang makakalibre, pero ako pa pala itong mapapagastos.My god!Wala na akong nagawa nang hatakin nila ako sa shop na gusto nilang puntahan.Pagkauwi sa bahay ay kaagad kong hinanap ang invitation na ibinagay ni Kinsley.Kanina pa kasi ako kinukulit nina Lola kung sino daw.
"Ma, La, ito na po oh."inabot ko sa kanila ang black invitation.
"Ang akala ko noong una children's party.Then nagkamali ako kasi couple bracelet ang binili mo.Huwag mong sabihing boyfriend mo itong si Atticus Aldradem, Fawzia?"bintang ni Mama kaya kaagad akong napasimangot.
"Mama, hindi po!Tsk!Kayo talaga, lahat na lang ng lalaki sa paligid ko pinagkakamalan n'yong boyfriend ko."
"Aldradem's Mansion?May pa-mansyon ang birthday boy.Mayaman 'to, 'no?"
"Hindi naman po masyado.May kaya lang po 'yan."sagot ko.
Patuloy pa rin sila sa pagtingin sa invitation.
"Uh, papayagan n'yo po ba akong pumunta?"alanganing tanong ko.
"Kung gusto mo pumunta ka na ngayon."
Napangiwi ako sa sinabi ni Mama.Tsk!Itong nanay ko talaga manang-mana sa pinagmanahan.
"Lola, payag ka po ba?"nagpaawa ako sa aking pinakamamahal na Lola.Ngumiti siya kaya unti-unti ring sumibol ang pag-asa sa akin.
"Sige basta pagdating mo do'n, umuwi ka na kaagad."
"Lola talaga!Hmmpf, sige na po kasi.Kahit isa o dalawang oras lang ako doon.Nakakahiya lang po dahil binigyan ako ng invitation tapos pinagawa pa ako ng gown─"
"Ipinagpagawa ka ng gown?!"sabay nilang tanong kaya napahinto ako sa pagsasalita.
"Ang akala ko ba hindi gaanong mayaman?"nakataas ang kilay ni Mama.
"Birthday n'ya po eh kaya ayon at naging galante.Basta hindi po siya mayaman.Feeling mayaman lang, ganern.Hindi po kasi ako makatanggi kasi ..."
"Kasi?"
Naku!Hindi ko naman pwedeng sabihin 'yung presyo ng gown na susuotin ko!Baka mas lalo silang mag-usisa.Kapag sinabi ko namang mayaman si Atticus, dadami lalo ang tanong nila.Nakakatamad kayang mag-explain.
"Nakabili na rin ako ng regalo.Sayang naman po."
"Iyak ka muna, tatlong butil ng luha, ganern."pang-aasar ni Mama kaya napasimangot akong lalo.
Ngayon, alam ko na kung bakit may naaasar sa akin sa tuwing kakausapin nila ako dahil nakikita ko ang sarili ko kayna Mama at Lola.
"Oh, sige na, pumunta ka na.Huwag ka na ring uuwi ha."
"Mama nga!Nilibre ko po kaya kayo kanina."giit ko.
"Ay sus naman!Sa akin din naman nanggaling ang pinambili mo, ineng.Pag-iisipan ko.Huwag ka ng bumusangot dyan.Mas lalo kang pumapangit, wala akong anak na pangit."
Imbis na sundin siya ay mas lalo akong ngumuso.Dumukwang siya at mahinang tinapik ang aking labi.
"Fawzia ha, huwag mo akong daanin sa paganiyan-ganiyan mo.Hindi ka na bata at mas lalong hindi kita papayagang lumabas ng gabi.Tama na 'yung nangyari noong birthday mo.Kung hindi ka pa nailigtas ni Lincoln, baka kung ano ng nangyari sa'yo."
"Mama naman.Mag-iingat na po ako, promise.Magdadala na po ako ng pepper spray, balisong, samurai, baril, granada─ aray!"napahawak ako sa aking hita nang hampasin niya iyon ng bahagya.Natatawa lamang si Lola sa amin.
"Anong samurai-samurai ka dyan?!Naku!Fawzia!Hindi ko alam kung ipagpapasalamat kong nag-iisa kitang anak o ano eh!"
"Mahal, ano ba 'yan?Bakit nagsisigawan kayo dyan?"tanong ni Papa.Inakbayan niya si Mama at dinampian ng halik ang pisngi.
"Acckk!Yuck, Papa!"nagkunwari akong masusuka kaya natawa ang aking ama.Si Mama naman ay napahinto sa pagbubunganga sa akin dahil kinilig ata.Marupok!
Ayt!Kay Papa na lang pala ako magpapaalam!Sigurado akong hindi niya naman ako matitiis.Tumayo ako at humilig sa kaniyang kabilang braso.
"Papa kong pogi!"nginitian ko siya na ikinataas ng isa niyang kilay.
"May kailangan ka?Ano 'yon?"
"Papa!"ungot ko.
"Ano nga?"
"Gusto kong pumunta sa birthday ng kaibigan ko."
"Invited ka naman ba?"
"Opo."
"Edi pumunta ka.Wala namang pumipigil sa'yo."
Meron kaya!Sina Mama at Lola!Speaking of them, nginitian ko ng tagumpay si Mama at Lola.Wala na silang magagawa dahil si Papa ang nagdesisyon.
"Whatever!"maarteng wika ni Mama na ginaya pa ang aking boses at ang pag-irap.
"Basta mag-uuwi ka ng handa ha."dagdag ni Papa na ikinangiwi ko.

BINABASA MO ANG
Taking Chances
Fiksi UmumFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...