Chapter 54

74 3 2
                                        

"Dyan ka lang."wika ko bago tumayo at magtungo sa counter.Matapos makabili ng pagkain para kay Kuya Kinsley ay kaagad rin akong bumalik.Inilapag ko sa kaniyang tapat ang mga binili bago naupo muli sa aking pwesto.

"Ang galante mo naman."malawak ang kaniyang pagkakangiti at tila hindi inasahan ang aking ginawa.

"Mas galante ka pa rin.Sige na, kumain ka na dyan.Minsan lang ako manglibre kaya huwag na huwag kang tatanggi."

"Ok, then thanks, Fawzi."

Habang pinapapak ang chicken legs ay nakatanaw ako sa labas.Makulimlim na talaga ngayon ang kalangitan habang umaambon.

"Bakit hindi na kita nakikitang kasama si Law?"

Really?Infront of my food, mf?Nakangiwing nilingon ko si Kuya Kinsley.Kailangan ba talagang banggitin pa ang pangalan ng paasa na 'yon?

"At bakit naman ako sasama sa lalaking 'yon?"

"Lalaking 'yon?"natawa siya."Para namang ang laki-laki ng galit mo sa kaniya.Ano bang nangyari?Ang akala ko umamin na siya sa'yo?"

Tsk!Kalalaking tao napakachismoso.Kaya pala ako nilapitan para makasagap ng chismis.Eh kung 'yung kaibigan na lang kaya niya ang inusisa niya?

"Itanong mo sa kaibigan mong walang palabra de honor."

Natatawang sumandal siya sa kaniyang kinauupuan habang may kagat-kagat na fries.

"Bakit?Ano bang ginawa ni Law?Base sa ekspresyon mo ngayon mukhang hindi naging maganda ang pag-uusap n'yo."

"Kasi paasa 'yang kaibigan mo.Mahilig magbigay ng mix signals, magaling magpa-fall, magpakilig pero hanggang salita lang naman.Kung kailan hulog na hulog na ako sa kaniya ay saka siya babanat ng hindi kami pwede kasi gusto ako ng kapatid niya.Wait, alam mo naman sigurong may kapatid si Law at si Lincoln 'yon, hindi ba?"

"Yeah, then what's next?"

"So ayon na nga, umamin si Law sa akin na gusto niya ako kaso masyado raw akong bata.Ang bwisit, sabihin mo humanap siya ng matanda ha!'Yung tipong uugod-ugod na.Napakaarte, akala mo naman!Hah!Who you talaga siya sa akin kapag nakahanap ako ng iba.Pakisabi dyan sa kaibigan mo punyeta siya ha.Sampalin ko siya ng pabalik-balik eh."

Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ni Kuya Kinsley habang nagkukuwento ako.Sa unang pagkakataon ay may napagsabihan ako ng hinanakit ko tungkol sa first love ko kaya naman medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Papaano kung gusto ka niya talaga?"

"Gusto niya nga ako pero masyado siyang duwag.Akala mo hindi lalaki, ni hindi maipaglaban ang feelings para sa akin.Tsk!Law Coward Paasa Morozova dapat ang ipinangalan ni Tita Loren sa kaniya."

Napahinto ako sa pagsasalita nang senyasan ako ni Kuya Kinsley na may tumatawag sa cellphone niya.Umangat ang gilid ng kaniyang labi bago iniharap sa akin ang screen ng kaniyang cellphone.

"Gusto mo ba siyang makausap?"

Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng pagbilis ng tibok ng aking puso dahil sa narinig.Sunod-sunod akong napailing.

"Bakit ayaw mo?"

"Ayoko lang, b-basta!Ni ayoko ngang makita siya, mas lalong marinig ang boses niya.Eww lang kasi, kung ayaw niya sa dalagang kagaya ko mas lalong ayaw ko sa gurang na kagaya niya.Duh!"nag-flip hair pa ako bago sumimsim sa aking inumin.

Sa huli ay sinagot rin ni Kinsley ang kaniyang cellphone.Nagtaka ako nang labis nang i-loud speaker niya iyon at ipatong sa ibabaw ng aming mesa, sa bandang gitna pa.

"What's up, Morozova?Why did you call?"tanong ni Kuya Kinsley.

"Where the hell are you, Kinsley?"

Hindi pa rin maawat sa pagbilis ng tibok ang aking puso sa sandaling marinig ko ang boses ni Law.Humigpit ang pagkakakapit ko sa baso at napaiwas ng tingin.

"Uh, I'm on a fastfood restaurant, and I'm with someone."

"Our organization is in trouble, and yet you still have the guts to date some random chic?"

Random chic?Ulol!At ano naman kayang organisasyon ang tinutukoy niya?Grupo ng mga paasa at walang hiya?Bagay na bagay nga sila ni Nigel do'n.Siya ang paasa at si Nigel naman ang walang hiya.

"Chill, masyadong mainit ang ulo mo.Pakisundo na lang ako dito.Wala akong dalang sasakyan."

"No fucking way."

"So ayaw mo?Baka magulat ka kung sino ang kasama ko ngayon..."

Napabalik ang tingin ko kay Kuya Kinsley at pinanlakihan siya ng mga mata.Sinenyasan ko siyang huwag sabihing ako ang kaniyang kasama.

"I don't give a fuck.Comeback here, motherfucker."wika ni Law bago pinutol ang linya.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa narinig.Siya na pala ngayon si Mr.Who-doesn't-give-a-fuck, dati kasi siya si Mr.Who-doesn't-give-a-damn.

"Uuwi na ako, Kuya."paalam ko lalaki sa aking harapan na ngayon ay nakatutok sa pagse-cellphone.Nag-angat siya ng mukha.

"Hindi pa ako tapos kumain.Mamaya na."aniya bago kumuha ng isang stick ng fries.

"Naku!Baka abutin tayo ng siyam-siyam kapag hinintay pa kita.Tatluhin mo kasing stick o apat, hindi 'yung isa-isa.Kaartehan nito."napapailing na nakikuha rin ako sa kaniyang pagkain.

"Mamaya ka na umuwi, maaga pa naman."

"Hindi pa ako uuwi, mamamasyal pa ako."

"Edi sasamahan kita."

"Ayoko, gusto kong mapag-isa."

Natawa siya sa aking sinabi.

"Sige na nga, basta mamaya ka umalis.Hintayin mo muna akong matapos."

Wala na akong nagawa kundi ang sundin siya.Nang mainip ay nagpasya akong magtungo muna sa cr upang mag-retouch.Ipinaiwan pa nga sa akin ni Kuya Kinsley ang cellphone ko dahil baka tumakas raw ako.Ano ba namang klaseng lalaki 'yon, anong tingin niya sa akin Mama niya?Ano siya bata?

"Punyetang kagandahan 'to bakit sa akin pa ipinagkaloob.God!Thank you, Lord!Mwah!"kumindat pa ako habang nakatingin sa salamin.

Napahinto ako sa ginagawa nang makarinig ng pag-flush.Omg!Akala ko ako lang ang tao sa cr!Gosh!Bago pa tuluyang makalabas ang nasa loob ng cubicle ay umalis na ako cr at kaagad na naglakad pabalik sa gawi ni Kuya Kinsley.Napako ako sa aking kinatatayuan nang matanaw ang lalaking nakaupo sa kaniyang harapan, walang iba kundi si Law.Naka-black t-shirt na hapit sa kaniyang katawan at black pants, with matching sunglasses pa.Fashionista as always si Paasa.

Balak ko na sanang sumibat nang hindi nalalaman ni Kuya Kinsley ngunit naalala kong nasa kaniya pala ang phone ko.At bakit nga ba ako matatakot gayong wala naman akong ginawang kasalanan bukod sa pagiging maganda?Tumikhim ako at inayos ang postura bago seryosong naglakad patungo sa kanilang direksyon.Nakaupo si Law sa pwesto ko kanina at for two person lamang ang table na inikupa namin ni Kuya Kinsley so wala akong ibang choice kundi ang tumayo.Ramdam ko ang tingin ni Law sa akin sa kabila ng kaniyang sunglasses, feel ko lang kasi certified feelingera ako.Kaya ako nasasaktan eh.Choss!Stop na muna ang kadramahan.Inabot ko ang phone ko na nakalapag lamang sa mesa.

"This is the random chic you thought I'm dating, Law."nakangising wika ni Kuya Kinsley.

Hindi nagsalita si Law, bumaling ako sa kaniyang harapan.Walang ekspresyong pinasadahan ko siya ng tingin bago nginisihan.Binalingan ko si Kuya Kinsley at mahinang tinapik ang kaniyang braso.

"Bye, Kuya Kinsley."paalam ko bago sila tinalikuran at iniwan doon.



__________________________________

Mag-a-update sana ako last night kaso nawalan ng power.I got so irritated tuloy cause it's so mainit.Anyway, take care!Lots of love!Mwah!:>

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon