Chapter 28

66 6 0
                                    

"Uwi na tayo?"anyaya niya makalipas ang limang minutong pagtambay namin.Oo, nagbibilang ako at saktong pang-limang minuto na.Lol.

"Paano 'yung iba?Baka magalit sila kapag iniwan natin sila."

"Hindi 'yan.Baka nga umuwi na rin 'yung mga 'yon.Sa dami ng tao dito baka abutin tayo ng siyam-siyam kapag hinanap natin sila."

"Okay."tumayo na rin ako at muling kumapit sa kaniya.Tahimik lamang kaming naglalakad papalabas nang biglang may humarang sa amin.

"Hi, Miss!Ang seksi mo naman.Hali ka, sumama ka sa amin nang matikman namin ang kaseksihan mo!"nakakalokong sabi nung isa.

Nakakadiri ang mga putanginang 'to!Mga bastos!Mga walang modo!

"Stay on my back."seryosong utos ni Lincoln kaya kaagad akong napatago sa likuran niya.

"Totoy, 'wag ka nang makisali!Ibigay mo na sa amin 'yang nobya mo.Ibabalik rin naman namin sa'yo eh.Lalaspagin este titikman lang namin!"sabat noong lalaking puro tattoo ang katawan.

Kahit saang banda tingnan ay lugi kami.Ang tatlo nilang kasama ay gasing laki ni Big show.Shems!Luminga-linga ako para humingi ng tulong pero walang tao sa paligid.Punyeta, kung kailan kailangan ng tulong saka sila nawala?!Kanina nagkalat lang sila dito ah!

"Patayin n'yo muna ako bago kayo makalapit sa girlfriend ko!"sigaw rin ni Lincoln.

"Hoy, hindi mo ako girlfriend ha!Hindi tayo talo!"sabat ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Oh, hindi mo naman pala nobya eh!Hali ka na, sexy.Tara na!"akma akong lalapitan noong isa pero sinapak siya ni Lincoln.Kaagad na natumba ang lalaki at halos hindi na makatayo pa.

"Pre, bugbugin n'yo na!Nag-iisa lang 'yan!"utos nong isa sa kanila.

"Sandali nga!"sigaw ko sabay hila kay Lincoln nang akma siyang susugod rin.Nagtatakang nilingon niya ako.Tumikhim ako ng ilang beses ngunit hininaan ko upang hindi mahalata ng mga nasa harapan namin.

"Mga bakla ba kayo, pre?Totoong papatol kayo sa akin eh pare-parehas naman tayong may sandata down there?"nakangising sabi ko at nilakihan pa ang boses.

Putangina lang talaga!

"Anong sandata ang tinutukoy mo?!"

"Simple lang, kung anong mayroon kayo sa pagitan ng mga hita n'yo ay mayroon din ako.Baka nga mas mahaba at malaki pa 'tong sa akin."mas nilaliman ko pa ang aking boses.

Nakita ko ang panlalaki ng kanilang mga mata at ang kaninang pagnanasa ay napalitan na ng galit.

"Puta ka?!Bakla ka pa lang hayop ka!Bugbugin n'yo rin 'yang salot na 'yan!Mga bading!Nakakadiri kayo!"

Aba't ang putanginang 'to!Anong nakakadiri sa pagiging bading?Naku!Kung hindi lang talaga ako naka-outfit ng ganito baka nasapak ko na siya at na-flying kick!

"Damn!Pinalala mo lang lalo!"gigil na bulong ni Lincoln bago ako hinawi paalis at sinugod ang mga nagtatangkang lumapit sa akin.

Aba!Malay ko bang hate nila ang mga bakla.Eh sa totoo lang sila nga ang mga salot sa lipunan at hindi ang gay community!

"Putangina kang bakla ka!"sigaw nung isang damulag at akmang susuntukin ako nang makailag ako.Yumuko ako at lumusot papunta sa gilid at tinadyakan siya.

"Putangina mo ka rin!Serves you right, maniac!"

Mangiyak-ngiyak itong napahawak sa gitna ng pantalon niya nang tadyakan ko siya doon.Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may umuslit na baril sa kaniyang tagiliran.Namimilipit pa rin ang lalaki sa sakit kaya kinuha ko ang pagkakataon at mabilis na hinugot ang baril.Hinanap ko si Lincoln at halos manlamig ang aking pakiramdam nang makitang bugbog sarado na siya.Nangingilid ang mga luhang itinaas ko ang hawak na baril.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon