Sinamaan ko sila ng tingin kaya wala silang nagawa kung hindi ang sundin ako. Pinayuko ko sila at ipinagdikit ang mga braso upang makaupo ako. Nakahawak ako sa magkabila nilang balikat. Ayan! Kita ko na! Napapalakpak ako sa tuwa. Sinitsitan ko ulit 'yung kaklase kong lalaki kanina kaya lumapit siya sa akin.
"Ikaw na naman?"kunot noong aniya.
"Che! Ito ang pusta ko kay Lincoln the kabayo."sabay abot ng 1k. Napakamot siya sa kaniyang ulo.
"Tangina! Fawzi, ang bigat mo!"reklamo nong dalawa.
"Isa pa kayo! Manahimik kayo, mga uripon!"
Tumawa ako nang pang kontrabida kaya napasimangot sila lalo. Sumugod ang lalaki kay Horsie pero nakailag siya at sinipa ang kalaban sa sikmura. Napahiga siya sa lupa habang iniinda ang tama. Wews! Ang lakas ni Horsie! Sinasabi ko na nga ba at may lahi siyang kabayo! Nakatalikod si Horsie kaya hindi niya nakita ang lalaki na bumangon at kinuha ang nadampot na kahoy. Matatalo siya kapag natamaan siya non! Sayang ang isang libo ko!
"Punyeta ka! Horsie, sa likuran mo!"
Napalingon silang lahat sa akin. Maging ang lalaki ay napahinto sa pag-amba ng kahoy. Sinipa siyang muli ni Lincoln kaya muli itong natumba at tuluyan nang nawalan ng malay.
"Sino ba 'yan?"
"Pakialamera!"
"Bakit ba 'yan nandito?!"
Inirapan ko ang mga umalma sa akin. Naghiyawan ang mga nanalo kay Lincoln, samantalang masama ang tingin sa akin ng mga pumusta don sa senior. Sarreh, okay? Sarreh! Ibinaba ako nina Dirk.
"Hoy, babae! Maghahanap ka pa ng kaaway, 'no?!"reklamo ni Dirk habang naguunat-unat.
"Ang bigat mo! Kung anong ikinapayat mo ay siyang ikinabigat mo!"
Binatukan ko si Ken dahil sa kaniyang sinabi. Gagong 'to, hindi naman masyado!
"What are you doing here?"masungit na tanong ni Lincoln habang nakasabit sa kaniyang balikat ang polo niya. Pawisan siya ngunit mabango pa rin. Wews naman, Fawzia! Kailangan talang amuyin? Anak pa man din siya ng principal pero siya itong nakikipag-away, pero kung sa bagay nagkapera rin naman ako. Dirty money nga lang.
"Paki mo?"mataray na sagot ko.
"I'm not talking to you, ugly creature."inirapan pa niya ako. Pigil ang tawa nina Dirk kaya sinamaan ko sila ng tingin.
"Hindi rin naman ikaw ang kinakausap ko, Horsie!"masungit na sabi ko at inirapan rin siya. Tumalim ang tingin niya sa akin.
"What did you just call me?"
"Lincoln the kabayo."pag-uulit ko.
Akma niya akong lalapitan kaya umatras ako. Neknek niya! Anyway, nasaan na 'yung kaklase ko na may hawak ng pera? Luminga-linga ako sa paligid at nakitang nakasandal siya puno habang nagbibilang ng pera. Tumakbo ako papalapit sa kaniya.
"Akin na."
Nagtaka pa siya pero nang makilala ako ay inabutan niya ako ng dalawang libo. Gosh! I'm so lucky today! Worth it naman pala ang paglipat ko ng school. Easy money, baby! Nilingon ko sina Dirk at iwinagayway ang dalawang libo. Kausap ni Lincoln si Ken pero nang makita niya ako ay inirapan niya ako. Mas bakla pa ata 'to kaysa kay Dirk! Irap nang irap!
"Hoy! Tara na, umuwi na tayo!"sigaw ko at hinila na paalis si Dirk. Sumenyas si Ken na hindi siya sasabay kaya nauna na kami ni Dirk.
"Ayos 'yan, may instant negosyo ka na."
"Syempre! Ako pa?"
"Dirk! Fawzia!"
Napalingon kami ng may sumigaw, si Eva iyon.
"Ang tagal n'yo naman. Kanina ko pa kayo hinihintay."
Kumapit rin siya sa braso ko kaya napapagitnaan na nila ako. Mukha ba akong tatakas? Kanina pa sila kapit nang kapit ah. Pagkauwi ko ay nadatnan kong nanonood sina Mama at Papa ng movie. Nakasandal si Mama sa balikat ni Papa. Naks! Ang tamis! Baka magkaroon pa ako ng kapatid nito. Hindi ko na sila inabala pa at nagtungo na sa kwarto.
"Ayos 'to, may pang-shopping na ako!"
Inilagay ko ang perang napalanunan sa pustahan sa piggy bank ko. Nang makapagbihis ay naglaro ako ng Mobile Legends. Rank kaya tutok na tutok ako.
"Fawzia! Bumaba ka nga at bumili ng toyo sa kapitbahay!"
"Mama, naglalaro po ako! Rank 'to, matatalo po ako!"balik sigaw ko.
"Aba! Isa!"
Dali-dali akong bumaba ng kwarto para bumili. Dinaig ko pa si The Flash. Pagkabalik ko ay halos magkandarapa ako upang ituloy ang laro. Napangiwi ako nang makitang pinagmumura na ako ng nga ka-team ko dahil sa nawala ako sa laro. Aba'y mga punyeta rin kayo!
"Nasa bag mo na nga pala 'yung P.E uniform mo."paalala ni Mama bago ako umalis ng bahay.
Sabi ko na eh, prepared si Mama sa mga ganitong bagay. Pagkasakay ko ay naabutan ko si Dirk na inaayos ang kaniyang buhok. Nagtaka ako dahil wala na siyang makeup, hindi kagaya kahapon.
"Hoy! Dirk!"tawag ko.
"Bakit?"
Hindi na rin siya pabebe kung magsalita.
"Akala ko ba bakla ka?"nagtatakang tanong ko. Natawa si Eva sa akin.
"Hindi ah! Dare lang sa akin 'yung kahapon. Natalo kasi ako kaya ayon at napagtripan. Lalaki talaga ako. Gusto mo bang patunayan ko pa sa'yo?"
Sinamaan ko siya ng tingin at akmang babatuhin ng sapatos. Punyetang 'to!
"Joke lang, Fawzi!"natatawang aniya.
"Kumusta ang first day mo, Fawzi?"tanong ni Eva sabay lipat ng upuan at tumabi sa akin.
"Okay lang."
"Okay lang daw! Sus! Ang lakas niyan makisali sa pustahan!"pagsusumbong ni Dirk kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Totoo ba 'yon? Huwag! Baka mapahamak ka sa mga away."nag-aalalang sabi ni Eva.
"Hindi, huwag kang maniwala dyan kay Dirt."
"Aba! Dirk 'yon at hindi Dirt!"nakangusong reklamo ni Dirk kaya nagtawanan kami.
"Whatever, Dirt!"
Nagpalit ako ng P.E uniform sa cr kasama sina Stella nang sumapit ang P.E class namin. Pagkatapos non ay bumalik na kami sa room pero pinababa rin kami dahil may pupuntahan daw.
"Saan tayo pupunta?"tanong ko kay Dirk.
"Sa dulo ng mundo."
Binatukan ko siya kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Saan nga? Sumagot ka kasi nang maayos!"
"Sa gubat, ililibing ka!"
Aba! Akma ko siyang babatukang muli ngunit nakalayo na siya habang tumatawa. Napagawi ang tingin ko sa kaliwa ko at nakitang nakatingin sa akin si Horsie.
"Hi, Horsie!"masayang bati ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin.
Snobber ang lolo mo! Itatanong ko lang naman sana kung kailan ulit siya makikipag-away para makapusta ako. Huminto kami sa isang napakalaking puno. Baka may nakatirang engkanto dito, punyeta! Masyado pa naman akong maganda. Natatakot lang ako na baka mahumaling sila sa akin.
"Okay, as usual kailangan n'yong umakyat sa puno at kuhanin ang flag."tipid na sabi ng guro namin.
Hindi naman siguro siya nagtitipid sa salita, 'no? Pero ano raw? Aakyat kami? Ano kami unggoy? Nagmasid ako pero mukhang ako lang ang tutol dito. Siguro ay ipinagawa na sa kanila ito dati, as usual daw eh. Napakataas ng puno, mabuti na lamang at madami itong sanga at baging kaya mukhang hindi mahirap umakyat.
"Scared?"mapang-asar na tanong ni Lincoln pero nginitian ko lamang siya.
"Nah, but I'm scared to lose you, baby."
Naghiyawan ang mga nakarinig sa sinabi ko at pinuno kami ng asaran. Nag-iwas ng tingin si Lincoln at naglakad papalayo sa akin. Kinilig ata. Maya-maya pa ay nagsimula na silang umakyat. Nangunguna na si Ken. May lahi siguro siyang unggoy, ang bilis eh.
BINABASA MO ANG
Taking Chances
General FictionFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...
