Chapter 55

79 2 0
                                        

"Wala pa rin?"naiusal ko nang makitang bakante pa rin ang silya ni Lincoln.

Halos magli-limang araw na siyang hindi pumapasok ah.Muntik ko ng maisip na baka nagbabakasyon lang siya ngunit naalala kong may problema nga pala siya.

"Si Lincoln!"

Naagaw ang aking atensyon nang mayroong sumigaw.Nang mapalingon ako sa pintuan ay doon ko nakita si Lincoln, malayo pa lamang ay natatanaw ko na ang pasa sa gilid ng kaniyang labi.Maliban doon ay wala na akong iba pang nakita na galos sa kaniyang mukha.I wonder kung iyon lang ang inabot niya, baka naghilom na 'yung mga natamo niyang pasa kaya hindi na kita ngayon.Itinaas ko ang aking kamay upang makipag-high five sa kaniya nang matapatapat siya sa akin.Napahinto siya sa paglalakad at nagtatakang tinitigan ako.

"Kumusta ka naman, dude?"tanong ko.

"Humihinga pa naman."napapailing na aniya bago nakipag-high five sa akin.

Matapos non ay naging tahimik na siyang muli at hindi man lang pinansin ang iba naming mga kaklase na nag-uusisa sa kaniya.Kahit naman gaano ako kakuryoso sa nangyari sa kanila ni Hannah ay ayaw kong magtanong dahil una sa lahat, wala ako sa posisyon para mag-usisa.Pangalawa, mukhang wala sa mood si Lincoln.Ayokong masungitan, 'no!Medyo scary pa rin naman 'to minsan kapag nagagalit.Buti na lang takot siya sa akin.

Lumipas ang mga oras hanggang sa mag-P.E kami.Tinuturuan kami ni Ma'am ng mga dapat gawin kung sakaling may nalunod.Hinati kami sa grupo upang i-demo ang mga natutunan namin.Magkaka-grupo kami nina Phoebe, Lincoln, Trevor, Gon, at Ken.Ngayon ay nakahiga sa sahig si Ken na ala-ala ay nalunod.

"Call 911!"sigaw ni Trevor bago kami hinawi at kaagad na nilapitan si Ken.

"Kailangan niya ng CPR!"sigaw ni Phoebe."I saved dick by giving a CPR~"nadinig kong pagkanta niya na nadinig ko naman.

"Ulol, ibang CPR 'yan!"natatawang binatukan ko siya.Nagtawanan kaming pareho ni Phoebe.Mabuti na lang at practice pa lang 'tong ginagawa namin.Baka kanina pa kami napagalitan kung sakali man.

"At bakit alam mo 'yon, Fawzia?"

Nilingon ko ang katapat na si Lincoln.Kunot na kunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa akin.Huwag niyang sabihin na narinig niya?

"Dapat ba hindi?"natatawang tanong ko.

"Oo naman!"

Too late!Marami na akong alam sa mundo.Choss!Nagkunwari akong nasaktan at napahawak sa aking dibdib.

"P-pero bakit parang galit ka?Bakit parang kasalanan ko pa?"

Umikot ang kaniyang mga mata dahil sa labis na iritasyon.

"Hayaan mo na 'yang si Lincoln, baka siya ang naglilihi at hindi si Hannah.Ang sungit!"bulong ni Phoebe.

"Naku!Baka nga, Mars!"

Kinatanghalian, katatapos lamang naming mag-lunch nina Phoebe nang makita ko si Hannah na tila gusto akong kausapin.Nginitian ko siya at ako na mismo ang lumapit.Ngunit bago iyon ay pinauna ko na muna sina Phoebe sa room dahil baka magtagalan ang pag-uusap namin ni Hannah.

"Hi?"bati ko pagkalapit.

Ngumiti rin siya sa akin.Walang imik na hinawakan niya ang aking kamay at hinila ako patungo kung saan.Huminto kami sa hindi masyadong maraming tao na part ng school.Naupo siya sa bench at ganoon rin ako.

"Thank you, Fawzia."

"Huh?Para saan naman?"nagtatakang tanong ko.

"Dahil nakumbinsi mo si Lincoln."

Doon ko siya hinarap.Nanatili ang kaniyang tingin sa soccer field sa aming harapan.

"Kung hindi dahil sa'yo baka hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako magawang kausapin."

"Hannah, wala kang dapat ipagpasalamat sa akin.Alam ni Lincoln kung ano ang responsibilidad niya.Baka noong una niyang nalaman ay natakot siya at nagulat pero sigurado naman akong hindi siya duwag para takbuhan kayo."paliwanag ko.

"H-hindi rin siguro o baka tama ka nga.Pero hindi pa rin 'yon ganoon kadali.Mahal ka niya, Fawzia.Alam ko 'yon at alam kong alam mo rin 'yon.Nagkausap na sila ng mga magulang ko at ang balak nila ay ipakasal kami ni Lincoln kapag nakatapos kaming pareho ng pag-aaral, as in college graduate.So it means, lilipas pa ang mga taon.At pinahihinto rin muna nila ako sa pag-aaral hanggang sa maisilang ko ang baby namin ni Lincoln."

"Kung ganoon naman pala anong inaalala mo?"

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha.

"Natatakot lang ako sa mga posibilidad na mangyari.Baka pagdating ng araw ay magbago ang isip niya."bumaling siya sa akin."Alam mo bang umiyak si Lincoln noong sinabi kong buntis ako at siya ang ama?Hindi dahil sa tuwa ngunit dahil sa panghihinayang.Ang sabi niya, tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa sa'yo.Papaano na kayo ngayong nabuntis niya ako?Baka raw magalit ka at kamuhian mo siya.Ang sakit lang dahil mas nauna ka pa niyang isipin kaysa sa mararamdaman ko."

Napalunok ako at hindi na malaman kung ano pa ang sasabihin.Hindi ko alam na ganoon ako kamahal ni Lincoln.

"But I had to deal with the fact na hindi niya ako mahal at hindi niya ako kailanman mamahalin, dahil nandoon ka.Nandoon ka sa puso niya.Sa itinagal-tagal ng naging pagkakaibigan namin, ikaw ang unang babae na iniyakan niya.Ganoon ka kahalaga sa kaniya, Fawzia.Ang swerte-swerte mo, inggit na inggit ako sa'yo dahil hindi pa naman kayo ganoon katagal na magkakilala pero papaano ka niya nagawang mahalin ng lubusan?Bakit sa akin hindi niya magawa?"

"Hannah, balang araw matutunan ka rin niyang mahalin.Ito ang tatandaan mo, mabuting tao si Lincoln at ikaw na rin ang nagsabi na matagal na kayong magkakilala.Higit na sa ating dalawa ay ikaw ang mas nakakaalam ng mga ayaw at gusto niya.Magtiwala ka, pakakasalan ka niya at maumuhay kayo ng masaya kasama ang magiging anak n'yo."hinawakan ko ang kaniyang kamay.

"Sana nga, sana nga mangyari ang mga bagay na iyan.Kahit h-hindi niya na ako mahalin, kahit tanggapin niya na lamang ng buong puso ang anak namin ay ayos lang sa'kin.Sapat na sapat na 'yon sa'kin, Fawzia."kahit naluluha ay pinilit niyang ngumiti.

Sigurado akong mangyayari iyon dahil alam kong ayaw ni Lincoln na maranasan ng kaniyang anak ang mga naranasan niya noon sa kaniyang pamilya.


___________________________________

Remind ko lang sa inyo na para lang sa plot ang pagbubuntis ni Hannah, okay?In real life, huwag n'yo munang gagawin kung wala pa kayo sa tamang edad, hindi pa kayo kasal, at higit sa lahat ay wala pa kayong napapatunayan sa sarili n'yo.Skl.Good night!:>

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon