Chapter 34

76 5 0
                                        

"Natahimik ka na dyan, oy!"sabi ko nang hindi na siya magsalita. Napipi na ata. Speaking of pipi, may naisip lang ako. Baka kaya hindi sila makapagsalita ay dahil sa hindi nila alam kung papaano bibigkasin ang bawat letra o salita dahil hindi sila makarinig. Just a random thought!

"Nagmamaneho ako."

"Uh, a-ano...sorry kanina."

Nilingon niya ako saglit bago itinuon muli ang atensyon sa daan.

"Bakit? Para saan naman?"

"Kasi tinawag kita sa ibang pangalan. Affected na affected ka ata eh."

"Hindi, may iniisip lang ako."

"Ano naman?"

Napakunot ang aking noo nang umiling siya. Pabitin sa chismis ang bwisit!

"Ano ba kasing iniisip mo? Kanina pa ako tanong nang tanong sa'yo ah! Baka gusto mong sumagot, 'no?!"

Napahinto ako sa pagbubunganga sa kaniya nang ihinto niya ang kotse sa gilid. Iginala ko ang paningin at nakitang wala namang espesyal sa aming hinintuan na lugar. Ni wala ngang katao-tao dito. Wala pa rin siyang salitang lumabas mula sa sasakyan. Nagmadali naman ako at sumunod rin.

"Oy, saan ba tayo pupunta?"

Mukhang gusto niyang maglakad-lakad habang nagkukwento. Haays, pagbigyan! Ito ang setting ng madramang eksena ni Lincoln Mendez!

"May nakatatanda akong kapatid."pagsisimula niya kaya napataas ang kilay ko.

May kapatid pala siya? Eh ano namang paki ko? Choss!

"Oh, eh nasaan na siya? Bakit parang hindi ko siya nakikita?"kunwaring kuryoso kong tanong. Ang akala ko pa naman magpu-foodtrip kami. Tapos dadalhin niya lang pala ako dito sa tabing daan. Bwisit talaga eh, lakas makapag-aya.

"Nasa bulsa ko, nagkakape."pabalang na sagot niya kaya binatukan ko siya.

"Ewan ko sa'yo! Dyan ka na nga!"

Akma akong aalis na pero syempre joke lang 'yon. Mukha kasing malungkot talaga siya. Naupo si Lincoln sa nakatumbang poste ng kuryente, tumabi ako.

"Iniwan niya kami ni Mama noong maliit pa lang ako."pagpapatuloy niya sa mala-MMK niyang buhay.

"Gaano kaliit?"pilosopo kong tanong kaya sinamaan niya ako ng tingin. Natawa ako sa kaniyang ekspresyon.

"'De joke lang! Ito naman, hindi na mabiro. Sige na, chumika ka na dyan."

"Si Mama, mahirap lang ang pamilya niya noon pero 'yung tatay kong demonyo ay nanggaling sa isang kilala at maimpluwensiyang pamilya."

Ay wow naman sa deskripsyon sa tatay niya ha!

"Matapos niyang pakasalan at buntisin si Mama ay pinabayaan niya na ito. Kaliwa't-kanan ang naging babae ng hayop na 'yon. Wala siyang pakialam sa amin, lalo na sa aking ina. Alam na alam niya kung papaano niya kami sasaktan."

Ang title siguro ng kwento ng buhay niya kapag naipalabas sa MMK ay, Si Mama. Bow. Choss. Anyway, dahil nag-o-open ang lalaking ito ay kailangan kong ilabas ang skills ko pagdating sa pagko-comfort. Sa ganda ni Tita Loren ay nagawa pang mambabae ng ama ni Lincoln? Wow lang ha!

"Lincoln, okay lang kahit hindi mo ikwento sa akin."

Baka kasi hindi niya pa kaya.

"Hindi, mas mabuti nang ilabas ko 'to kaysa kimkimin. Ikaw lang ang pinagsabihan ko nito dahil may tiwala ako sa'yo, Fawzia."

Shocks! Ganern? Baka kapag ipinagkalat ko 'yan eh mahuli niya pa ako! Bakit kasi sa akin niya lang ikinuwento? Kaasar ha.

"Nagkahiwalay ba ang mga magulang mo?"

Tumango siya.

"Eh 'yung Kuya mo? Nasaan?"

Siguro nasa Papa niya 'yung Kuya niya kaya naman galit na galit rin siya don.

"Sumama sa putanginang lalaking 'yon."

Sabi na eh!

G na g? Pero sa bagay, kung ako rin naman ang nasa posisyon niya ay magagalit rin ako sa tatay ko. Mabuti na lamang talaga at hindi ganoong klase ng tao si Papa.

"Gusto mo bang malaman kung sino ang kapatid ko?"

Bigla ay bumilis ang pagtibok ng puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang kinakabahan ako?

"O-oo."

Tumitig siya nang diretso sa aking mga mata kaya napalunok ako. Mas kaabang-abang pa ito kaysa sa mga laban ng pambansang kamao.

"Pahulaan mo kay Madame Auring."

Punyeta!

"Aray! Fawzia! Tama na!"daing niya nang kurutin ko siya sa kaniyang braso.

Paano ba naman kasi, tinatanong nang maayos tapos ayaw sasagot nang maayos! Eh kung sampalin ko kaya siya nang pabalik-balik?!

"Bwisit ka! Aalis na nga ako!"akmang tatayo ako nang hatakin niya ako pabalik.

"Sandali, hindi pa ako tapos magkwento!"natatawang aniya.

"Ikwento mo sa pagong, bwisit ka!"

Idinamay niya pa si Madame Auring! Nandoon na eh!

"Sino ba kasi ang kapatid mo? Pa-thrill ka pa dyan!"

"Wala, huwag mo na lang isipin 'yon. Wala naman siyang kwentang tao."aniya bago tumayo. Naglahad siya ng kamay sa akin na ipinagtaka ko.

"Date tayo?"

Tumaas ang isa kong kilay at halos manlaki ang aking mga mata sa pagkagulat. Grabe rin talaga 'tong mambigla. Kanina, basta-basta na lang siya nagpunta sa bahay tapos biglang nagdrama, at ngayon naman ay gusto niyang mag-date kami?

"As a friend lang ha."paalala ko bago tinanggap ang kaniyang palad.

"Sige ba, basta with benefits."kumindat pa siya kaya inambahan ko siya ng suntok.

"Ulol! Tara na bago pa magbago ang isip ko. Libre mo ang pagkain since ikaw naman ang nang-istorbo at nag-aya."

"Oo na, takot ko na lang sa'yo."

Muli kaming sumakay sa kaniyang kotse at nagpatuloy na muli sa byahe. Tapos na kasi siyang magdrama. Lihim akong napangiti. Mabuti naman at mukhang masaya na ulit ang mokong. Ayaw ko kasing may nakikitang malungkot na tao. Kung itong paglabas namin ang ikaliligaya niya edi go. Ilang ulit ko na rin naman siyang pinaalalahanan na huwag niyang bigyan ng malisya ang mga kilos ko dahil ganoon ako sa lahat ng malalapit sa akin.

"Ang lalim ata ng iniisip mo."nadinig kong sabi ni Lincoln.

"Nasisid mo?"

"Alam mo ikaw, Fawzia? Hindi ka na makausap nang matino!"

Natawa ako nang makitang busangot na naman ang kaniyang mukha.

"Ayusin mo kasi ang tanong mo."

"Maayos naman, sadyang pabalang ka lang sumagot."

"Ngayon alam mo na ang pakiramdam, Madame Auring. Kanina nga kinakausap rin kita nang maayos eh! Duh!"

"Bakit ba kita nagustuhan?"tila tanong niya iyon para sa kaniyang sarili.

"Kasi kasi nasa akin na ang lahat ng katangian na dapat taglayin ng isang dalagang Filipina."puno ng kumpyansang sagot ko.

"Dalagang Filipina na panay ang mura?"napapailing na aniya.

"Modern dalagang Filipina ako!"

"Nagugutom ka na siguro."

Mabuti naman at napansin mo!

"Hindi naman, alam mo namang makita pa lang kita busog na busog na ako."umakto pa akong mahinhin.

"H-ha? Talaga?"

Gusto kong matawa nang mapansin ang pagpula ng kaniyang mukha. May sumisilay ring ngiti sa kaniyang labi.

"Oo, sa sobrang kabusugan ko nga ay gusto ko nang masuka sa pagmumukha mo."

Bigla ay nawala ang pagkakangiti niya at napalitan muli ng iritadong ekspresyon. Napahawak ako sa aking sikmura dahil sumasakit na iyon sa labis na pagtawa.

"Fawzia!"

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon