Chapter 10

93 7 0
                                        

"Good morning!"sigaw ko pagkababa.

"Fawzia, aalis kami ng Lola at Mama mo. Bantayan mo ang bahay."paalala ni Papa.

"Bakit hindi po ako kasama?"

"Walang magbabantay sa bahay."sagot ni Mama habang nagsusuklay.

"Hindi naman po aalis ang bahay."

"Aalis 'yan kaya nga bantayan mo."

Napailing na lamang ako. Maya-maya pa ay nagpaalam na rin sila at tuluyan nang umalis. Umakyat ako sa kwarto ko at hinanap ang laptop ko. Buong maghapon akong nanood hanggang sa makatulog ako. Naalimpungatan ako sa pamilyar na boses na nadidinig.

"Fawzia, gising na. Mamaya ka na matulog. Kumain ka muna."dinig kong sabi ni Lola pero nanatili akong nakapikit. Tuluyan na akong nagising nang tapikin niya ako. Nagmulat ako at kahit inaantok pa ay nginitian siya.

"May pasalubong kami sa'yo."turo niya sa ilang paper bags sa tabi ng aking kama.

"Sige po, mauna na po kayong bumaba. Manghihilamos lang ako."

Tumango siya at lumabas na sa aking kwarto. Napahinto ako sa pagpunta sa cr .Bakit parang ang ingay sa baba? Anong meron? Matapos kong makapanghilamos ay bumaba ako. Sa hagdan pa lamang ay naririnig ko na ang boses nina Dirk at Ken. Nandito sila? Napataas ang aking kilay nang matanaw nga sina Dirk.

"Watcha doin' here?"maarteng tanong ko sa kanila.

"Nakita kasi kami ni Lola kaya ayon isinama niya kami dito."

Feel at home ang mga loko. May pagtaas pa ng paa sa table namin sa sala.

"Mga bata, kakain na!"anunsyo ni Mama kaya nagtakbuhan ang dalawa patungo sa kusina.

"Parang mga bata."napapailing na bulong ko bago sumunod. Naupo ako sa tabi ni Mama.

"Kay gwapong mga binata naman talaga ng mga kaibigan mo, hija. Ay sino ba dyan sa dalawang 'yan ang nobyo mo?"tanong ni Lola. Bago pa ako makasagot ay nagsalita na si Dirk.

"Talagang gwapo po kami, Lola, pero wala po sa amin ang boyfriend ni Fawzia. Si Lincoln Mendez po ang boyfriend niya."dire-diretsong aniya.

"Lincoln Mendez?"tanong ni Papa

"Papa, 'wag po kayong maniwala sa mga epal na 'yan. Wala po akong boyfriend."mahinahong paliwanag ko. Ipapahamak pa ako eh!

"Huwag kang mag-alala, anak. Hindi naman talaga ako naniniwala. Kung totoo man ay napakalaking himala at may pumatol sa anak ko!"tila namamanghang sabi niya kaya napangiwi ako. Duh! Ang ganda-ganda ko kaya! Nagtawanan sila sa sinabi ni Papa. Sus! Eh kamukha ko nga siya. Nang matapos kaming kumain ay kaming tatlo nina Dirk at Ken ang nagligpit.

"Oy, saan kayo pumunta kahapon?"tanong ko sa kanila.

"Sa tabi-tabi lang."

"Sus! Sa tabi-tabi raw pero ang dami n'yong wala. Nakipag-away kayo, ano?"

"Medyo."nakangising sagot ni Dirk.

"Gago, nakipag-away nga kayo?!"galit na tanong ko.

"Worried ka?"

"Hindi ah! Nanghihinayang lang ako kasi hindi ako nakapusta! Tsk! Sayang talaga. Dapat sinabi n'yo kasi."

"Ang akala ko pa naman nag-aalala ka na sa amin."

"Oo nga! Mas initindi mo pa ang pustahan kaysa sa aminng mga kaibigan mo."nagtatampong sabi ni Ken.

Napairap ako sa kadramahan nila.

"Ako pa ang dadramahan n'yo? Sino kaya ang tangang nakipag-away? Kayo naman, hindi ba?"

"Sabi nga namin kasalanan talaga namin."tatawa-tawang sabi ng dalawang itlog.

Nang sumapit ang lunes ay halos umabsent na ako dahil na-late ako ng pasok. A-absent na sana ako pero bigla akong tinamad. Wala rin naman kasi akong gagawin maghapon sa bahay kaya ayon at pumasok na lang ako kahit late. Nag-commute ako papunta sa school. Ni hindi pa nga ako nakakapagsuklay kaya ipinusod ko na lang muna ang buhok ko. Pagdating sa gate ay nagtatakbo na ako. Punyeta! Ang layo pa naman ng Project 8. Ako pa naman ang may hawak ng susi ng room. Siguro naman may spare key sila, hindi ba?

Nakasara ang pintuan kaya malamang ay nagkaklase na sila. Sinilip ko ang pintuan sa likod at nakitang bukas iyon. Yumuko ako at dahan-dahang naglakad papunta doon. Mabuti na lamang at sa bandang likuran ako nakaupo kaya walang makakapansin. Nakatalikod si Ma'am sa amin at may isinusulat sa board. Palihim akong tumakbo papunta sa upuan ko.

"Oh, ba't ngayon ka lang?"tanong ni Trevor.

"Shhh! Na-late kasi ako ng gising."

Kinuha ko ang notebook ko at nagsimula ng magsulat pero isinara ko ulit iyon. Tinatamad pala akong magsulat. Nakakapagod kayang tumakbo.

"Halata nga, hindi ka pa nakakapagsuklay eh."

"Keri lang! Maganda pa rin naman."confident na sabi ko.

"Ms. Grande, nandito ka na pala."

Napalingon ako kay Ma'am.

Ay hindi-hindi! Wala pa po ako dito. Choss!

"Good morning po, Ma'am."

"You're late, so stand up and answer my question."

Awit! Ang sungit. Ang akala ko makakaligtas na ako. Sa susunod talaga ay aagahan ko na ang gising. Pigil ang tawa nina Dirk. Sasapukin ko 'tong mga 'to mamaya. Tumayo ako, sana madali lang ang tanong niya.

"Who is the father of English Literature?"

Aba eh kamalayan ko po!

"Geoffrey Chaucer, Ma'am."

"Give me at least one of his works."

"Troilus and Criseyde."

"Very good!"nakangiting papuri ni Ma'am sa akin.

"May itinatago ka pa lang talino, Fawti."puna ni Trevor pagkaupo ko.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon