Malayo pa lamang ako sa gate ng Project 8 ay natanaw ko ng nakatayo doon ang pamilyar na pigura, si Hannah.Tila may inaabangan siya doon at nang magtama ang aming paningin ay nagsimula siyang maglakad papalapit sa akin.Huminto ako sa paglalakad hanggang sa nasa harapan ko na siya.
"Fawzia ang pangalan mo, hindi ba?"
Kalmado ang kaniyang boses at talaga namang napakahinhin.Nahiya bigla ang boses ko, choss.Gayon pa man ay tila may kung ano siyang nais sabihin sa akin.
"Oo, ako nga.Bakit?"inayos ko ang strap ng aking bag.
"Mag-usap tayo kahit saglit lang.Sumunod ka sa akin."aniya bago ako talikuran at tahakin ang daan patungo sa hindi mataong lugar.Napakunot ang aking noo.Ang demanding ni Ateng.Nagkibit balikat na lamang ako bago sumunod sa kaniya.Nagpalinga-linga siya at nang makitang wala ng ibang tao bukod sa amin ay saka niya ako muling hinarap.
"Tungkol saan ba ang sasabihin mo?"usisa ko.
Bumuga siya ng malalim na paghinga at napapikit pa ng mariin.Nang magmulat siya ay itinuon niya ang kaniyang tingin sa akin.
"Buntis ako."
Ows?Talaga?Napataas ang isa kong kilay.Bakit niya sinasabi sa akin 'to ngayon?Ako ba ang nakabuntis sa kaniya?Ako ba ang ama ng batang dinadala niya?Sa pagkakaalam ko wala naman akong ano ah.Basta 'yung ano ng mga lalaki.Tsaka ang bata niya pa para mabuntis.Huwag niyang sabihing nainggit siya kay Stella?Charot!
"Uh, ok?Congrats?"alanganing nginitian ko siya.
Wala naman kasi akong ibang maaaring sabihin at sa totoo lang ay hindi ko talaga alam ang dapat kong maging reaksiyon.Pero nakakaloka!Buntis talaga siya?As in?Bumaba ang tingin ko sa kaniyang puson.As of now, wala pa namang umbok doon.Siguro ilang buwan pa lang ang dinadala niya.Pero sino kaya ang ama?Grabeng pasabog naman itech!Hindi ko aakalain na sasabihin niya sa akin ang bagay na iyon.Hindi naman kami close, ni hindi nga kami pormal na magkakilala.
"H-hindi mo ba itatanong kung sino ang ama?"
Syempre, hindi.Choss!Kahit kuryoso ako ay wala naman akong balak gawin iyon.
"Hindi kita maintindihan, Hannah.Bakit mo sinasabi sa akin ang tungkol sa bagay na iyan?Anong kinalaman ko sa pagbubuntis mo?"
Kinagat niya nang marahan ang kaniyang ibabang labi bago lumapit at abutin ang aking kamay.
"F-Fawzia, I am s-sorry.I had sex with Lincoln and he's the f-father."humihikbing aniya.
Natigilan ako at tila napako sa kinatatayuan.Si Lincoln?Siya ang ama?!Punyeta!
"It w-was a mistake.I'm really sorry, hindi ko sinasadya.I love him, pero h-hindi ako ganoon kadesperada.It's just..... nadala lang kaming pareho.H-hindi ko naman alam na mabubuntis ako."
Hindi ko alam pero nasasaktan ako.Ang sabi ni Lincoln mahal niya ako pero bakit?Hindi ko makuha kung bakit niya nagawang gawin iyon gayong ang sabi niya ako ang mahal niya.Tila mali mang pakinggan dahil hindi naman kami, pero pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako.Kasi handa na sana akong bigyan siya ng pagkakataon.Handa na sana akong kalimutan si Law at subukang mahalin siya pabalik.Nagbabakasakali akong maibabalik ko pa 'yung kaunting feelings na naramdaman ko sa kaniya noon, pero papaano na ngayong magkaka-anak na siya?
"Ilang buwan na ang dinadala mo?"usisa ko.
"One and a half month.I'm sorry.Alam k-kong mahal ka niya at ganoon ka rin sa kaniya pero itatakwil ako ng mga magulang ko sa sandaling hindi ako panagutan n-ni Lincoln─"
"H-hindi, hindi ko siya mahal.Huwag kang mag-alala dahil hindi kami at hindi naging kami, Hannah."pagputol ko sa kaniyang sinasabi.
Bakas ang pagkagulat sa kaniyang mga mata dahil sa narinig.Ilang minuto kaming nanahimik at nakikiramdam sa isa't isa.
"Alam na ba niya?"pagbasag ko sa katahimikan.
"Hindi ko pa nasasabi.Natatakot ako, natatakot akong baka itanggi niya kami.Hindi ko na alam ang gagawin ko, Fawzia.Ang akala ko kayo ni Lincoln kaya abot-abot ang pagsisisi ko at hindi ako pinapatahimik ng konsensya ko simula noong may nangyari sa amin, lalo pa noong nalaman kong nagdadalang tao ako."
Pinilit kong ngitian si Hannah.
"Wala kang dapat ikahingi ng tawad sa akin, Hannah.Hindi ka rin dapat magsisi at makonsensya.Mas mabuting ipaalam mo na rin kay Lincoln ang sitwasyon mo.Sigurado akong tatanggapin niya kayo.Magtiwala ka lang sa kaniya.Para saan pa ang pinagsamahan n'yo."
"Pero hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin."unti-unti siyang napangiti ngunit bakas pa rin ang kalungkutan sa mga mata."But then, I have no choice.Pinili ko siyang mahalin."
Matapos ang aming naging pag-uusap ay nagpaalam na rin kami sa isa't isa.Mabigat ang dibdib na pumasok ako sa room at unang tumama ang aking mga mata sa gawi ni Lincoln.Halata sa mukha niya ang kasiyahan habang nakikipag-usap kayna Trevor.Ang weird mang pakinggan pero nasaktan talaga ako noong nalaman kong may nangyari sa kanila ni Hannah.One and a half month na ang ipinagbubuntis ni Hannah, at sa pagkakatanda ko, noong mga panahong iyon ay nagtatapat pa lang siya ng feelings niya sa akin.Kaya bakit?Papaano kung nahulog ako sa kaniya at hindi kay Law?Parang mas masakit ata iyon kaysa sa pagtanggi sa akin ng kapatid niya.Kasi kung nangyari mang naging kami ni Lincoln ay makikipaghiwalay ako sa kaniya at hahayaan siyang mapunta kay Hannah at sa magiging anak nila.
"Si Fawzia ang aga-aga tulaley!"sigaw ni Dirk nang makita ako.Napagawi ang tingin nila sa akin, maging si Lincoln.Walang imik na nagtungo ako sa aking silya at naupo doon.Okupado ang isipan ko sa ipinagtapat ni Hannah.May tumapik sa aking balikat at nakita kong si Lincoln iyon.
"Ayos ka lang?May masakit ba sa'yo?"bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses.
"Wala."kunot noong aniko bago umayos ng pagkakaupo.
Inis at sakit talaga ang idinudulot sa akin ng magkapatid na Morozova.'Yung Kuya niya mahilig magbigay ng mix signals, ito namang si Lincoln, ang sabi ako ang mahal pero nakipag-ano sa iba.Great!Magkapatid nga talaga sila.Parehong mapanakit, iyon ang kanilang pagkakatulad.I wonder kung sa kanilang ama ba sila nagmana.Malabo naman kasing kay Ma'am Loren.
Tamad akong sumandal sa aking kinauupuan.Baka tama nga si Law noong sinabi niyang dapat ko munang unahin ang pag-aaral ko.Kung sa bagay bata pa rin naman ako, eighteen pa lang ako.Bakit nga ba ako nagmamadaling magkaroon ng lovelife?Tsk!Sakit lang naman sa ulo ang mga lalaki.Mga punyeta.Hah!Makikita nila, titiyakin kong mas better sa kanila ang lalaking makakatuluyan ko!
Pagkauwi ko sa bahay ay halos magulantang ako nang makitang naka-display na sa dingding ang picture namin ni Lola at Law noong birthday ni Atticus.Lumapit ako doon at pinakatitigan iyon, nakatingin kaming pareho ni Lola sa camera habang nakangiti, pero si Law..... sa akin nakauon ang kaniyang atensyon.Hanggang sa picture ba naman paasa pa rin?Pagmasdan ba naman daw ang kagandahan ko.
"Punyetang kagwapuhan 'yan.Tsk!Paasa nga lang."napapailing na wika ko.
"Oh, nandyan ka na pala.Ang ganda ng pagkaka-print, 'no?Ako rin ang namili ng frame niyan, apo."wika ni Lola habang wagas kung makangiti.
"Ang dami po nating pictures na tayong dalawa lang, bakit kailangan pong kasama itong lalaking 'to?"nakasimangot na tanong ko.
"Para may gwapo.Ang ganda ko rin dito sa picture na 'to eh.Nakakakilig nga at sa'yo siya nakatingin.Tsk!Pero dapat sa akin kasi!"bakas pa ang panghihinayang sa kaniyang boses habang nakanguso.
Napangiwi ako.Ito talagang si Lola magiging karibal ko pa ata.Choss.Pinagmasdan kong muli ang litrato naming tatlo.Nakakilig nga ang pagtitig ni Law, pero hindi pa rin non mababago na paasa siya.
__________________________________
Papunta pa lang tayo sa exciting part, choss!Nakaka-miss mag-update sa IYLM, doon ako hindi masyadong tinatamad.

BINABASA MO ANG
Taking Chances
Художественная прозаFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...