Chapter 25

87 4 0
                                    

"Fawzia, behave."sabat naman ni Law kaya naniningkit ang mga matang binalingan ko siya.

Behave?Tsk!Ang sawayin niya ay itong secretary niya, duh!

"Heard that, kid?"nakangising asong sabi ni Danni.

"Narinig ko naman po, hindi n'yo na po kailangang ulit-ulitin pa."diniinan ko ang pagpo-po ko sa kaniya.Namula ang kaniyang buong mukha dahil sa galit.Halatang nagpipigil lamang siyang pagsabihan ako ng masasakit na salita dahil nandito si Law.Tsk!Halatang nagpapa-cute rin!Eh ako lang naman dapat ang magpa-cute dito kay Lawko-Lawko!

"Go home, Fawzia.I have no time for you."wika ni Law bago inaya papaalis 'yung dalawang lalaki at si Danni.

Ang hirap nilang kausapin!Palibhasa mga oldies na!Ayaw ko na sanang gawin 'to, pero mapilit siya eh.Hindi mapakiusapan kaya daanin natin sa dahas.Huminga ako nang malalim at mariing ipinikit ang mga mata upang magkaroon ng konsentrasyon.Nang magmulat ay natanaw ko sina Law na medyo malayo na.Ito na ang tamang oras.

"Pagkatapos ng lahat, iiwan mo na lang ako?!Gano'n-gano'n na lang 'yon?Ganiyan ka ba talaga, Law Morozova?!"

Awtomatikong napahinto ang lahat sa ginagawa.Maging ang ilang dumadaan ay nasa akin na ang atensyon ngayon.Omg!I'm so magaling talaga umarte!Nang lumingon si Law sa aking gawi ay siya ring pagtulo ng mga fake luha ko.

"Panagutan mo ako!"wika ko sabay hawak sa aking puson.Pinigil ko pa ang aking paghinga upang umumbok iyon.Gusto kong matawa nang makitang halos manlaki ang mga mata ng mga nakarinig.

"What?!"halata ang pagkagulat sa kaniyang ekspresyon.

"Ang sabi ko panagutan mo ako at ang baby natin!"makadamdaming sigaw ko.

Nadinig ko ang marahas na bulungan ng ilan.Ilang sandali pa ay naglalakad na papalapit sa akin si Law habang salubong na salubong ang kilay.

"Ano bang gusto mo?Bakit nagkakaganiyan ka, Fawzia?!You're embarassing me infront of my people!"aniya ngunit nanatili akong umiiyak kuno dahil may mga nakakakita.Maarteng pinahid ko ang gilid ng mga mata ko.

"Nasabi ko na kanina, 'di ba?Gusto kong mag-usap tayo."

Lapat na lapat ang kaniyang mga labi at walang imik na hinawakan ako sa aking kamay.Hinila niya ako patungo sa kaniyang sasakyan at nang madaanan namin si Danni ay pinagtaasan ko siya ng kilay.Halata ang pagkabigla sa kaniyang mga mata, habang 'yung dalawang lalaki naman ay kunot na kunot ang noo habang nakatitig kay Law.Naniwala talaga sila?

"Damn!Don't look at me like that, Caesar, Mcneir!"gigil na sabi ni Law doon sa dalawa.

"Hindi ko alam na papatol ka sa isang teenager, Morozova."napapailing na ngumisi 'yung isang pogi.Kagaya nga ng sinabi ko kanina ay pareho silang pogi.

"Be ready."makahulugang sabi nung Mcneir sabay lipat ng tingin sa akin.Ngingitian ko na sana siya nang maramdamang bumitaw sa akin si Law.

"Sakay!"aniya ngunit nanatili akong nakatayo sa harap ng kaniyang kotse.

"Ayoko nga, pagbuksan mo muna ako."

"Fawzia!"galit na talaga siya ngunit kahit kaunting takot ay wala akong nararamdaman.Grabeng pagpipigil ang ginawa ko upang hindi matawa.Hinawakan kong muli ang aking puson at pinalungkot pa ang aking ekspresyon.

"Ilang oras kitang hinintay kanina.Napagod kami ni baby kaya sige na, pagbuksan mo na kami ng pintuan.Please, Kuya Law?"

"The fuck?!You impregnated her, and yet she's calling you Kuya?What a weird taste of endearment?Tss!"natatawang sabi nung Caesar.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon