Nanatili kaming nakatitig lamang sa isa't isa.So wala siyang balak magsalita?Pagkatapos niya akong paikiligin ng bonggang bongga eh ganito na lang?Titigan portion?
"What now, Law?May gusto ka ba sa akin o wala?"puno ng kaseryosohan ang aking boses.Tumikhim siya ng ilang beses bago naglakad ng ilang hakbang patungo sa akin.Hindi ko binabawi ang aking tingin sa kaniya.
"Yes, I do love you, Fawzia."
Halos bumilis ang aking paghinga dahil sa labis na pagkagulat.Inamin niya na naman.Tangina, bes!Totoo ba na this?As in?
"T-talaga?Mahal mo ako?"paniniguro ko pa.Yumuko siya at tumapat sa akin.
"Hindi ka naniniwala?"
Pigil ang pagngiting lumayo ako.Namulsa siya bago umayos muli ng pagkakatayo.
"Actually, you're not really my type."
Napahinto ako sa pag-iisip nang magsalita siyang muli.
"Ano?"kunot noong tanong ko.
"I said, you're not my type, but then I can't stop myself falling for you.I love you, Fawzia, but this is wrong."
Umawang ang aking labi nang may napagtanto.Hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng mapait.Marahas akong nagpakawala ng paghinga.
"Matapos mong umamin sa aking gusto mo ako ay sasabihin mong isang pagkakamali lang nararamdaman mo sa akin?Law, ano 'yon?Saan ka kumukuha ng lakas ng loob na saktan ako at paasahin?"
Nanginginig ang labi ko at halos gusto ng maiyak, pero hindi ko gagawin.Una sa lahat, sayang ang make up.Pangalawa, hindi siya worth it iyakan.Tangina lang talaga.
"Wala ka talagang isang salita.Sana hindi ka na lang umamin, o baka naman nagsinungaling ka lang kanina.Ano?Tuwang tuwa ka bang nakikita akong nagpapaloko sa mga sinasabi mo?Nasa-satisfy ba niyang ginagawa mo ang ego at pride mo?"
"That's not what I mean!"kunot noong aniya pero nginisihan ko lamang siya.
"Wala kang isang salita, aminin mo na lang.Alam mo, Law?Gustong gusto na kitang sampalin at murahin ngayon, pero galit ako kaya hindi ko gagawin.Galit na galit ako sa'yo na ayaw kitang mahawakan.Sana pagkatapos ng gabing 'to, huwag na huwag ka ng magpapakita pa sa akin."kuyom ang mga palad na tinalikuran ko siya.
"Fawzia!Listen to me!Damn!"nadinig kong sigaw niya ngunit nagpatuloy ako.Ilang hakbang pa bago ako makarating sa kaniyang sasakyan ay may humawak sa aking braso at pilit akong iniharap sa kaniyang gawi.
"A-ano na naman ba?!Bakit na naman?!"hindi ko na napigilang hindi mapaiyak kahit na anong pagpipigil ang ginawa ko.Bago pa ako makaalma ay naramdaman kong yakap-yakap na niya ako.Marahang hinahaplos niya ang aking buhok upang pakalmahin.
"Don't cry, sshhh.I'm sorry."masuyong aniya pero sa halip ay mas lalo akong napaiyak.
Nakakabawas ng angas, tangina!Ito ang unang beses na umibig ako pero sakit kaagad ang idinulot.Ipinangako ko pa naman noon sa sarili kong hindi ako iiyak ng dahil lang sa pag-ibig, pero dahil sa lalaking 'to, napako ang pangako ko sa aking sarili.
"Stop overthinking, Fawzia.First of all, I didn't mean to hurt you.I love you, I really do, but we can't be with each other.You're too young for me."
Iyon lang?Dahil lang sa edad?Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin kaya itinulak ko siya palayo.
"Ang babaw ng rason mo!Kung mahal mo talaga ako, paninindigan mo 'yang feelings mo.Alam mo k-kung gaano kita kagusto.W-wala ka namang hinangad sa aking masama, hindi ba?Kaya ano pang pumipigil sa'yo, Law?Punyetang edad 'yan, edi sana hindi kaagad lumabas sa sinapupunan ng nanay mo!"
Pumikit siya ng mariin at hinilot ang bridge ng kaniyang ilong.
"Lincoln is inlove with you."
Lincoln?Anong connect ni Lincoln sa amin?
"Ano naman ngayon?"
"He's my brother, Fawzia."
Napaawang ang labi ko at hindi alam kung ano ang sasabihin.Kapatid niya si Lincoln?Muli ay bumalik sa akin ang kwento ni Lincoln noon, nabanggit niyang mayroon siyang nakatatandang kapatid at sumama iyon sa kanilang ama.Kaya pala, kaya pala ganoon na lamang ang galit niya kay Law.At kaya rin pala ganoon na lamang ang pagpipigil ni Law ng nararamdaman niya para sa akin.Ngayon ay naiintindihan ko na.
"K-kung ganoon, ikaw pala 'yung Kuya niya.Na-ikwento niya sa akin noon, pero wala siyang binanggit na pangalan."pinahid ko ang aking mga mata at pinakatitigan si Law.
Nabigla ako ng sobra sa rebelasyon n'ya ngunit mas hindi ako makapaniwalang nagpaparaya siya sa kaniyang kapatid.Ganoon niya ba kamahal si Lincoln na nagagawa niyang baliwalain at tiisin ako?Totoo nga palang blood is thicker than water.
"P-pagod na ako, gusto ko ng umuwi."mahina ang aking boses.Tinalikuran ko siya at walang imik na sumakay sa kaniyang kotse.
"I'll get your things first."nadinig kong aniya.
Muntik ko pang makalimutan ang mga gamit ko.Tinanaw ko siyang muling pumasok sa loob.Napabuga ako ng malalim na paghinga at ipinikit ang aking mga mata.Hindi ko inaakalang magkapatid pala sila.Kaya pala sinasabi nina Mama at Lola na pamilyar ang mukha ni Law.Kaya rin pala may resemblance akong nakikita sa kanilang dalawa.Ilang saglit pa ay naramdaman kong bumukas ang driver's seat kaya nilingon ko iyon.
"Here."iniabot sa akin ni Law ang aking bag.Walang imik na sumandal ako sa aking kinauupuan habang nakatanaw sa labas.Hindi siya nagsasalita at ganoon rin ako.Nang hindi na makatiis ay hinugot ko ang natitirang lakas ng loob sa aking katawan.
"Bakit, Law?"walang kalingon-lingon na itinanong ko iyon.
"Pardon?"
"Bakit nagdedesisyon ka para sa akin?Mahal mo ako pero gusto mong mapapunta ako kay Lincoln."
Natahimik siya at doon ay tumulong muli ang luha sa aking mga mata.Mabilis ko iyon na pinahid.Pakiramdam ko isa akong laruan na ibinibigay niya sa kaniyang kapatid.
"He loves you, why don't you give it a try?"
Great!Umamin siya kanina pero ngayon ay ipinagtutulakan niya naman ako sa iba.Pinili kong manahimik hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay.Wala akong ideya kung anong oras na ngayon.Kinalas ko ang seatbelt ko at binuksan ang pintuan sa aking side ngunit hindi ako kaagad bumaba.Nilingon ko si Law at nakitang nakasandal lamang siya sa kaniyang kinauupuan ngunit nakahawak pa rin sa manibela.Tila hinihintay niya lamang na bumaba ako.Wala sa sariling inangat ko ang aking kamay at hinawakan ang kaniyang baba upang iharap siya sa akin.Walang emosyong nakatitig siya sa akin.Umangat ang gilid ng labi ko.
"You chose to hurt me again, then watch me fall for your brother."
______________________________
Ang tagal kong hindi nakapag-update kahit gustong gusto ko na 'to matapos, nakakapanibago sa totoo lang.Ibang klaseng katamaran ang na-feel ko.Choss!Si Fawzia ay para talaga kay L.:>
BINABASA MO ANG
Taking Chances
General FictionFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...