Chapter 57

96 3 0
                                        

"Tapos doon naman nakatira ang seven dwarves ni Snow White."tukoy ko sa isang direksyon. Hindi ko magawang ituro gamit ang daliri dahil bukod sa nagba-bike ako ay bawal iyon, baka daw manuno.

"Kalokohan mo na naman."

"Oo nga! Ayaw maniwala, aba! Tapos nakikita mo 'yang puno ng saging na 'yan?"bahagya kong binagalan ang pagpapaandar.

"Oh, anong meron? Dyan ka nakatira?"

"Hindi, baliw! May bata dyan, minsan. Umiiyak palagi, sa tuwing gabi lang lumalabas."

Halos sabay kaming napamura nang biglang umihip ang malamig na hangin.

"Punyeta, charot-charot lang po! Hindi naman mabiro 'to oh, parang others!"

Halos mapaangat ako sa kinuupuan ko sa sobrang bilis kong mag-pedal. Bahala na si Lincoln kapag nahulog siya, may pa-tour-tour pa kasi ang punyeta. Ilang saglit pa ay may nadaanan kaming bukas na tindahan, mini mart. Sakto namang may dalang pera si Lincoln kaya inutusan ko siyang bumili ng makakain namin. Naghintay na lamang ako sa labas dahil ayokong machismis, mga chismakers pa naman ang mga tao dito sa amin.

"Anong binili mo?"usisa ko.

"Soft drinks at chips."aniya habang inilalagay sa maliit na basket sa harapan ng bike ko ang dala niyang plastic.

"Good, sakay ka na ulit. Hanap tayo ng matatambayan, dude."

Dulot ng labis na katahimikan ay napakanta na lamang ako.

"Maliwanag ang buwan, may aswang na─"

"Itigil-tigil mo nga 'yang pagkanta mo. Baka may lumabas nga dito sa inyo. Hindi bale sana kung maganda rin ang boses mo, ang kaso hindi."saway ni Lincoln kaya natawa ako.

"Takot ka lang eh. Oh, wait, doon tayo tatambay."sabi ko nang may matanaw na magandang lugar. Halos sa tabi na iyon ng bukid at kalsada. Ipinark ko ang bike sa gilid.

"Doon tayo."anyaya ko kay Lincoln na siyang may dala ng makakain namin. Pareho kaming naupo sa damuhan. Mabuti na lang nakapajama ako at nang sa ganoon ay hindi ako mangati dahil sa mga damo. Inabutan ako ni Lincoln ng Coke in can, tinanggap ko iyon.

"Sigurado ka bang walang gumagalang aswang dito sa inyo?"

"Wala, multo meron. Ayan oh, nasa tabi mo!"

Napamura siya nang malakas habang masama ang tingin sa akin. Nagtaka ako ng lubusan nang may dukutin siya sa kaniyang bulsa.

"Asin at bawang? Anong akala mo sa multo, aswang? At bakit may dala ka niyan? My god, Lincoln!"hindi ko na napigilang mapatawa at halos sumakit na ang aking sikmura.

"Mabuti na ang handa."aniya sa tonong hindi na muli natatakot.

"Sana nagdala ka na rin ng sibuyas, toyo, paminta, at suka nang makapag-adobo tayo. Patingin nga niyang dala mo."

Kinuha ko sa kaniya ang bawang at asin na katamtaman lamang ang dami, nakabalot pa sa plastic. Hindi kaya good items 'to? Choss! Parang sawsawan lang ng mangga sa dami, ganern. Napapailing na iniabot ko iyon pabalik sa kaniya. Napansin kong nakatingala siya sa itaas.

"Anong inaabangan mo sa itaas?"usisa ko.

"Himala."

"Ulol! Ano nga kasi?"

Ibinaling niya sa akin ang tingin at nakikita ko sa liwanag ng buwan ang mapang-asar niyang ngisi.

"Ang pagkuha sa'yo ni Lord."

Nanlaki ang aking mga mata at mabilis siyang binatukan.

"Aba! Punyeta ka, mauna ka na, oy! I love my life!"

"Parang tanga kasi ang tanong mo."aniya sabay tingala muli. Umikot ang aking mga mata bago ginaya ang kaniyang pwesto.

"Ang daming stars."

"First time?"natatawang tanong niya kaya napasimangot ako. Bwisit din talaga 'to. Mamaya pipilosopohin ko rin siya.

"Alam mo Lincoln, dito sa lugar namin minsan may libreng show sa kalangitan."

"Talaga? Fireworks?"tanong niya.

"Hindi, may sabi-sabi kasing may lumilipad daw na babaeng kalahati ang katawan. Ang target daw ay mga kalalakihan, lalo na 'yung mga eighteen years old pataas na nakabuntis. Bet na bet niya kasi 'yon. Naku, mag-ingat ka, baka mamaya niyan─"

"Fawzia!"

Lihim akong napangisi nang maramdaman ang takot sa kaniyang boses. Ano ka ngayon, dude? Duwag rin naman pala.

"Bakit ba? Para nagkukwento lang eh!"giit ko.

"Pwes iba ang ikuwento mo."

"Oo na, oo na. Baka mamaya niyan maihi ka na sa takot ako pa sisihin mo. So ito na nga, dito sa amin may nakatira ding diwata. Ang pangalan ay Fawzia at sobrang ganda niya."

"Manahimik ka na lang pala. Ayokong marinig ang mga kasinungalingan mo."

Panira talaga 'to ng trip! Bigla ay namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pareho lamang kaming tahimik na nakatingala sa kalangitan at naghihintay ng himala. Marahang inalog-alog ko ang aking inumin na tila alak ang laman non at baso ang hawak ko.

"Hindi mo ba itatanong kung bakit ganito ako kagalit kay Law?"

Doon napukaw ang aking atensyon ngunit pinilit kong huwag lingunin si Lincoln. Bakit niya naman naisipan na banggitin si Law?

"Hindi."maikling sagot ko.

"Bakit ayaw mong malaman?"

"Dahil wala ako sa posisyon para malaman."

Nadinig ko ang malalim niyang paghinga.

"Gusto kong sabihin sa'yo ang dahilan."

Doon ako hindi nakatiis na hindi siya lingunin. Malayo pa rin ang tingin ni Lincoln.

"Lincoln, huwag..."halos pabulong na sabi ko.

"Limang taon ang tanda ni Law sa akin. Simula pagkabata ay ramdam kong siya ang paboritong anak ng ama namin. Siya ang palaging pinapansin at isinasama sa tuwing aalis ang lalaking 'yon. At ako? Maiiwan ako kasama ni Mama."sumilay ang malungkot na ngiti sa labi ni Lincoln.

"Hindi nila alam kung gaano kasakit para sa akin ang maiwan. Lalo pa sa tuwing nakikita kong umiiyak ang aking ina dahil kay Law at sa lalaking 'yon. Si Law, wala siyang galang kay Mama. Hindi ko makalimutan noong minsan niyang tawagin ng mga hindi kaaya-ayang pangalan si Mama. Lalo pa noong itinaboy nila kaming pareho na tila hindi kadugo. Ang unfair, Fawzia. Bakit? Bakit nila nagawa 'yon sa amin? Asawa at ina nila si Mama, at ako? Anak at kapatid nila ako."

Habang nakikinig sa kaniyang mga sinasabi ay halos magwala ang dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog non. Nilingon ako ni Lincoln.

"Sa loob ng ilang taon na hindi ko siya nakita ay hindi ko inaasahang makikita ko siyang muli, kasama mo. Magkakilala kayong dalawa at alam kong mahal mo siya. Kilala ko si Law at kahit hindi ko man siya nakasama ng napakatagal na panahon ay kilalang kilala ko siya. Kagaya nang inaasahan ko, sinaktan ka niya."pumikit siya nang mariin at sa muli niyang pagmulat ay tumulo ang ilang butil ng luha sa kaniyang mga mata.

"Bakit si Law, Fawzia? Bakit hindi ako? Bakit mas pinili mo ang lalaking alam mong sasaktan ka lang?"

Kung pinili kita, masasaktan mo rin ako, Lincoln. May nangyari sa inyo ni Hannah noong mga panahong nagtatapat ka. Kung ako lang pala, then bakit mo ginawa 'yon?

Gustong gusto kong sabihin iyon ngunit pinigilan ko ang aking sarili.

"Dahil hindi natin kailanman mapipili kung sino ang mamahalin natin. Kung pwede nga lang na hindi siya, bakit hindi? Sa tingin mo ba magtitiis ako at magpapakababa ng pride sa pag-amin sa kaniya kung may choice ako? Kasi wala akong choice, Lincoln. Nahulog ako sa kapatid mo. Wala akong balak na ma-in love sa edad kong 'to pero nangyari."

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon