"Alam na ba ni Van ang tungkol sa pagbubuntis mo?"tanong ko habang nakatanaw kami sa malapad na bukirin.Lumayo kami sa gawi nina Mama dahil baka marinig nila ang pinag-uusapan namin ni Stella.
"Oo naman, sa kaniya ko pa nga unang sinabi."
"Talaga?Anong sabi?Edi excited na rin siya katulad natin?Sana kamukha mo Stella o 'di kaya ay ako na lang para magandang bata─ hoy, umiiyak ka na naman!Bakit?May problema ba?"
"H-hindi kasi siya naniniwalang sa kaniya 'tong dinadala ko.Gago 'yon eh, ayaw maniwala.Alam niya namang sa kaniya ko lang ibinigay ang sarili ko."humihikbing aniya.
Naaawa ako kay Stella.Haaays, iba talaga kapag nasira na ang tiwala ng isang tao.Kahit na anong gawin mo ay hindi ka na niya pagkakatiwalaan at paniniwalaan.
"Uhm, hindi naman sa chismosa ako ah, pero narinig ko kasing nakipag-ano ka daw doon sa exboyfriend mo?'Yung senior high student."
"Make out lang naman 'yon at hindi ko naging boyfriend ang lalaking 'yon.Bwisit kasi ni Van!Palagi na lang akong binabalewala!Girlfriend niya nga ako pero hindi niya naman ako pinapahalagahan!Masama bang hanapin ko sa ibang tao ang pagmamahal at atensyon na gusto kong maranasan galing sa kaniya?Ang sakit-sakit lang, Fawzia!Sa huli ako pa rin ang may kasalanan, sa akin pa rin nakabunton ang lahat ng sisi.Alam kong nagkamali ako pero h-hindi ako maghahanap ng iba kung nagampanan niya nang maayos ang responsibilidad niya sa relasyon namin."
Luh?May pa-make out si Ateng eh seventeen pa lang din naman siya kagaya ko!
"Gago talaga 'yung si Van.Tsk!Hindi ko alam ang nangyari sa past n'yo pero kailangan ka niyang panagutan.Pareho kayong nadala ng damdamin kaya pareho n'yo dapat harapin 'yan.Hindi porket gusto kong maging ninang ng anak n'yo ay natutuwa na akong buntis ka.Stella, ang bata n'yo pa ni Van para maging mga magulang.Hindi bale sana kung nasa tamang edad na kayo at kasal na, pero hindi eh.Pareho lang din kayong mga estudyante at umaasa sa mga magulang n'yo.Ano sa tingin mo ang mangyayari sa bata habang lumalaki siya?Papaano kung hindi n'yo kayang maibigay ang isang buong pamilya sa kaniya?Higit sa lahat ay ang magiging anak n'yo ang maapektuhan, lalo na kung magkakaroon kayo ng sari-sarili n'yong mga pamilya ni Van."
"K-kung kaya ko lang talagang ibalik ang oras, Fawzi."
"Ano pa nga ba?Ano ng balak mo ngayon?Alam na ba 'yan ng mga magulang mo?"
Marahan siyang umiling kaya napabuntong hininga ako.'Yan na nga ba ang sinasabi ko eh.Tsk!Tsk!
"Kailangan n'yong mag-usap muli ni Van.Sandali lang at tatawagan ko siya."
"P-pero─"
"Shh!Hindi pwedeng hindi, Stella.Alalahanin mo ang anak mo, kailangan niya ng amang gagabay sa kaniya."pagputol ko sa kaniyang sasabihin.Wala na siyang nagawa nang tawagan ko si Van.
"Hello?Fawzia?Bakit?"
Ini-loud speaker ko iyon para marinig rin ni Stella.
"Kasi pwet mo may rocket."
"Baliw!Ano bang trip mo?Nami-miss mo na ba si Lincoln?Nandito siya, gusto mo bang makausap?"tumatawang aniya.
"Kahit huwag na!Paki ko naman dyan sa maarteng 'yan?!"
Napakamot ako sa ulo ko.Ako ang namomoroblema sa dalawang 'to eh!Gagawa-gawa ng bata tapos hindi pananagutan!Puro pasarap!Mga lalaki nga naman talaga oh!
"Magkita tayo ngayon doon sa parke.Huwag kang magdadala ng kasama.Ikaw lang mismo, okay?Now na!Babush!"
"Sandali─"
Hindi niya na naituloy ang kaniyang sasabihin nang patayin ko ang tawag.Nakangiting hinarap kong muli si Stella.
"Papunta na siya, tara na sa parke.Malapit lang 'yon dito."
Hinawakan ako ni Stella sa kamay at maluha-luha ng tumingin sa akin.
"Maraming salamat talaga, Fawzi.Napakalaking tulong nitong ginawa mo."
"Sus!Wala 'yon, basta para sa inaanak ko."
Nagpaalam kami kayna Lola bago umalis.Pagkarating sa parke ay natanaw namin kaagad si Van.Nakatalikod siya sa aming gawi.Habang lumalapit kami ni Stella ay pahigpit ng pahigpit ang kaniyang pagkakakapit sa akin.
"Fawzia, k-kinakabahan ako."
Sinenyasan ko siyang huwag maingay.Tinapik ko ang balikat ni Van dahilan upang mapalingon siya sa aming gawi.Ngingiti na sana siya nang makita si Stella.Hinila ko si Stella dahil nagtatago siya sa aking likuran.
"Kausapin mo na."bulong ko sa kaniya.
"At anong ginagawa niyan dito?Bakit magkasama kayo, Fawzi?"seryosong tanong ni Van kaya nilingon ko siya.
"Hoy, Van!"
Nanlaki ang mga mata niya habang nakaturo sa sarili.
"Ako?Oh, bakit?"
"Mag-usap kayo ni Stella.Baka ma-stress ang inaanak ko sa inyo."
Nakakunot noong sinamaan niya ng tingin si Stella.
"Hanggang kailan mo ba ipagpipilitang sa akin 'yang dinadala mong puta ka?At ipinagkakalat mo pa talaga!"
Napantig ang tenga ko sa narinig at awtomatikong lumapat ang palad ko sa mukha niya.Gulat na gulat si Van habang nakatitig sa akin, ganoon din si Stella.Sumusobra na siya.Murahan pala, huh?
"Putangina mo ka ring gago ka!Alam mo bang sa'yo lang niya ibinigay ang sarili niya?Bakit hindi ka magpakalalaki ngayon?!May dick at balls ka bang punyeta ka, ha?Matapos mo siyang buntisin ay itatanggi mo na lang na hindi sa'yo ang bata?Gusto mo na bang mamatay, Van?!Gago ka ba?"
Napatulala silang dalawang sa akin.
"Sagot, putangina!"
"Pero, Fawzia?!Hindi talaga sa akin 'yan!Hindi mo kilala si Stella!Mas makati pa 'yan sa buni!"
Akma ko siyang sasampalin ulit nang pigilan ako ni Stella.Luhaan ang mga mata niya at kitang-kita na nasaktan siya sa mga binitawang salita ni Van.
"A-ako na ang bahala.Salamat, Fawzia.Gusto k-kong mag-usap kami ng kaming dalawa lang."
Kahit ayaw kong umalis ay ginawa ko.Mas makabubuti rin sigurong hindi na muna ako makialam.Pero kapag nalaman kong may hindi na naman magandang sinabi o ginawa si Van ay madadama niya ulit ang bagsik ng palad ko.
Napahinto ako sa paglalakad nang mapansing pinagtitingnan ako ng mga tao, actually maging sina Van at Stella rin.Ngayon lang nag-sink in sa akin ang ginawa naming sigawan kanina.Ang iba ay halata ang pag-uusisa base sa mga tinging ibinibigay, may mga nagbubulungan pa.Ngumiti ako ng malapad sa kanila.
"Social experiment lang po.Ngayon ay napatunayan na talaga kung gaano ka-chismoso este kung gaano maaalalahanin ang mga Pilipino!"
BINABASA MO ANG
Taking Chances
General FictionFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...