"Atticus,"
Nilingon namin ang nagsalita at nakita ko ang isang babaeng naglalakad papalapit.Baka ito ang girlfriend ng birthday boy.In fairness, ang ganda niya.Kaagad na pumulupot ang braso ni Atticus sa bewang ng babae.Naramdaman niya sigurong tinititigan ko siya kaya napagawi ang tingin niya sa akin.Ngumiti siya kaya awtomatikong napangiti rin ako.
"Ikaw ba ang girlfriend ni Law?"tanong niya na ikinalaki ng mga mata ko.
"H-hindi!"dali-daling inalis ko ang pagkakahawak ko kay Law at kaagad na dumistansya.
"Really?I'm sorry then.Ang akala ko kasi ikaw ang girlfriend niya since ikaw ang kasama niya ngayon."naglahad siya ng kamay."My name is Olga Cojuangco."
Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay."Fawzia Grande."
"I like your dress.You're stunning."nakangiting pinasadahan niya ako ng tingin kaya napababa rin ang tingin ko sa aking kasuotan sabay lingon kay Law.Nakatingin rin pala siya sa akin.Pasimpleng inismiran ko siya.
Thanks to Law Morozova, and note the sarcasm please!
Kinailangang umalis ni birthday boy at Olga upang kausapin ang iba pang mga bisita.Iginala ko ang aking paningin at napagawi iyon sa ilang tao na nagse-serve ng alak sa mga bisita, wine ata o champagne.Ewan, wala naman akong kaalam-alam pagdating sa alak.Bwisit kasi si Lincoln, noong birthday ko ay walang ginawa kundi painumin ako ng cocktail na mukha namang juice.Napalunok ako habang nakatingin sa iniinom ng ilang mga bisita.Parang nauhaw akong bigla.Parang gusto ko non.
"Bawal kang uminom."
Nilingon ko ang aking katabi.Mukhang napansin ni Law ang ginagawa ko.
"At sino ka para pagbawalan ako?"nakataas ang isang kilay na tanong ko.Hindi siya sumagot ngunit nanatili namang nakikipagtagisan ng titig sa akin.
"Tsk, whatever!Ikuha mo na nga lang ako ng pagkain nang may pakinabang ka naman."utos ko sa personal alalay ko.
"Anong gusto mo?"
Ikaw, choss!
"Kahit ano, basta pagkain."
"Okay, then come with me."akmang hahawakan niya ako nang lumayo ako.
"Ikaw na lang, tinatamad akong maglakad."
"Tatakasan mo lang ako kapag iniwan kita dito."
Ano bang pinagsasasabi nito?
"Hindi!Para namang may kakilala akong iba dito.And, duh!Papaano ako makakauwi sa amin, aber?Hindi ako tatakas, promise.Dito lang talaga ako."
"Siguraduhin mo lang na hindi ka gagawa ng kalokohan."aniya bago tumayo.
"Damihan mo ha, take your time."pahabol ko kay Law.
Umangat ang gilid ng labi ko at kaagad na sinenyasang lumapit sa aking gawi ang isang napadaang sommelier.Walang sali-salitang iniabot niya sa akin ang isang champagne flute glass.Oh, 'di ba natatandaan ko pa rin 'yung itinuro sa amin noong nasa high school pa lang ako.May isang subject kasi kami noon na kung saan inaaral ang iba't ibang klase ng glass, plate, and other kitchen utensils.Halos magkakamukha lang naman 'yung iba, tapos iniiba pa ang mga tawag.
Marahang inikot-ikot ko ang laman non habang hindi pa rin maalis-alis ang ngiti sa labi.Gosh!Ito na!Finally!Inilapit ko sa aking labi ang baso at ininom ang laman non.Ah, ang tamis naman!Pero parang nabitin ako.Nagpalinga-linga ako upang hanapin si Law at nakitang kumukuha pa rin siya ng pagkain habang kachikahan si Kinsley.Yes!Go, magchikahan muna kayo dyan!Humingi muli ako ng isa pang baso doon sa lalaki at mabilis na nilagok iyon.
"Wait, isa pa."wika ko bago kumuha muli ng panibagong baso.Binalingan ko sina Law at Kinsley at halos manlamig ang aking paningin nang makitang papalapit na si Law sa akin.Madilim ang kaniyang ekspresyon at salubong na ang mga kilay.Bago ko pa man mainom ang hawak ay inagaw na niya iyon at inilapag sa harapan ko ang isang platong punong puno ng pagkain.
"Anong sinabi ko kanina, Fawzia?"muli siyang naupo sa kaniyang silya habang hindi pa rin inaalis ang titig sa akin.
Kinagat ko ang ibaba kong labi habang nakasunod pa rin ng tingin doon sa inagaw niya.Gusto ko pang inumin 'yon eh.Upang makaiwas sa sermon ni Kuya Law ay inumpisahan ko na lamang kainin ang kaniyang mga kinuhang pagkain sa akin.Napakamasunuring bata, dinamihan nga ang kuha.Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko nang makaramdam ako ng pagkahilo.Naibaba ko ang kutsara at tinidor na hawak ko at kaagad na napatakip sa aking bibig.Hinampas ko ang braso ni Law kaya napatingin siya sa akin.
"What now?Kulang pa?"
Sumenyas akong nasusuka ako na ipinanlaki ng kaniyang mga mata.
"I told you not to drink!"kunot noong inakay niya ako patayo at inalalayan patungo sa kung saan.Nagtaka ako nang huminto si Law sa paglalakad nang mapagawi ang tingin niya sa isang babae.Huwag niyang sabihing makikipag-usap pa siya doon?!Nasusuka na ako dito oh, punyeta!Nakakapagsisi tuloy.Nabigla ata ang sikmura ko.
"Emersyn!"tawag niya sa babae kaya napalingon siya sa amin.Kinagat ko ng mariin ang dulo ng aking dila kasabay ng paghigpit ng pagkakahawak ko kay Law nang makaramdam ako ng pagkahilo.Napapikit ako.
"Anong nangyari sa kaniya, Law?"nadinig kong usisa ng babae.
"Thank god, I saw you, Emersyn.Pwede mo ba siyang samahan sa comfort room?She's not feeling well."
Napamulat akong muli at doon ay nakita kong nasa harapan na namin 'yung babae.Napabitaw ako kay Law nang alalayan niya ako.Hindi na ako nagsalita pa dahil pakiramdam ko masusuka na talaga ako kapag ibinuka ko ang labi ko.Sa loob ng cr ay sinamahan niya ako, hinahaplos niya pa nga ang likuran ko habang sumusuka ako.Mabuti naman at hindi siya maarte.Halos mapapadyak ako s sahig sa tuwing humihilab ang sikmura ko at halos hindi na ako makahinga.Napangiwi ako sa sobrang pait ng bibig ko.Inabutan ako ni Emersyn ng tubig.
"Ayos ka lang ba?Nasusuka ka pa?"bakas ang pag-aalala sa maganda niyang mukha.Sinikap kong ngumiti kahit na nahihilo pa rin ako.
"O-okay lang."
Naglabas siya ng wipes at iniabot iyon sa akin.Kahit na masama ang pakiramdam ay nagawa ko pa ring makapag-retouch sa tulong niya.Pinawisan ako, 'no!Hindi naman pwedeng hazardous ang hitsura ko kapag lumabas.Tsaka maayos-ayos na ang pakiramdam ko ngayon kaysa kanina.
"Thanks, Ate Emersyn."sinserong pagpapasalamat ko.Halata naman kasing mas matanda siya ng ilang taon sa akin.Ngumiti siya.
"It's fine, ngayon lang kita nakita.Ikaw ba ang girlfriend ni Law?"
Na naman?Bakit ba palagi na lang akong napagkakamalang girlfriend ng paasa na 'yon?
"Uh, h-hindi po."
"Gano'n?Sigurado ka bang ayos na ang pakiramdam mo?Nahihilo ka ba?Masakit ba ang sikmura mo?"
"Okay na po ang pakiramdam ko."
Natawa siya ng marahan."Huwag mo na akong i-po.How old are you na ba?"
"Eighteen."
Nanlaki ng bahagya ang kaniyang mga mata at pinasadahan ako ng tingin.
"Eighteen ka lang?Mukha ka ng dalagang-dalaga.Ang bata mo pa pala."
Ngumiti na lamang ako.Inaya ko siyang lumabas na ng comfort room at ilang hakbang mula sa pintuan ng cr ay natanaw ko si Law na tila hindi mapakali.Kaagad siyang lumapit nang makita kami ni Ate Emersyn.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"nakakunot ang noo ngunit halata ang kaba sa kaniyang boses.Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin nang hawakan ko ang aking bandang puson.Sumunod ang tingin niya doon.
"Tatay ka na."
BINABASA MO ANG
Taking Chances
BeletrieFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...