"Kanina simbahan, ngayon naman palengke?Ang lakas din ng trip mo sa buhay, 'no?"reklamo ni Bogart este ni Lincoln.
"Huwag ka ng magreklamo.At least, nakatipid ka pa.Mabuti nga at hindi ako high maintenance type of girl eh.Kung ibang babae ang idinate mo ngayon baka kanina pa nabutas 'yang bulsa mo."
"Butas na kanina pa, baka nagpagasolina na tayo, 'no?"sarkastikong aniya.
"Shh!Hindi ako makapili ng maayos.Ang ingay mo!"saway ko habang ini-inspeskyon ang Bangus na nakalatag sa harap.
"Kay gandang bata naman nari.Ano ba'ng problema at tila nagtatalo kayo ng iyong nobyo?"usisa ni Aleng Tinders short for tindera.Para sosyal!
Muntik ko ng itanggi si Lincoln kaso naalala kong kami nga pala ngayong araw.Mamaya i-be-break ko na 'to eh, panay reklamo kasi.
"Wala po, masyado raw po kasi akong maganda para sa kaniya.Hindi daw niya po ako deserve, ang sabi ko naman po ay hindi naman talaga."nakangiting sagot ko.
"Awwchie!"sinamaan ko ng tingin si Lincoln nang diinan niya ang pagkakahawak sa aking kamay.
"Sorna, Bogart."ngumuso pa ako na tila nagpapaawa.
"Tangina talaga."pasimpleng umiwas siya ng tingin ngunit bago iyon ay nasilip kong napangiti rin siya.Ang dali-dali talagang patawanin nitong si Bogart.Matapos makapamili ng isda ay pinabitbit ko iyon kay Lincoln.
"Ano bang gagawin natin dito?"tukoy niya sa isda.
"Aampunin natin, adopted son."biro ko.
"Baliw!"natatawang aniya.
"Sa'yo, Bogart!"
"Tsk!Fawzia, huwag kang ganiyan.Mas lalo akong nahuhulog."
"Sana mauna mukha mo kapag nahulog ka."
"Dami mong alam.Pero seryoso, ano bang balak mo dito sa isdang 'to?"
Huminto ako sa paglalakad at tumungkayad upang bumulong sa kaniya.
"Ipapa-kidnap for ransom natin.Yayaman tayo dyan─ aray!"daing ko nang pitikin niya ang aking noo.
"Puro ka na naman kalokohan.Pangatlong beses ko ng itatanong 'to, anong gagawin mo dito sa Bangus?"
Umirap ako.
"Syempre, kakainin!Ano pang gagawin ko dyan?Duh!"
"At saan mo naman lulutuin 'to?"
"Sa kawali."
"Tsk!Fawzia, isa!"
What?Tama naman ako ah!
"Syempre sa bahay, mag-re-relyenong Bangus tayo.Sa amin ka na mag-dinner, magpaalam ka na lang sa ina mo."binilisan ko pa ang pagbigkas sa huling dalawang salita.
"Nanito."aniya na ipinagtaka ko ng labis.
"Ha?Anong nanito?Japanese word ba 'yan?"
Kinagat niya ang ibaba niyang labi na tila pinipigilan ang pagtawa.
"Hoy!Ano ba kasing nanito?"
"Short for putangina nito."
Nanlaki ang aking mga mata at kaagad na tinampal ang kaniyang labi.
"Aba!Bogart, nilalabanan mo na ako?"
Kaagad na sumama ang timpla ng kaniyang mukha nang marinig ang endearment namin.May galit ata 'to sa pangalang Bogart eh.
"Ewan ko sa'yo, tara na nga!"
Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya sa kamay ko humawak kundi sa aking balikat.Nakaakbay sa akin si Lincoln habang naglalakad kami sa loob ng palengke.Nakakarinig pa nga ako ng ilang pag-uusap ng mga nadadaanan namin.Ang akala ata nila artista kami.Masyado raw kasi akong maganda.
BINABASA MO ANG
Taking Chances
Ficção GeralFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...