Napahinto ako sa paglalakad nang madaanan ko si Lincoln.Itinapon niya ang hawak na sigarilyo nang makita ako.Balak ko sana siyang lampasan na lamang nang may maalala ako.
"Hoy, Lincoln."tawag ko.
Halata ang pagkagulat sa kaniyang mga mata.
"Bakit?"
"Paano kayo nagkakilala ni Law?"
Sa isang iglap ay nawala ang sumisilay niyang ngiti.May nasabi ba akong mali?Ganitong-ganito rin ang ekspresyon ni Law kahapon.
"Wala kana do'n.Hindi ka pa rin nagbabago, masyado ka pa ring pakialamera."
Napakunot ang aking noo nang talikuran niya ako.Parehong-pareho sila ng sinabi ni Law.Mukha ba akong chismosa?Hindi ba pwedeng curious lang?!And speaking of Law, simula kahapon ay wala akong natanggap na mensahe mula sa kaniya.Buong maghapon tuloy akong iritado.Bakit hindi man lang nagpaparamdam ang Lawkong 'yon?Galit kaya siya sa akin?Pero bakit naman?Anong dahilan?Tinanong ko lang naman siya kung bakit galit sa kaniya si Kabayo ah.
Speaking of Kabayo, hindi siya pumasok kanina.Nag-cut daw ng klase ang loko kasama sina Van, Gon, at Trevor.Kaming tatlo lang tuloy nina Ken at Dirk ang magkakasama.Kumain pa kami ng street foods pagkatapos ng klase.Pinauna ko na 'yung dalawa nina Dirk at Ken dahil hindi ako sasabay sa service.
Paniguradong inip na inip na si Law sa paghihintay sa akin.Tikman mo ang ganti ng isang api!Kukulitin niya siguro ako para patawarin ko siya sa pagsusungit niya sa akin.At ako naman itong si babae ay magpapabebe ng bonggang-bongga!Omg!So excited!
Pagkarating sa parking ay napapadyak na lamang ako sa sobrang inis nang makitang wala ang kaniyang sasakyan doon.Nagpalinga-linga ako para hanapin kung nagpalit siya ng sasakyan pero wala talaga.Baka may ginagawa pa siya, maghihintay na lang muna siguro ako dito.Tsk!Patong-patong na talaga ang kasalanan niya sa akin!
"Kanina ka pa dyan naghihintay ah?May sundo ka ba, ineng?Aba eh kung wala ay pumara ka na ng jeep at baka gabihin ka pa sa pag-uwi."sabi nung guard sa akin.
Hindi na ata nakatiis sa akin kaya nilapitan na ako.Sus!Gusto lang ako nitong paalisin eh!
"Meron naman po, sa labas na lang po ako maghihintay."
Pero kung sa bagay, may point naman siya.Baka nga gabihin ako kapag hinintay ko pa si Law.Kanina ko pa siya itine-text pero hindi siya nagre-reply.Kumusta na kaya siya?May nangyari kayang masama?Haays, nakakaasar naman talaga!Pinag-aalala niya ako!
"Hoy,"
Napalingon ako sa gilid ko nang may tumabi sa akin.Medyo nagulat pa ako nang makita si Lincoln.Suot pa rin niya ang kaniyang uniform.Nag-uniform pa siya eh hindi naman siya pumasok.
"Hoy mo mukha mo!Huwag mo nga akong kausapin!"maarteng sabi ko ngunit tinawanan niya lamang ako.
"Tinatawa-tawa mo dyan?May nakakatawa ba?Horsie, ha?!"
"Wala naman, ang cute mo kasi mag-inarte."
Aba't!
"Duh!Maganda ako, hindi cute."wika ko sabay hawi sa aking buhok.Sinadya ko pang patamain sa kaniya ang dulo ng buhok ko.
"Sige, sabi mo eh."
Hindi ko na siya inimikan dahil wala akong balak makipag-usap sa kaniya.
"Bakit hindi ka sumabay sa service n'yo?Kanina pa nakauwi sina Dirk ah."
"Pake mo?"
Sumama ang tingin niya sa akin kaya napangisi ako.Yes!Ano ka ngayon?Ngayon, alam mo na ang feeling nang masabihan ng ganiyang salita.
BINABASA MO ANG
Taking Chances
General FictionFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...