"Bakit hindi mo tinanggap 'yung jacket ni Lincoln?"tanong niya habang naglalakad kami.
"Kasi ulol siya!Basta naiinis ako sa kaniya."
Pagkarating sa room ay nandoon na ang mga bwisit.Padabog akong naupo sa upuan ko.Kung pwede lang lumipat ay ginawa ko na!Pero thankful pa rin ako na hindi ko katabi si Lincoln.
"Gusto mo?"pang-aalok ni Ken ng Banana chips.
"Akin na!"hinanggit ko ang inalok niya at kumuha.
"Gutom na gutom?"
Sinamaan ko siya ng tingin habang ngumunguya.
"Hindi, pampatanggal lang ng init ng ulo."inis na sagot ko.
"Saang ulo ba?"nakakalokong tanong niya kaya binatukan siya ni Dirk.
"Bastos mo, gago!"tatawa-tawang sabi ni Dirk.
"Ulo sa baba!"pabalang na sagot ko kaya nagtawanan sila.
Pinagsulat lang kami ng essay at kung ano-ano pang pwedeng isulat dahil hindi makapagturo ng maayos ang mga teacher namin.Malakas kasi ang buhos ng ulan.Paniguradong half day lang kami ngayon.
"Class, attention, please?May announcement ako."
Natahimik ang ilang madadaldal kong kaklase nang magsalita si Ma'am.
"Half day lang ang klase ngayon.Ligpitin n'yo na ang mga gamit ninyo, then diretso na uwi sa bahay, okay?Huwag ng magpagala-gala.By the way, huwag kayong sasayi sa ulan, baka lagnatin pa kayo.Manood rin ng balita para laging updated sa nangyayari sa paligid.That's all, I'll go now."
Sabi na eh at half day!
"Edi wala tayong service?"tanong ko kay Dirk.
"Oo, sumabay na lang tayo kayna Van."anyaya niya habang inaayos ang kaniyang bag.
"Sige, wala rin naman akong kasabay.Si Eva ba, isasabay rin natin?"
"Oo, hintayin mo na lang muna kami dito.Susunduin lang namin siya."
Tumango ako at sumunod sa paglabas nila sa room.
"Ikaw ba, pre?Sasabay ka?"tanong ni Trevor kay Lincoln the kabayo.Nasa hulihan ako kaya nakikita ko sila.
"No, I've brought my car.Kasama ko pauwi si Mama."tipid na sagot niya.
"No, I've brought my car."panggagaya ko sa kaniya kaya napalingon sila.Pinagtaasan ko sila ng kilay.
"Tinitingin-tingin n'yo?"
"Bakit?Masama?"balik-tanong ni Horsie.
"Oo!"
Iwinaksi ko pa ang dulo ng aking buhok bago sila nilampasan.
"Fawti, hintayin mo kami dito ha."bilin ni Van.
Tumango na lamang ako, para naman akong bata kung ituring niya.Susunduin lang naman si Eva may pa-chaperon pa.Magkakasama kasi ang tatlong itlog, sina Dirk, Van, at Trevor.
"Are you mad at me?"napakunot ang noo ko nang biglang magsalita si Horsie.
Hindi ako lumingon.Dalawa lang kami dito kaya malamang ay ako ang kausap niya.
"Paki mo?Duh!"maarteng sagot ko.
"Why?Come on, tell me."
Why daw?
"Kung hindi ka ba naman nakakabwisit edi sana─ "
"Hoy, sinong kausap mo?"
Ang gago naman nito!Malamang siya ang kausap ko!Nilingon ko siya.
BINABASA MO ANG
Taking Chances
General FictionFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...