Chapter 6

79 7 0
                                    

Doon na rin silang lima nag-dinner sa bahay.Tuwang-tuwa sina Lola sa kanila.Oo, sila lang ang natutuwa at hindi ako dahil wala silang ibang ginawa kundi ang mang-bwisit.

"Sa susunod isama n'yo ang boyfriend ni Fawzia ha."bilin ni Lola kaya nagtawanan silang lima.

"Opo, La."nakangising sagot ni Dirk.

Nagmano sila isa-isa kay Lola bago umalis.Kumaway na lang ako sa kanila.




Wala kaming klase buong araw dahil mayroong event sa school.Kasama ko ang limang abnoy patungo sa mini mart sa tapat ng school.Nakakagutom kasi.Mabuti at pinayagan rin kami ng guard.May narinig pa nga akong sinabi ni Trevor na kaibigan daw sila ni Lincoln kaya napapayag.

"Si Lincoln!"turo ni Trevor sa direksyon ni Horsie na mukhang papasok pa lamang.Late na sana siya kung may regular class.

"Tawagin n'yo."

Sumipol si Ken kaya naagaw ang atensyon ni Lincoln.Tumawid siya sa kalsada.Ang gwapo niya talaga.Bagay sa kaniya ang uniform namin.

"Uy!Si Fawti naiinlab na naman kay Lincoln."tukso ni Dirk kaya nagtawanan sila.

"Che!Trip n'yo na naman ako!"

Nauna na akong pumasok sa mini mart bago pa makalapit si Lincoln the Horsie.Namili ako ng chichirya, soft drinks at kung ano-ano pa.Nagpabili rin kasi sina Phoebe.Bitbit ko ang tatlong malalaking plastic na naglalaman ng mga pagkain.

"Nasaan na 'yung mga 'yon?"nagtatakang tanong ko sa aking sarili dahil wala na sina Dirk sa labas ng tindahan.

"Nauna na sa room."

"Ay punyeta!"mura ko nang may nagsalita.

"Lincoln?"nakataas ang kilay na tawag ko.

Inagaw niya ang tatlong plastic sa akin at siya na mismo ang nagbuhat.

"Let's go."

Let's go mo, ulol!Hindi ko na napansing nakatawid na pala siya at tuloy-tuloy ang gago sa paglalakad.Punyeta!Nahiya naman ako!Sana hindi niya na lang ako hinintay, 'no?Ang lagay eh parang 'yung mga pagkain lang ang hinintay niya.Tinangka kong tumawid pero sunod-sunod ang pagdaan ng mga sasakyan.Lumingon si Lincoln sa likuran niya at luminga-linga.Tila nagtataka kung nasaan ako.Kumaway ako para mapansin niya.Nangunot ang kaniyang noo.Tumawid siya pabalik at mabilis na naglakad patungo sa aking pwesto.

"Bakit hindi ka sumunod?!"inis na tanong niya.

"Hello?Iniwan mo kaya ako!"

"Bakit hindi ka tumawid?"

"Hindi ako marunong tumawid, okay na?!"inirapan ko siya at tinalikuran.

"Mauna ka ng pumunta sa room.Ipasundo mo na lang ako kay Dirk o 'di kaya ay kay Ken!"dagdag ko pa.

"Tsk!"

Nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay.

"Huwag kang bibitaw."

Bigla?Chowwws!

Medyo napalapit ako kaya naamoy ko siya.Ang bango niya.Ang lambot pa ng kamay.Pero in fairness, kinikilig ako!Lihim akong napangiti habang naglalakad kami.Ehe ehe holding hands while walking lang ang peg!Kenekeleg telege eke!Hanggang sa makarating kami sa room ay hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ko.Wala rin naman akong balak umalma eh kese nge kenekeleg nge eke!Sinalubong kami ng mga kaklase namin.

"Nice!Dumadamoves na si Fawti!"si Dirk.

"May pa holding hands na sila."segunda ni Gon.

Napabitaw tuloy ako sa hiya.Mga epal sa buhay ko!Inirapan ko sila.

"Fyi, hindi ako ang humawak sa kamay niya, 'no!"proud na sabi ko bago lumabas ng room at magtungo sa cr.

"Kyaaaaah!"sigaw ko habang ngiting-ngiti.

Doon ko na inilabas ang lahat ng kilig ko.Ewan ko pero ang saya sa feeling.Pagkabalik ko sa room ay naupo ako sa upuan ni Trevor.Nasa tabi kasi 'yun ng bintana kaya masarap tumambay.Nakasilip lang ako sa labas ng bintana.Mukhang uulan pa yata dahil makulimlim ang kalangitan.

"Nakatulala ka dyan!"

Napalingon ako nang tumabi sa akin si Stella.Nag-aayos siya ng kaniyang buhok.

"Wala, may iniisip lang."

"Si Lincoln?"hula niya.

Pati ba naman siya?

"Hindi ah!"

"Whatever!Ang ganda ko, 'no?"

Tumango na lang ako.Mabait naman silang lahat.Ang akala ko talaga ay hindi ko sila makakasundo pero don't judge a book by its cover ika nga.Sumandal ako sa upuan ko at pumikit.Matutulog muna ako.Ramdam kong umalis si Stella ngunit ilang minuto pa ay bumalik rin.

"Stella, huwag kang malikot!"reklamo ko habang nakapikit.

Napatigil naman siya sa paggalaw.Maya-maya ay hinawakan niya ang aking ulo at isinandal sa kaniyang balikat.Hmm mas komportable nga.Ano ba 'yan, bakit amoy lalaki siya?Panlalaki ang pabango niya?

"Shhh!Huwag kayong maingay!"

"Kinikilig ako!Tangina, pre nagsisimula na ang lovestory mo!"

"Naks!Ang sweet!"

Mga punyetang 'to ang iingay!Iminulat ko ang isa kong mata at nakita sa harap ang mga impakto!Sina Gon, sino pa ba?Kami ba ni Stella ang tinutukoy nila?Anong nakakakilig sa pagtulog?At isa pa hindi kami talo ni Stella, 'no!

"Si Fawti, enjoy na enjoy."nakangising sabi ni Ken.

"Ulol!"

Itinaas ko ang gitnang daliri ko.Inaantok pa talaga ako.Niyakap ko ang braso ni Stella.Bakit ang laki?Pinisil-pisil ko iyon.Matigas rin!Kababaeng tao may muscle!

Dinig ko ang malakas na tawanan nila kaya iminulat ko na ng tuluyan ang mga mata ko at umalis sa pagkakasandal kay Stella.

"Ang ingay n'yo naman!Ay!Lincoln?!"

Nahulog ako sa kinauupuan nang makitang si Lincoln pala ang sinasandalan ko kanina.Punyeta!Kaya naman pala tuwang-tuwa ang mga gago!

"Ang bigat ng ulo mo."reklamo niya habang inuunat ang kaniyang braso.

"Sino kayang may sabing tumabi ka sa akin at nagpasandal?Ikaw kaya ang gumawa non!"giit ko.

"A simple thank you will do, you know?"masungit na sabi niya kaya umirap ako.

"Welcome."sarkastikong sagot ko kaya napasimangot siya lalo.

"Napakasungit talaga."umiiling na aniya bago tumayo at maglakad palabas.

"Hala ka!"oa na sabat ni Dirk.

"Bakit mo naman kasi inaway?"paninisi pa sa akin ni Gon.

Tinatakot pa ako ng mga hinayupak kaya sinamaan ko sila ngg tingin.Tumayo ako at naupong muli sa upuan.

"Ang akala ko talaga siya si Stella."hindi makapaniwalang sabi ko.

Tumawa si Dirk kaya nilingon ko siya.

"Natutumba ka na kanina kaya tumabi siya sa'yo at isinandal ang ulo mo sa ibabaw ng balikat niya."paliwanag niya.

Nakonsensiya naman ako ng kaunti, mga 1% kaya pasimple akong tumayo at nag-unat-unat.

"Makalabas nga muna para makapagpahangin."parinig ko.

Saan kaya nagpunta si baby?Este si Lincoln?

"May hahanapin ka lang eh."pang-aasar ni Trevor.

"W-wala, 'no!"

"Sus!Ako pa ang niloko mo?Baka nandon 'yun sa Mahogany."

"Ah okay, hindi naman ako interesado."pagkasabi ko non ay tinalikuran ko siya at naglakad na paalis.

"Oy, saan ka pupunta?"pahabol ni Dirk.

"Dyan lang sa tabi-tabi.Huwag ka ngang maraming tanong!"

May hahanapin akong kabayo.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon