Napakunot ang aking noo nang mag-vibrate ang cellphone ko.Hawak ko iyon kaya dama ko ang vibration.Nakatulugan ko nang hawakan dahil nag-review ako kagabi.Hindi naka-register ang number na tumatawag.Nasilip ko rin ang oras at nakitang alas kwatro pa lamang.
"Sino ba 'tong bwisit na 'to?Ang aga-aga pa eh!"nakapikit ang isang mata na sinagot ko ang tawag.
"Hello?Fawzia?"
Hindi ako nagsalita dahil binobosesan ko pa kung sino siya.
"Natutulog ka pa ba?"wika ng isang lalaki.
"Baka nananaginip pa!Sino ka bang punyeta ka?Alam mo bang alas kwatro pa lang?"
Nadinig ko ang pagtawa mula sa kabilang linya.
"Ang aga-aga ang init ng ulo mo.Chill!Si Kinsley 'to."
Bwisit na Kinsley 'to!Ang aga mambulabog!
"Sinong hindi iinit ang ulo eh ang aga-aga pa?Oh, anong meron?Napatawag ka?"tuluyan nang nawala ang antok na nararamdaman ko kaya iminulat ko na ang aking mga mata.
"May gagawin ka ba mamaya?Papasukatan na sana kita ng isusuot mo sa party ni Atticus."
Talaga pinu-push niya akong magpunta ha.Ako ba ang main guest do'n?Wagas makapang-imbita gayong hindi naman siya ang may pa-party!Ang balak ko nga sana ay huwag ng pumunta.Dalawang linggo pa naman bago ganapin ang birthday ni Atticus.
"May pasok ako mamaya pero half day lang, may exam kami."
"That's good, susunduin na lang kita mamaya sa school mo."
"Alam mo ba kung saan?"
"Of course.Bye."aniya bago putulin ang tawag.
Bumangon na lamang ako at bumaba upang magluto ng breakfast.Habang nagpiprito ng itlog ay nagbasa ako ng mga ni-review ko kagabi.Siguro naman makakapasa na ako.Noong nakaraang mga gabi pa kasi ako nagsimulang magsunog ng kilay.
Sa araw na iyon ay apat na subject lang ang tinake namin, Basic Calculus, General Biology, Statistics and Probability, at English for Academic and Professional Purposes.Iyon lang naman.May galit ata ang nag-ayos ng schedule, pagsabay-sabayin ba naman daw kaagad sa isang araw 'yung mga mahihirap.
"Uuwi ka na kaagad?"tanong ni Lincoln nang makita akong nagmamadaling nag-aayos ng mga gamit.Medyo na-late kasi kami ng labas dahil nag-check pa ng mga test paper.Pati sa ibang section pinacheckan sa amin.Grabe!May sama talaga ng loob sa amin si Ma'am.
"Oo, may pupuntahan pa kasi ako eh."nginitian ko siya bago tinalikuran at naglakad papalayo.
Sa parking lot ng school ay iginala ko ang aking paningin.Hindi ko naman makita si Kinsley.Naku!Baka nainip na 'yon at umalis na.Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa at kaagad na idinial ang kaniyang numero.
"Hoy!Nasaan ka na?"bungad ko pagkasagot na pagkasagot niya.
"Maka-hoy ka naman.Nandyan na 'yung sundo mo.Hanapin mo 'yung Mercedes - Benz SLC 300, doon ka sasakay."
Mercedes ano raw?!Brazo de Mercedes lang ang alam ko eh!
"Aba malay ko kung anong hitsura ng kotseng 'yan.Haler!Ang dami kayang sasakyan dito!Duh!"halos umikot ang aking mga mata.
"Convertible car 'yon, then color white."natatawang aniya.
Iginala ko ang aking paningin at napahinto rin nang may matanaw na magandang sasakyan.
"Nakita ko na, wait, papunta na ako dyan."
Nang halos ilang dipa na lamang ang lapit ay napahinto ako nang matanaw ang nakasakay sa driver's seat.Nanlaki ng bahagya ang aking mga mata kasabay ng pagbilis ng tibok ng aking puso.
![](https://img.wattpad.com/cover/260021898-288-k551094.jpg)
BINABASA MO ANG
Taking Chances
Fiksi UmumFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...