Matapos ang klase ay mag-isa akong pumunta sa service.Susunduin pa kasi ni Dirk si Eva, the perks of having a suitor, may tagasundo.Malayo pa lamang ako sa jeep namin ay may huminto ng sasakyan sa tapat ko.Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala ang lalaking bumaba mula sa kotse.
"Law,"
Tila napako ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa kaniya.Limang araw ko rin siyang hindi nakita.May kung anong sumaya sa aking puso.Naglakad siya papalapit sa akin habang nakapamulsa.
"Anong ginagawa mo dito?"kunwaring walang pakialam na tanong ko kahit ang totoo ay marami talaga akong gustong itanong sa kaniya.
"Binibisita ka."
"Hindi naman ako bilanggo para bisitahin."
"Really?Fawzi?Kakauwi ko lang kanina at ito ang ibubungad mo sa akin?Ang pamimilosopo mo?"kunot noong aniya kaya hindi ko na napigilang hindi mapangiti.
"Ano bang gusto mong sabihin ko?Hi, Kuya Law!Ang tagal kitang hindi nakita.Ganoon ba?"
"Kuya?Tss."
"Bakit?Mas matanda ka naman talaga sa akin ah."giit ko.
Inaya niya akong sumama sa kaniya at ako naman itong si babae ay sumama nga.Mukha namang mabait si Law.Dumiretso kami patungo sa kaniyang office at kagaya ng nakaraan ay nagpa-akyat siya ng meryenda para sa akin.Ang bait ni Kuya Law!Choss!Trip ko lang talaga siyang asarin kapag nagku-Kuya ako, at para na rin hindi niya mahalatang crush ko siya.
"Anyway, saan ka ba nanggaling?Bakit ang tagal mong nawala?"
"May ginawa lang."
Ginawa?Super busy ba siya kaya inabot ng five days?
"Nagbakasyon ka siguro kasama ang girlfriend mo."
Pasimpleng tanong kung may girlfriend!Hohoho!
"I have no girlfriend."
"We?Hindi ako naniniwala.Pero kung nagsasabi ka man ng totoo, siguro kaya wala kang girlfriend ay dahil ayaw mo ng commitment."
"What do you think of me?A womanizer?"
Hinarap ko siya at sinimangutan.
"Kailangan ko pa bang sagutin 'yan?At 'di ba sabi ko tagalog lang.Duh!Nasa Pilipinas ka kaya 'wag mo akong ingles-inglesin sa bayan natin, punyeta!"
"Hindi ako nambababae."
"We?Wee?Weeeee?Weeeeeeeee?As in super duper ultra mega weeeeeeeeeeeee?Hindi ako naniniwala."
"Edi 'wag kang maniwala.Nagtanong ka pa kung hindi ka rin naman pala maniniwala."
Ang sungit!
"Biro lang eh!Ang gwapo mo talaga kapag nagsusungit ka."
Inikutan niya ako ng mga mata.Aba at feel na feel naman ng loko, may pag-irap pa!
"Those are for you."
Turo niya sa napakaraming paper bags sa gilid.Nagningning ang mga matang lumapit ako doon.Naupo ako sa sahig at tila batang tiningnan kung ano ang kaniyang mga pasalubong.May damit, sapatos, at kung ano-ano pa.Baka siya talaga si Santa Claus?Kulang na lang ay bigyan niya ako ng laruan.
"Hoy, lalaki!Baka may kapalit 'to ah."
Hindi ako magkanda-ugaga sa pagbubukas dahil napakarami non.Ang yaman talaga ng lokong 'to.Barya-barya lang ito sa mga bilyones niya.Nakakahiya pero sa susunod, makahingi nga ng house and lot.Papakiusapan ko na rin siyang isama ako sa last will and testament niya.Pasalamat siya at mahiyain ako.
"Wala, anong akala mo sa akin?"
Tumayo ako at bumalik sa kinauupuan ko kanina.Abala si Law sa pagbabasa ng kung ano sa hawak na papel.Prenteng nakasandal pa sa kaniyang swivel chair.Boss na boss ang datingan.
"Mabuti naman kung ganoon.Pero hindi ko pa rin matatanggap ang mga pasalubong mo dahil magtatanong ang nanay ko.Baka akalain niya pang may sugar daddy ako."
Nag-angat siya ng mukha at ngayon ay salubong na talaga ang kilay.
"Ganoon na ba ako katanda para sa'yo?Palibhasa ang bata mo pa, tsk!Kapag hindi mo tinanggap ang mga 'yan, itatapon ko lang."
"Huwag!Sayang naman!"nakangusong sabi ko.
"Edi tanggapin mo na lang.Itago mo sa kwarto mo kung hindi mo kayang sabihing galing sa akin."
Edi magtatanong pa rin naman si Mama kung bakit niya ako pinasalabungan?
"Sige, sasabihin ko na lang na bigay ng Kuya Law ko."
"Itigil mo nga ang katatawag sa akin ng kuya."iritadong aniya.
"Edi Ate Law."
"Fawzia!"
"Kalma!Nagjo-joke lang eh!Why so serious, baby?Saan ka pala galing?Ang tagal mong nawala, limang araw din 'yon."
"Russia."
"Anong ginawa mo doon?"
"Nagkape."
Seryoso siya?Iba pala talaga kapag mayaman!Magkakape na lang at lahat ay dumayo pa siya sa ibang bansa.Makalipas ang isang oras ay nag-aya na akong umuwi at kagaya ng dati ay siya ulit ang naghatid sa akin.Pinagtitinginan pa kami ng ilang nadadaanang empleyedo, ang hindi nila alam dakilang utusan at driver ko lang ang boss nila.Binuksan ko ang gate at pinatuloy siya bitbit ang mga paper bags.Hindi ko kasi kayang buhatin kaya siya na lang ang inutusan ko.
"Dyan na lang po sa sala, dahan-dahan lang kasi mahal 'yan.Mas mahal pa sa buhay mo."pagbibiro ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Law.Iginala niya ang tingin niya sa paligid.
"Nasaan ang mga magulang mo?Mag-isa ka lang ba dito?"
"Ah, nasa farm pa sila.Kasama ko sina Mama at Papa, pati na rin 'yung Lola ko."
"Iniiwan ka nilang mag-isa dito?"kunot noong aniya.
"Oo, bukas pa ng madaling araw ang uwi nila.Pero kung minsan naman ay kasama ko si Lola.Hindi niya na keri magtrabaho, sumasama lang talaga kapag kailangan sa negosyo namin."paliwanag ko habang nagsasalin ng juice sa baso.Iniabot ko iyon sa kaniya.Umaalon ang kaniyang lalamunan habang umiinom.Napalunok din tuloy ako ng wala sa oras.Parang nauhaw akong bigla.
"Dahan-dahan lang sa pag-inom, may lason 'yan."
"Bloody hell!Fawzia!"halos masamid siya.
"Choss lang!Umuwi ka na nga.Baka makita ka pa ng mga kapitbahay namin at isipin nila na may ginagawa tayong kung ano.Chismakers pa naman 'yung mga 'yon, baka ichika pa sa Mama at Lola ko."
Napapailing na ibinaba niya ang baso sa mesa.
"I-lock mo ng mabuti ang mga pinto at bintana."
"Papa, ikaw ba 'yan?"
"Hindi ka talaga mapapahinto sa kakulitan mo, 'no?"
"Oo na!Oo na!Alis na!Gusto ko ng mapag-isa.Magsasaing pa ako eh."itinulak-tulak ko siya papalabas ng bahay.Sinamahan ko si Law hanggang sa labas ng gate.
"Ingat ka sa pagda-drive!Tawagan mo ako kapag nakauwi ka na."
Feeling girlfriend yarne, Fawzi?
Tumango siya at sumakay na sa kaniyang kotse.Tinanaw ko muna ang kaniyang papaalis na sasakyan bago muling pumasok sa loob.Napadako ang tingin ko sa mga paper bags sa sala at wala sa sariling napangiti.Kahit matagal siyang nawala ay naisip niya pa rin pala ako.Medyo kinilig ako, mga 49.9% out of 100.

BINABASA MO ANG
Taking Chances
Aktuelle LiteraturFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...