Chapter 40

71 5 1
                                        

Matapos masukatan ay inaya na akong lumabas ni Miss Carla upang makapamili na ako ng disenyo. Ang daming ek ek lavush. Pagkaganiyang gutom na gutom na ako. Oo na lang ako nang oo kahit sa totoo lang ay iniisip ko kung anong ulam namin sa bahay. Gusto ko nang umuwi!

"Ito po ang gusto ko."turo ko doon sa kulay dark red na gown. Hindi ako magaling pagdating sa deskripsyon eh, basta ang sexy niya tingnan kasi may slit.

"Ah-huh, magaling kang pumili. Alam mo bang inspired ang gown na ito sa isinuot ni Jenna Dewan Tatum sa 2018 Vanity Fair Oscar Party?"

Tinulungan niya akong isukat ang gown at nang iharap niya ako sa salamin ay awtomatikong napaawang ang labi ko. In fairness, bagay sa akin. Tumagilid ako at pinasadahan ng haplos ang exposed na hita. Ang sexy ko palang talaga. Ikinipit ko ang kaliwang bahagi ng aking buhok sa likuran ng aking tenga. Oh, pak! Kahit saang anggulo, ang ganda ko!

"Wow! Just wow! It looks great on you, hija!"papuri ni Miss Carla.

"Opo, ito na po ang napili ko. Gusto ko po 'to."nakangiting sabi ko. Napahinto ako sa pagtingin sa aking sarili nang mapansing natahimik siya.

"Bakit po?"

"Maganda sa'yo, bagay na bagay. Ang kaso lang ay baka hindi magustuhan ni Mr. Morozova kapag iyan ang napili mo."bakas ang pag-aalinlangan sa kaniyang boses.

Bakit naman kaya kailangang magustuhan ni Law eh hindi naman siya ang magsusuot?

"Hali ka, ipakita muna natin sa kaniya."inakay niya ako papalabas at binalikan ang pwesto ni Law kanina. Abala siya sa pag-inom sa kape ngunit nang mapagawi ang tingin niya sa amin ay halos mabitawan niya ang hawak na tasa.

"What the hell are you wearing?!"kunot noong aniya at napatayo pa. Napahawak nang mahigpit sa akin si Miss Carla dahil sa pagkabigla.

"Gown?"patanong na sagot ko rin. Salubong ang kilay na pinasadahan niya ako ng tingin.

"Change it."walang ganang naupo siyang muli at nag-iwas ng tingin.

"Ha? Bakit naman? Ang ganda kaya nito! Ito ang gusto ko!"giit ko.

"She's right, Mr. Morozova. Bagay naman po sa kaniya."segunda ni Miss Carla. Nakaawang nang bahagya ang labing nilingon niya kami.

"For goddamn's sake, she's just eighteen, Carla! Wear something decent, Fawzia. Don't test my patience. Don't make me mad."

Napabuga ako nang malalim na paghinga kasabay ng pagsasalubong rin ng aking kilay.

"Have you seen yourself in the mirror? You're almost naked! It is not appropriate for you to wear that kind of gown!"

Naku naman! Bakit kasi kape ang pinainom nila sa kaniya? Ayan tuloy at uminit rin ang ulo! Tanghaling tapat tapos nagkakape? Ano kaya 'yon?

"Calm down, Mr. Morozova. Papalitan na lang po namin."wika ni Miss Carla.

"Hindi! Walang magpapalit. Ito na ang gusto kong isuot at wala ka nang magagawa. Eighteen na ako kaya pwede na!"matapang na saad ko habang nakatitig pa rin ng mariin kay Law.

"Even if you're already eighteen, it doesn't mean you can wear anything you want, child."

Nang-iinis talaga 'tong lalaking 'to!

"Ah, basta! Bahala ka! Sasabihin ko kay Kinsley na pinipigilan mo ako. Hindi naman ikaw ang magsusuot at magbabayad!"banta ko.

"Go ahead."nakangising aniya at sumandal pa sa kinauupuan. Sa sobrang inis ko ay iniwan ko na siya doon. Sumunod sa akin si Miss Carla na tinulungan akong hubarin ang kasuotan. Imbis na mag-try pa ng iba ay isinuot ko na muli ang uniform ko.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon