"Kanino mo nalaman ang tungkol sa bagay na 'yan?"seryoso ang kaniyang boses at halata ang galit sa mga mata."Kinausap ka ba ni Hannah?Sinabi niya ba sa'yong buntis siya at ako ang ama?"
"May nangyari ba sa inyo?"balik tanong ko dahilan upang matigilan siyang muli.Napangiti ako nang hindi siya makasagot.Ang ibig sabihin lang non ay meron nga.
"Oo, tama ka.Nilapitan nga ako ni Hannah.Humingi siya ng tawad kasi ang akala niya mahal rin kita at may relasyon tayo.Pero sinabi ko ang totoo, sinabi kong walang namamagitan sa atin."
"Fawzia..."
"Bakit, Lincoln?Iyon naman ang totoo, hindi ba?"
Halata sa ekspresyon niyang hindi niya alam kung ano ang gagawin.Pumikit siya ng mariin at napahilot sa sintido.Nakatingin lamang ako habang hinihintay ang kaniyang susunod na sasabihin.
"Totoong may nangyari sa amin ni Hannah."pag-amin niya.
"Nakita ko siyang umiiyak kanina.Huwag mong sabihing tinanggihan mo siya?"
"I didn't.Nabigla lang ako, pero hindi ko 'yon ginawa.Hindi ko siya makakayang tanggihan at ang bata sa sinapupunan niya dahil alam kong ako nga ang ama.Ako ang ....... ako ang una niyang naging karanasan."
"Ano ng balak mo ngayon?Magsasama na ba kayo?"
"Hindi, kaya kong akuin ang responsibilidad ko kahit hindi kami magsama.Mahal ko si Hannah pero hindi sa paraang nagugustuhan ko siya bilang isang babae.May mahal na akong iba at alam mo kung sino ang tinutukoy ko."
"Wala ka ng pag-asa sa kaniya, Lincoln."huminga ako ng malalim."Mas mabuti kung aakuin mo ng buo ang responsibilidad mo sa bata at kay Hannah.Maaaring hindi mo pa siya mahal ngayon pero matututunan mo rin pagdating ng araw.Kausapin mo siya, alam kong alam mo ring hindi lang bilang kaibigan ang nararamdaman niya para sa'yo.Kung maaari sana ay pakasalan mo si Hannah kapag nasa tamang edad na kayo at may sapat ng pera para bumukod."
"Pero ikaw lang ang babaeng gusto kong pakasalan at makasama habang buhay."tumulo ang luha sa mga mata ni Lincoln.
Ayoko siyang masaktan pero hindi pwedeng mangyari ang gusto niya.Malabong mangyari iyon, sobrang labo.
"Nabanggit mo sa akin noon na broken family kayo.Ayokong ipaalala pero makakaya mo bang danasin ng anak mo ang dinanas mo noon?Gusto mo bang magaya siya sa'yo?Malayo ang loob sa sarili niyang ama?Ganoon ba ang gusto mong mangyari?"
Namutawi muli ang katahimikan sa aming dalawa.Tanging pag-ihip lamang ng hangin at pagpagaspas ng mga dahon ng mga puno sa paligid ang maririnig.Nakasandal kaming pareho ni Lincoln sa kaniyang sasakyan habang nakatanaw sa kawalan.
"Gagawin ko para sa'yo.Aakuin ko ang responsibilidad ko at pakakasalan ko si Hannah.Gusto ko lang ipaalam sa'yo na hindi ko 'to ginusto.Labag sa kalooban ko ang pasya ko."tila hirap na hirap siyang sambitin ang mga salitang iyon.
"Huwag mong gawin para sa akin, gawin mo para sa'yo at sa mag-ina mo.Hindi naman ako aalis, hindi kita iiwasan dahil magkaibigan pa rin tayo.Nandito pa rin naman ako."
Naramdaman kong hinawakan niya ang aking kaliwang kamay kaya nilingon ko siya.Mula sa kaniyang pisngi ay dinala niya ang aking palad sa tapat ng kaniyang dibdib, sa may bandang puso.
"Lincoln,"
"Pero hindi ko maipapangakong mapapalitan ka niya dito."
Sa eksena namin ngayon ay halos dinaig pa namin ang magkasintahang nagkahiwalay.Pero nakahinga ako nang maluwag dahil kahit papaano ay nakumbinsi ko siya.Sana naman ay maging maayos na ang relasyon nila ni Hannah.Hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay ay wala ni isa ang nagsalita sa amin.Kinalas ko ang seatbelt ko at handa na sana sa pagbaba nang pigilan ako ni Lincoln.
"Bakit?"puno ng pagtatakang tanong ko.
"Bakit parang hindi ka nagulat kanina noong sinabi kong kapatid ko si Law?"kunot noong tanong niya.
"Ah, iyon ba?Huwag ka sanang magagalit sa akin pero nabanggit na kasi sa akin ni Law ang tungkol sa bagay na 'yan noong huli naming pagkikita."
"Ganoon ba?"
Tamad siyang sumandal sa kaniyang kinauupuan habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa akin.Hindi ako nag-uusisa kung bakit sila magkaaway dahil wala naman ako sa posisyon para gawin iyon.Hindi naman ako ganon kachismosa, slight lang.Beri-beri light lang, ganern.
"Oo, aalis na ako.Thanks sa paghatid.Ingat ka.Huwag mong kalilimutan 'yung bilin ko ah.Kausapin mo si Tita Loren, pati na rin si Hannah at ang pamilya niya."
"Ewan, kinakabahan ako.Baka mapatay ako ni Mama kapag nalaman niya.Mas natatakot pa ako sa magiging reaksiyon niya kaysa sa mga magulang ni Hannah."
Natawa ako sa kaniyang sinabi at pabirong hinampas ang kaniyang braso.
"Ulol!Kaya mo 'yan!Nakaya mo ngang gumawa ng bata eh!"
"Fawzia!Tsk!Bumaba ka na nga!"kunot noong aniya kaya tatawa-tawa akong bumaba mula sa kaniyang kotse.
Tinanaw ko ang kaniyang sasakyan hanggang sa tuluyan na siyang makalayo.Haays, Lincoln, isang malaking goodluck para sa'yo.Bakit naman kasi napakapupusok ng mga kabataan ngayon.Pero kung sa bagay, naging medyo maharot rin naman ako, sa maling tao nga lang.Hindi bale, sa susunod hinding hindi ko na talaga uulitin ang mga ginawa kong pag-amin noon kay Law.
Pagsapit ng sabado ay nagpasya akong mamasyal nang mag-isa.Busy pa rin kasi sina Lola sa farm kaya hindi ko sila maisama.Isa pa, feel ko ring mapag-isa ngayon dahil trip ko lang magpaka-loner.Nang makaramdam ng gutom ay pumasok ako sa nadaanang fastfood at umorder ng pagkain.Deserve ko naman 'to dahil ilang araw na akong stress kay Lincoln.Nakatikim lang naman siya ng mag-asawang sampal mula sa kaniyang ina at suntok mula sa ama ni Hannah.Hindi tuloy siya nakapasok ng ilang araw dahil abala siya sa pagresolba ng kaniyang problema, ganoon rin si Hannah.
Medyo kumakalat na rin sa school ang issue tungkol sa kanila ngunit wala namang naglalakas ng loob na magsabi ng mga masasamang salita dahil mula rin sa kilalang pamilya ang pinagmulan ni Hannah.I wonder kung may alam na ba si Law na nakabuntis ang kapatid niya.May pa-watch me fall for your brother pa naman ako.Tsk!Tsk!Papaano na ngayon?
"Pwedeng makiupo?"
Napahinto ako sa pagkain nang may lalaking naupo sa aking tapat.Istorbo, kitang nagmo-moment ako dito tapos bigla siyang lalapit?Bastusan?
"Nakaupo ka na, may magagawa pa ba ako?"nakasimangot na sabi ko kay Kuya Kinsley.
"Syempre, wala na."nakangising aniya.
___________________________________
Another boring day, so here's the update!Good night and sweet dreams!:>
BINABASA MO ANG
Taking Chances
Fiksi UmumFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...