Part139: Hesitations.. (Puta.. Mapupurnada pa ata..)

793 7 2
                                    

4:00 PM. Sa Football field pa rin.

Kumalas na kami sa bleachers at nagsibalik sa class room.

Hindi na ako magpapalit ng uniform. Uuwi na lang akong naka PE gear. As usual, same eyes around me.

Hatred.


Disapproval.

Hindi na bago sa akin yan. Basta ang alam ko, may silent joy ako deep in my heart dahil nagawa kong i complete ang full circle ng mga pangyayari sa buhay ko just recently.

Life is a full circle and what goes around.. comes around.

Karma.

Nagkataon lang na ako ang naging dahilan ng Karma nila.

Ang masamang ginawa mo sa kapwa mo. Hindi man eksakto.


..siguradong babalik sa iyo.

Wala akong pakialam na iniwan ko ang mga matatalim na tingin. Dinampot ko ang aking gym bag at may nakakalokong ngiti na lumabas ng class room.

Nasalubong ko sa hallway si Rosales at ang ilang tropa nya. Ang aking palihim na ngiti ay naging nakakalokong ngisi na labas ang ngipin.

Saglit akong nakipagtitigan sa kanila.

Umiwas ng tingin si Rosales pero patuloy pa rin ang iba.

Naglakad ako palayo. Iniwas ko na ang tingin ko pero ipinagpatuloy ko ang dahang dahang lakad pasalubong sa kanila. Nang makalampas ay nagsalita ako.

"Panay tingin eh. Sapak kung sasapak.."

Saglit akong huminto at tumayo ng nakatalikod sa kanila. Hinintay ko kung may sasapak sa likod ko or sa batok ko.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon