Part 77: Prepping up for tomorrow!

1.2K 9 2
                                    

9:00 PM. Alam na this.

RRRRRRRIIIIIINNNNNGGG

"Hello loverboy!" masiglang bati sa akin ni Margaux.

"Hello love ko.. ayos ah. high spirits ah." bati ko sa kanya.

"Siyempre naman! para kaya akong nabunutan ng tinik sa dibdib?" masigla nyang wika.

"Kumain ka na ba love ko?" ask ko sa kanya.

"Hindi ba nag dinner na tayo kanina sa breakwater?" 

"Dinner na yun? Merienda lang yun." sagot ko naman.

"Ahh. hindi, okay na ako dun." wika naman nya.

Umayos ako ng higa sa kama.

"wala bang any unusal reactions ang parents mo?" ask ko sa kanya.

"Wala naman.. actually they were glad na maaga raw ako umuwi ng friday. tinanong nila ako kung ano raw ang nakain ko.. hihihihi.."

"Anong sabi mo?"

"E di yung usual na sinasabi mo.." sagot nya sa akin

(Huh?!)

(Anong sinasabi nito..?)

"Barbeque!! hihihihi!!" tugon nya.

(amf..)

(hindi ko sinasabi yun!)

"Buti naniwala." sagot ko sa kanya.kahit hindi ko na gets yung pinupunto nya.

natawa siya sa akin.

"Ano ka ba? siyempre may follow up pa!"

"Follow up?" curious kong ask

"Sabi ko sa kanila.. bawi ko yun for the overnight. I told them na pa good shot, para nakaka ulet.. tawa lang ng tawa si Daddy.." wika nya.

(Ahh.. eto yung lagi kong sinasabi..)

(gets ko na..)

"Ahhh... effective naman di ba?" ask ko sa kanya.

"yeah.. for once ako naman ang may napulot sa iyo." malambing nyang wika.

(Oo nga ano?)

(Bago yun..)

"Meron pa." banat ko sa kanya.

"Huh? Ano pa?" naguguluhan nyang tanong.

"Natatandaan mo? Nag fuck you sign ka kina Marie nung nag iinuman tayo kina Bogart." sabi ko.

"Ayyyy! ginawa ko ba yun?" parang hindi nya makapaniwalang tanong.

"yeah.." sagot ko naman.

"Geee.. Nakakahiya.." wika nya.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon