Lunch time:
Sa Jolli-bilog ako kumakain ngayon. Sizzling Porkchop with gravy, Java rice, mixed veggies na side dish at isang baso ng Fanta Grapes ang lunch ko.Tulala akong nakatingin sa porkchop habang malalim na nag iisip.
(Bukas na iyon..)
(Wala pa akong disguise..)
(Ano isusuot ko?)
(Saan ako magpapalit ng damit?)
(Paano kung may makakita sa aking nakatambay ng tindahan?)
(anong sasabihin ko?)(Worse?)
(Paano kung may kapwa bosconian na maka spot sa akin, magsabi sa adviser at ipatawag si mader?)
(kaso na naman ako nun.)
Hiniwa ko ang porkchop, idinaan sa gravy, isinubo sabay sa kanin.
(Pero hindi pwedeng hindi mangyayari ito..)
(matagal na naming plano to.)
(..at hindi ako bumabali ng pangako.)
Uminom ako ng Fanta Grapes at iginala ang mata ko sa paligid.
(Puro white and blue.)
(Wala akong ibang nakikita kundi school uniform..)Napansin ko sa bandang bookstore si Baklang Hari, si Rosales at ilang tropahan nila.
BINABASA MO ANG
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)
Roman pour AdolescentsI dedicate this book to the 90's teens. Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of the young me 18 years back.. my high school story.. A misfit of my time, looking for answers my young heart has always wanted...