Part 80: Antipolo ODDventures! Set up na natin!

1.3K 6 0
                                    

Saglit lang at nakarating na sa Villa Cristina ang mga tricycle namin.

Hmm. mabango ang hangin, halo ng samyo ng morning dew at parang fresh cut na grass. At 9:30 AM, hindi kainitan ang araw at malamig ang dampi ng hangin sa balat.. gawa na rin ng elevation ng lugar.

"We're here!!" malakas na wika ni Brenda matapos bumaba mula sa pagkakasakay sa likod ng tricycle driver.

Binayaran ko ang driver at lumabas na kami ni Margaux. 

Ilang saglit pa, kasunod na namin ang tricycle nila Bogart.

"Lets go guys!" excited na wika ni Brenda.

"Bes! Hintayin mo ako!" sigaw ni Kikay sa syota.

(Bes..)

(Bhe kamo..)

(ulul!)

(batuhin kita ng baso e. makita mo.)

 "Let's go love ko?" yaya ko kay Margaux.

"Let's make this happen! hihihihi.." malambing nyang tugon.

At tuluyan na kaming umakyat papasok ng resort.

Hindi pa ito kasing developed katulad ng sa ngayon sa panahong ito. Sa ngayon, Cristina Villas na ang pangalan nito. 

Kinausap ni Brenda ang caretaker sa entrance.

"Anim po." panimula nya.

"Overnight po ba? Kukuha kayo ng kwarto?" tanong nung caretaker.

Lumingon sa amin si Brenda.

"Uuwi rin tayo ng hapon." wika ni Bogart.

Bumaling siya sa caretaker.

"Cottage na lang po. Whole day lang po kami."

"100 ang entrance, at 500 ang cottage. Anim kayo. 1100 lahat." kwenta ng caretaker.

"Pitch in." wika ni Brenda.

Nag abot kami ng pera kay Brenda at nabuo namin ang hinihinging halaga. Iniabot nya ito sa caretaker.

"Pasok na po kayo. Pili na po kayo ng cottage at kayo lang ang tao dito ngayon." wika ng caretaker.

(Kami lang ang tao?)

Sinipat ko ang perimeter.

(I'm sure maraming pwedeng "spot" dito..)

(Hmmm.. pwedeee..)

Nagtuloy kami sa loob at pumili ng cottage malapit sa pool at gilid nito ay may overlooking na view.

"Ayos na dito." wika ni Vanessa sabay lapag ng bag.

"Kuya, may mga ihawan po ba kayo dito?" ask ko sa caretaker.

"oo.. dadalhin ko na lang malapit sa cottage nyo." sagot ng caretaker.

"Uhm.. saan po pwede mag luto?" ask ni Margaux.

"Luto?" paninigurado ng caretaker.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon