Naghihilod pa ako at nasa kasarapan ng paliligo ng may marinig akong tinig mula sa labas ng shower room.
"Love ko?"
Boses ni Margaux.
"Yeah?" sagot ko naman.
"Dala ko na mga pampalit mo, you had forgotten to bring it when you came in kanina." wika naman nya.
Lumabas ako ng bahagya sa bandang pintuan ng shower room to get my clothes.
"Thanks love ko.."
Kumindat lang ang chinita at bumalik na sa cottage.
Matapos magbihis at bumalik na rin ako sa cottage. Napansin kong wala si Ness doon.
"Asan ang maingay? wala ata?" ask ko sa kanilang lahat.
"Ang tagal nga sa shower room." wika ni Brenda.
("It's a girl thing!)
Muli kong naalala ang sinabi nya kanina.
Isama mo pa ang mapulang marka sa pagitan ng hita nya kanina..
"Hmm.. Marie?" wika ko.
"Maverick?" sagot naman nya.
"Parang.. hinahanap ka nya kanina bago kayo nagshower ni kuya. sundan mo kaya?" ask ko sa kanya.
"Hinahanap ako? hmm bakit kaya?" counter question ni Marie
"Ako na pupunta." wika naman ni Brenda.
"Oo silipin mo at baka nalunod na sa toilet bowl yun. heheheeh!!" natatawa kong wika.
"Ikaw talaga ang mean mo kay Ness!" natatawang wika ni Margaux.
iling lang ako inilagay ang trunks ko sa plastic at isinilid na ito sa bag.
Umalis na si Brenda at tinungo ang shower room.
______________
"Labas muna ako saglit." wika ni Brenda pagbalik sa cottage namin.
"Bakit? Ano nangyari kay Ness?" ask ni Marie.
"Inabot ng dalaw. ibibili ko muna." blankong wika ni Brenda.
"Ah. Okay." sabat ni Margaux.
Handang handa na kami sa paglisan. Naka pack na lahat gamit. Inayos na rin ni Bogart ang bag ng kapatid at ipinaglabas nya na ito ng plastic bag.
"Magkakalas tayo pagdating ng Edsa Maverick. Kelangan ko nang ihatid si Marie sa kanila. Sunday na bukas dadating na si Mama." wika ni Bogart.
"Yeah, taxi na kami ni Margaux mula Edsa Central." wika ko naman.
"Dun lang sa kanto love ko huh." bilin ni Margaux.
"Okay po." sagot ko naman.
Ilang saglit pa ay bumalik na si Brenda. Hindi na ito dumaan pa ng cottage at nag tuloy tuloy na sa shower room.
Makalipas ang ilang munito ay nakabalik na ito kasama si Kikay.
BINABASA MO ANG
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)
Teen FictionI dedicate this book to the 90's teens. Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of the young me 18 years back.. my high school story.. A misfit of my time, looking for answers my young heart has always wanted...