E di yun na nga. nag momoment ako sa terrace . Pinapanuod ko ang kasiyahan at kantahan ng aking mga tropang teenagers.
Yosi at kape.
perfect combination.
nakakarelax..
napagisip-isip ko na naman..
(Hindi ba nabibigla ang bawat pangyayari sa buhay ko?)
(Kung tutuusin, di ba dapat nakatambay rin ako kasama nila?)
(pero ako, andito sa taas naghihintay ng oras dahil may obligasyon na.)
narinig ko ang boses ni Margaux nun unang araw na naging kami.
(Hindi na sarili mo lang ang iisipin mo from now on..)
tama naman siya.
Hindi lang ako makapaniwala kung paano naging mabilis sa akin ang pagdating ng bawat karanasan.
(Normal pa ba talaga ako?)
(O sadyang pinaglalaruan lang ako ng panahon?)
(Eto ba talaga ang tamang panahon para seryosohin ang isang relasyon?)
(Technically.. hindi.)
(Pero baket parang ang seryoso na masyado ng relasyon ko kay Margaux?)
muli kong narinig ang boses ni Margaux
(Ang importante.. ay ang ngayon..)
kumamot ako ng ulo.
"Maverick.. masyado kang nag iisip.." nasabi ko sa sarili ko.
humigop ako ng kape at humihit ng yosi..
Hindi na ako bata.
siguro sa itsura.
pero hindi na sa karanasan....
___________________
naudlot ang pagiisip ko sa ring ng phone.
"RRRIIIIIINNNNNNNNNGGGGGG"
Ang oras ay 8:15. hindi yan para sa akin. baka kay ermatz.
dedma.
"RRRIIIIIINNNNNNNNNGGGGGG"
baka tulog na si ermatz. sagutin ko na nga. ang ingay e.
makikita pa ni Mader na nakikipag telebabad ako.
dinampot ko ang handset.
"Maverick here."
"Rina." wika ng babae sa kabilang line.
"Oi! balita? napatawag ka ata?"
"May narinig kasi akong bago, hindi ko lang sure kung totoo.. baka alam mo?"
"Anung bago yan?" ask ko naman.
"Naglalaro kasi ako ng Megaman X right now. narinig ko sa ilang friends na may "Hadouken" skill daw si X. totoo kaya to? tinawagan kita kasi gamer ka din.. i'm thinking na baka alam mo." sagot naman nya.
(Alam ko yun!)
(Kahit wala akong SNES, alam ko yun!)
(Ganyan ang nagagawa ng pagbabasa :D )
(Wala pang internet para mag search nung panahon na yun.)
(Nabasa ko yun sa isang open na game magazine sa Filbars!)
BINABASA MO ANG
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)
Teen FictionI dedicate this book to the 90's teens. Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of the young me 18 years back.. my high school story.. A misfit of my time, looking for answers my young heart has always wanted...