Part 127: The Midweek Party.. A Dance Group?!

672 9 0
                                    

"Wazzup mga tropa." bati ko sa kanila sabay apir sa mga andun na.


"Yun! Dumating ka rin!!" panimula ni Marlon.


"Musta dre? Hindi rin tayo nakumpleto wala si Bernard e." wika naman ni Robert.


"Eto, tumakas rin lang ako sa amin."  sagot ko kay Robert.


"Paano ka nakatakas?" ask naman ni Marcus.


Nagkamot ako ng ulo.

"Para-paraan din minsan.." natatawa kong wika.

(Nilason mo si Mader gago!) sigaw ni konsensya sa isip ko.

(Whatever..) sagot ko sa isip ko.

"Hi Maverick.."

Nilingon ko ang tinig.

"Hi Cindy!" masigla kong wika.


Siyempre katabi nya si Daniel.

"Tol.." wika nyang naka smile pa sabay apir sa akin.

Tiningnan ko si Daniel.

May kakaibang confidence ang kanyang ngiti. Ibang iba sa Daniel na typical kong nakikita. Pansin ko rin na talagang puro hip-hop ang get up nila, kahit nagbabanda kami.

"Colorum." natatawa ko ring apir sa kanya.

Author's note:

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon