Part 4: The phone call that started it all..

2.9K 15 3
                                    

9 PM. Friday

Naglalaro ako ng Megaman 7 sa aking classic na family computer sa aking kwarto. Wala e. kahit uso na ang Super FamiCom (Super NES) e mas gusto ko pa rin ang mga old school na games.

"rrriiiiiiiiinnngggggggg" tumunog ang aking extension phone sa kwarto.

"naknamputsa naman oh, nasa kasarapan ng laro eh"  dinampot ko ang handset at sinabing
"Maverick here."

"Gee.. Bedroom voice ka pala.. It's Margaux"

"Margaux? uhm hindi ko naman nibigay ang number ko ah. alam ko e ako ang kumuha ng number mo ah?" nalilito kong tanong.

"Nagtanong ako kay Bogart. So.. ayaw mo akong kausap?" imik ni Margaux sa kabilang linya.

"Hindi naman sa ganun, nagulat lang ako. tara usap tayo."

"uhm mav? bakit hindi ka na tumawag last night?"

"napagod na ako, naka tulog agad ako.."

"ganun ba?"

"yeah.."

"kumain ka na ba?" ask sakin ni Margaux

Nagtaka naman ako. kahapon lang kami nagka kilala. bakit parang nag aalala kaagad siya. nabasa ko ang move set nya. palagay ko, binibigyan na naman ako nito ng tip kung anu dapat ang gagawin ko.

sinakyan ko ang mga hirit nya.


"Yeah.. ikaw ba nag dinner ka na ba?" ask ko.

"yeah.." sagot nya.


"Anu ginagawa mo ngayon?" ask ko sa kanya.

"malamang kausap ka?" sarcastic nyang wika

"I mean, bukod dun?"


"Soundtrip.."


Pinakinggan kong mabuti ang background music nya.. sinundan ko ng kanta.


introvoys.

Kumanta ako over the phone..


".. so i tried to forget about it but this feeling always remained.. tell me will i ever survive? stop these tears and keep it inside.. holding back myself from being close to you.."


"Maverick? grabe naman.. bukod sa bedroom voice, may singing voice ka pa? kaka inlove naman.." sabi ng babae sa kabilang linya.


napatigil ako.

"Seryoso ba yung statement na yan, or inuuto mo lang ang bata?" ask ko sa kanya.

"Swear! I like it! nag baband ka ba?" sagot naman nya.

"yeah.. vocalist. katuwaang band lang.." umayos ako ng pagkakahiga.

"maiba tayo Maverick.. i called tonight to check on you dahil hindi ka na tumawag kagabi. baka kasi napaano ka na."

"Margaux, hindi ko alam ang sasabihin ko.."

"nakaka offend naman, here I am caring for you tapos sinusupladuhan mo ako"

"its not pagsusuplado. this feeling kasi. it feels.. unusual.. it feels good. special. ewan."

"natural yan. lalake ka e, and a girl DOES care for you."

naitanong ko sa kanya..

"ok lang ba na ganito nararamdaman ko? para nakaka ilang na ewan e"

"there's a lot you have to learn. i can figure out that much."

"hindi pa nga ako nagkaka GF di ba?" sagot ko sa kanya


sandaling katahimikan. maya-maya e nagsalita siya.


"Maverick. seryosong question."

"anu yun?"

"Maganda ba ako Maverick?"

nabigla ako sa tanong. pero by instinct, mabilis akong sumagot.

"Uu naman."

"Girlfriend material ba ako Mav?"

"Uu naman, ang lambing mo kaya."

"Maverick. makinig kang mabuti. from now on. girlfriend mo na ako."

Blag! nahulog ako sa kama sa sinabi nya.

"HAA?! (aray ko po..) GIRLFRIEND?"

"Ayaw mo ba?"

"Anu ka ba siyempre gusto ko!”

“Dont get excited. PIVOT Girlfriend lang Maverick..”

“Kainis naman... Anu yun?” nalilito kong tanong.

“Ganito ha. Palalabasin nating GF mo na ako. ituturo ko sayo lahat ng kelangan mong malaman tungkol sa pagkakaroon ng GF, paano ang paghahandle sa mga situational scenarios.”

“So parang niloloko ko ang sarili ko. ganun?”

“Sa harap nila, hindi nila mahahalata. pag tayong dalawa na lang, sasabihin ko ang tama at mali mong ginawa. eventally masasanay ka na and things will go naturally from there.”

“Anu purpose nun?”

“para pag dumiskarte ka na talaga ng babaeng gusto mo, marunong ka na. basta ang plano, sa huli, may break up tayo ipapakita sa kanila”
“Papaano?”

“pag nakita mo na yung babaeng gusto mo, liligawan mo siya at pag naging syota mo na siya, mag be break tayo. kunwari nag away tayo and then boom! tapos di ba?”


(uu nga ano? pwedeeeeee..!)


“Ayos yan.. sige game ako jan”

“So.. anu tawagan natin?” ask nya sakin.

“uhmm.. no idea.. anu nga maganda?”

“love ko.” malambing nyang tugon.

“Fine. love ko. not bad”

“say it with feelings naman! anu ka ba? nakakainis ka naman e..” naiinis nyang sabi.

“Margaux.. love ko..” medyo low tone ang ginamit ko para bedroom voice lalo ang dating.

“Ayieeeeeeeeeeeee.. how sweet! ganyan! kinikilig ako sa voice mo Maverick..”

"Baka magkatotoo yan. pabor ko yan.. haha.." natatawa kong sabi.

"Feeling mo naman ano? its getting late na. sleep ka na love ko" malambing na wika ni Margaux.

"Okay po. good night love ko..."

"bye na."

hindi siya sumasagot.

"Bye na." sabi ko ulet.

"Maverick. wala man lang bang i love you?"

uu nga pala. "syota" ko na nga pala siya.

(Pero kelangan ba talagang sabihin ang salitang "i love you.." kahit hindi natin mini mean?)

(fine.. its worth a shot..)

"Good night love ko. i love you.."

"i love you too.. hugs and kisses!"

Naghang up na kami ng phone. pinatay ko na ang TV at family computer. sa dilim ng kwarto, mulat na mulat ang mata ko.


mixed emotions e. kumakabog ang dibdib ko, napapangiti ako.

"Love ko.."

"May GF na ako.."

"Si Margaux.."


Pumikit akong nakangiti. May kakaibang sarap sa pakiramdam at isipan. Pakiramdam ko binata na talaga ako. pakiramdam ko, kasing gwapo ko si Patrick Garcia ng mga panahon na iyon.

masaya ako.

kahit alam kong niloloko ko ang sarili ko..

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon