Part 17: Ang Awit ng Kabataan..

2.3K 8 2
                                    

7:30 na ako nakauwi. typical time na uwian ko so walang duda si Mader. 

Nag iwan ako ng message sa beeper ni Margaux:

"Got home safely. rest well. i love you.. - Maverick"

Kumain lang ako ng dinner, nagbihis pambahay at muling lumabas ng bahay. nakita ko ang ilang neighborhood friends na nag kukumpulan.

"yun na pala ang Man-of-the-hour eh" sabi ni Carlo.

(Man of the hour.)

(Pota. napag chismisan ata ako.)

"Anu na naman yan? May Man of the hour ka pang nalalaman?" nakitambay ako sa tumpukan ng mga neighborhood teenagers.

"Totoo bang hinatid mo sa school si Kimberly?" ask ni Edwin.

"Yeah. no use denying it." sagot ko naman.

"hinatid mo hanggang school?" ask naman ni Robert.

(parang trap yung tanong na yun. dudero ako. hindi ako madaling magtiwala.)

"No, the story is, nakasabay ko lang siya sa jeep. Den ipinara ko siya ng taxi at pumasok siya mag isa."

"Ahhh so pumasok pala mag isa si Ate Kim" Si Bernard ang nagsalita.

(Sabi ko na e. trap yun. malamang isusumbong ako sa Daddy ni Kim kung nag kiss and tell ako na naihatid ko nga sa school)

"Yeah, gustuhin ko man, e ako naman ma le late." sagot ko.

"Kasi may mga nakakita sa inyo e. magkasabay daw kayo sa jeep." wika ni Carlo.

"What's the big deal ba? Magkaibigan kami ni Kimberly.. mukhang need nya ng tulong and I'm sure kung kayo ang nasa lugar ko nung araw na iyon, gagawin nyo rin yun!" napipikon kong sagot.

"Tol, easy lang.. nagtatanong lang naman kami.." wika ni Edwin.

"may girlfriend ako. kung naiinis kayong naka pag moveset ako kay Kim, sa inyo na siya, dumiskarte kayo ng sa inyo,  labas ako jan." asar kong sagot.

“labas talaga ako jan, pinsan ko yun e.” pambabara sa akin ni Bernard.

natahimik sila.

"Ikaw pa lang kasi ang nakalapit sa kanya.. hindi lang kami sanay.. e hindi ka naman nagka syota dito sa neighborhood.. teka! girlfriend tol??!" nabiglang wika naman ni Marlon.

"girlfriend. you heard me right." blanko kong sagot.

"Seryoso tol? as in SYOTA? May SYOTA ka na?" ask ni Robert.

(You have no idea. hindi na ako bata. naranasan ko na ang pakiramdam ng may syota, both emotionally and PHYSICALLY.)

(kanina lang.. nakipag sex na ako sa girlfriend ko.)

(Sex.)

(taon pa ang bibilangin nyo bago nyo pa maranasan to.)

(nauna na ako sa inyo.)

“Oo nga! sa magpakita ako ng picture, hindi rin naman kayo maniniwala.” asar kong sagot.

“Hindi talaga. pauso ka e.” pang aasar ni Carlo.

(Kaya naman wala akong masyadong makasundo sa mga kaedadan ko e. Masyado akong advance para sa inyo. magsipagjakol kayo.)

“Wala akong dapat i explain mga tolz. makikilala nyo sya sa foundation day.” blanko kong sagot.

“Sige na. may syota na kung may syota. saka na ako maniniwala kung makikilala ko na” wika naman ni Marcus.

(nakakabwiset amf.)

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon