Part 74: C'est La Vie!

1.2K 7 0
                                    

Food trip na naman!

I'm sure na if nakapunta na kayo ng Rizal Park, makikita nyo agad yung parang resto na nag seserve ng barbeque sa left side along ng breakwater mismo.

dun kami chumibog.

"I am so relieved sa mga pangyayari ngayon.. and thank you guys dahil nandito tayo ngayon. wala lang... ang sarap lang mag smile.." wika ni Margaux.

(wala akong pakialam.. kumakain ako.)

"Hindi pa talaga time sis.. mabait si God sa inyo ni Mav." wika ni Marie.

lumaki ang ngiti ni chinita.

"Yeah..!" matipid nyang wika.

"Panay ka kain e. sundutan natin ng panulak yan!" wika ni Bogart sa akin.

hindi na siya naghintay pa ng isasagot ko.

"Boss!! dalawa nga pong red horse!" tawag nya sa waiter.

"Okay po!" sagot naman ng waiter.

"Ayaw ko uminom! amf!" sagot ko sa kanya.

"Too late! celebration bunso! Lets drink up to that!" wika nya.

(Oh well.. anjan na e.)

ilang saglit pa e dumating na ang waiter dala ang dalawang redhorse at isang bucket ng yelo.

"Hey.. May Cali Shandy kayo?" habol ni Margaux sa waiter.

"Opo Ma'am" sagot naman ng waiter.

"Cali Shandy?" skeptic kong ask.

"Non alcoholic.. ayaw ko muna ng may alcohol and tama si Bogart.."

"..lets all drink to this!" masigla nyang wika.

umayos ng upo si Marie.

"I agree sis! Waiter.. Q shandy naman sa akin. Yung silver."

(Q Shandy. Silver)

(Mas masarap to..)

(Mas sophisticated nga si Marie kay Margaux..)

naglagay ako ng ice sa baso at pinuno ko to ng malamig na red horse.

"Love ko? Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" ask ko kay Margaux.

"Love ko it's a friday. My parents knows na i'll be late, but not later than 11 PM." sagot nya.

"Ah okay.. nag aalala lang ako dahil may lakad pa tayo bukas. baka ma badshot ka."

natawa siya.

"Ikaw ba love ko? anong oras ang curfew mo?"

(what a question.)

(amf.)

"8 PM love ko.." nagkakamot kong wika.

Natawa silang lahat.

"Bwahahahahaha!! 8 PM amputa! hahahah!! totoy!!" wika ni Bogart sa akin.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon