Part 79: Antipolo ODDventures! Arrived Safely!

1.2K 7 0
                                    

Pagsakay pa lang ng jeep ay hindi ko napigilang hindi umidlip. Nasa pinakadulo ako kaya't nagawa kong sumandal sa gilid habang si Margaux naman ay nakasandal sa aking balikat at nakatulog na rin. 

May isang oras at kalahati din ang aming inilakbay mula Edsa Central hanggang Antipolo. Unang nagising si Brenda at nagsimula na siyang mang gising ng mga kasamahan. 

"Guys! Gising na! malapit na tayo sa simbahan" tawag nya sa amin, 

"Uhmm.." wika ko habang nag iinat.. at marahan kong tinapik sa mukha si Margaux.. 

"Love ko.. gising na.. we're almost there.." 

"Uhhmm.. so soon?" ask nya. 

"Yeah.. one and a half hour travel time.." sagot ko naman. 

Umayos na siya ng pagkakaupo at iniready ang kanyang mga dala. Nagsimula na ring kumilos sina Vanessa, Marie at Bogart. 

"Saan tayong resort?" ask ni Brenda. 

"Kayo ng bahala." sagot ni Bogart. 

"Okay.. Villa Cristina?" muling tanong ni Brenda. 

"Okay lang sa akin hon.." mahinhing wika ni Marie. 

"No objections." wika naman ni Kikay. 

(Its decided then)

"Manong para po." tawag ni Brenda sa driver na may pagkatok sa bubong ng jeep. 

Sa pagkakataong ito, si Brenda ang namuno sa group. Mukhang alam na alam nya ang lugar, at sa itsura nya e mukha talaga siyang outgoing. 

(Sporty and Outgoing..)

(pweedeeee..)

Bumaba kami ng jeep makailang hakbang bago makarating ng simbahan. 

__________

"Guys.. daan muna tayo sa simbahan." hirit ko sa kanila.

bumaling sa akin si Bogart na nauunang maglakad sa amin ni Margaux.

"Sarado pa tol" sagot ni Bogart.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon