Part 109: Thoughts of a lost child.. (Uhm.. My Dad?)

683 7 1
                                    

8:00 PM. Maverick's Crib: 


 
"Ma.. aakyat na po ako.." paalam ko kay Mader after namin pumasok ng bahay.



"Sige anak." wika naman nya. 




Sumalubong sa amin ang mga bata kong kapatid. Sa kanilang dalawa? higit na close sa akin ang kapatid kong sunod sa akin. 




Si Chelle. 




Yumakap ito sa akin at nag kiss. 




"Kuya! look mo paper doll ko oh!" pagbibida nya. 




Tiningnan ko ito. 

Wala naman special dito. 




"Hmm.. anong ginawa mo jan?" ask ko sa kanya.



 
"Tomboy yan. tingnan mo oh! nakadamit pang lalaki!" pagbibida nya. 




Muli kong sinilip ang paper doll at tama siya. 




Girl na nakadamit ng pang guy. 




Nag flash sa isip ko si Brenda. 




Naisip ko ang itsura nya sa Antipolo.. na nakablack na two piece at black bandanna over her very long hair na abot hanggang puwit.. 




 
(Sexy.. Hot..)


 

 


(Pag nakadamit lalake ba ang babae e tomboy agad?) 

 




 
(Tomboy daw.. e mas babae pa pumorma kay Kikay..) 

 




 
(Pero I'm sure..) 

 




 

 


(Siya ang unang kumain ng kimchi ni Ness..) 

 

 




(irrelevant piece of information.. i know..)

 

 



(pero wala e. pumasok agad sa isip ko at connotation yun ng salitang "tomboy" di ba?) 

 

 




 
(at pag nakakita ng tomboy, si Brenda agad?) 

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon