At yun na nga, sabay kami ni Kim sumakay sa jeep. Hindi na kasing awkward ng una. Kwentuhan lang kami, kumustahan.. tawanan.
Close na close kami ng "crush ng bayan". so tamang mahinang usapan lang kami habang nagba byahe.
"So.. kumusta na si Margaux?" ask nya.
(Delikado! baka naanakan ko!) wika ng konsensya ko.
"Uhmm.. She's fine.. i guess." sagot ko naman.
"Baket.. may problema kayo?" ask nya.
mukhang na detect nya ang tono ng boses ko.
(problema? sus.. its an understatement..)
(MALAKING kamo problema pag nagkataon!)
"wala naman.. sapat lang naman. baket Kim? may mali ba ngayon sa akin?"
saglet nyang sinilip ang mukha ko.
"Your lips say your okay.. but your eyes tell me something deeper." wika nya.
"Puyat lang ako.." pagrarason ko.
"whatever.." wika nya.
"Ikaw ba? musta ang buhay buhay?" ask ko sa kanya.
"Walang bago Maverick.. happy being single, walang lalakeng sakit ng ulo." sagot naman nya.
"Sakit sa ulo ka jan?" banat ko naman.
"Totoo naman eh." balik nya.
"whatever.." sagot ko naman.
nagkatinginan kami.. at nagtawanan.
halos pareho kami sa maraming bagay. Talking to Kim is like talking to myself.
Siya yung tipo ng babaeng basang basa ako.. pero ewan ko rin kung baket.
Wala na kaming pakialam sa mga matang nakatingin at bulungan ng mga katabing chismoso at chismosa.
"Pansin mo yung isang babae na yun oh? panay ang tingin sa atin?" bulong ko sa kanya.
"wala akong pakialam. hihihi.." bulong din nya.
Hindi kami nagtagal na magkasama sa jeep ni Kim. mauuna siyang bumaba sa akin. bago pa ito bumaba e nagsalita muna.
"Sige na baba na ako." pagpapaalam nya sa akin.
sinundan nya ito ng isang beso sa cheek ko.
(nice!)
(nagkukusa na!)
(close natalaga kami!!)
nag kiss din naman ako sa cheek nya sa pagkakabeso nya.
"Bye, call me tonight." wika nya.
"Sige. before I call Margaux."
At bumaba na nga siya ng jeep.
________________________
At dahil wala nga akong pakialam, hindi na ako tumingin pa sa mga nakasakay. maya-maya naman ako e bababa na ng jeep.
may tumawag ng attention ko.
babae.
"Uhmm excuse me? Ikaw si Maverick.. yung anak ni Ma'am Esteban di ba?" wika ng isang babae.
"Taga Arellano University ka?" ask ko.
"Yeah.. I'm Elsie. student nya. Lorraine Crista Sandoval. kilala nya ako. teacher ko siya sa Math."
inabot nya ang kamay nya sa akin.
(Sige idiin mo pa ate ang salitang Math!)
(Ang labo rin minsan ng mundo e.)
BINABASA MO ANG
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)
Teen FictionI dedicate this book to the 90's teens. Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of the young me 18 years back.. my high school story.. A misfit of my time, looking for answers my young heart has always wanted...