Part 32: Puyaaaaat!!

1.8K 8 0
                                    

Beep! Beep!

"uuhhmm..." aantok antok kong ungol..

Beep! Beep!

"Amf naman oh.." aantok antok kong wika.

Kinuha  ko ang beeper na maingay.. binasa ko ang message.

"Mav! Its works! It really works! One-hit lahat! May drawback lang! Hindi mo na pwede gamitin ang hadouken skill if hindi ka naka full life gauge! - Rina"

Tiningnan ko ang time.

3:27 AM.

"whatever.." antok kong wika at itinabi ko ang beeper.

wala pang 10 minutes siguro e tumunog na naman ito.

Beep! Beep!

(boyset.)

(ibabato ko tong beeper na to sa terrace eh!)

"Amf talagaaaa...!" asar kong sabi habang nagkakamot ng ulo at gigil na gigil.

Binasa ko ang message:

"The date is on! goodnight. see you later! - Rina"

(The date is on..)

(whatever..)

(sige..)

(inaantok pa ako..)

(bukas ko na iintindihin ang ibig sabihin nun..)

Ni turn off ko ang beeper.

"Nag sha-shabu ata tong si Rina e.. adik amf.." sabi ko sa sarili ko.

muli akong natulog..

______________________________

RRRIIIINNNNGGGGGGG!!!

RIIIINNNNGGGGG!!

"Amf naman oh... inaantok pa ako eh..." reklamo ko.

Sinilip ko ang oras.

7:30 AM

Dinampot ko ang handset.

"Maverick here..." sagot kong antok na antok.

"Rise and shine love ko.." Si Margaux.

(Naalala ko nung dating nagreklamo ako)

(Binagsakan ako ng phone.)

(Natututo rin naman ako :P )

"Hello love ko.. good morning po.." antok na antok pa rin ang tone ko.

"Uhhmm.. Antok na antok ka pa ah.. hindi ka pa ba nag sleep after natin mag hang up?"

"I did.. medyo exhausted lang ako sa activities nating yesterday.. and siyempre sa bagong challenge sa relationship natin.."

(Translation: Not true! Puyat nga ako! Nasira ang tulog ko dahil inistorbo ako ng beeper ko at nag message si Rina ng madaling araw!)

(Baket?)

(Kasi sabi mo sa kanya i beep ka pag gumana!)

(Tanga!!)

"Ahh.. napagod kakaisip ang love ko?" ask nya.

"Yeah.. ikaw ba nakatulog ka ba agad?"

"Hindi rin agad.. iniisip ko ang repercussions. pero then again, I think we'll just have to cross the bridge when we get there.." wika naman nya.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon