BED Quandrangle
"Love ko, parang gusto ko ng snow cone.. ang init e." paglalambing nya.
"One snow cone coming right up!" wika ko naman.
Saglet akong lumayo para pumunta sa booth ng snow cone. Matapos kong iabot ang bayad, nilingon ko si Margaux.
Naknangpusa.
May lumapit na agad. Mga 4th year.
(nilanggam agad amf.)
Well.. alam na yan.
All boys e.
siyempre pag nakakakita ng babaeng solo
dudumog agad at didiga.
Amf.
Culture na sa school namin yan. Upbringing na ng isang bosconian yan.
inaasahan ko na yan.
Lumapit ako sa kanya.
"Heeey.. thank you sa snow cone LOVE KO.." wika ni Margaux sabay kuha ng snow cone.
(may diin yung 'Love ko')
Oh e di napatingin ang mga 4th year sa akin.
"Boyfriend mo to?" hindi makapaniwalang wika nung isa.
"yeah.. sige boys, we'll see you around.." wika naman nya.
"Let's go love ko?" yaya ko sa kanya.
"Anywhere you want love ko.." malambing nyang tugon.
inakbayan ko siya at ni wrap nya ang isang arm nya sa likod ko.. at lumakad kami palayo habang bitbit namin sa magkabilang kamay namin ang malamig na snow cone.
"2nd year lang yun di ba?" wika nung isa.
"taga dito ba yan?"
"Oo parang namumukhaan ko yan.. House of Cagliero** yan."
(**Named after Fr. John Cagliero, 1st missionary ni St John Bosco sa Patagonia.. lahat ng section sa school na nagtatapos sa "30" like 130 (1st year), 230 (2nd year), 330 (Junior), 430 (Senior), ay part ng House na ito.)
(Blue ang color ng House of Cagliero.)
BINABASA MO ANG
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)
Teen FictionI dedicate this book to the 90's teens. Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of the young me 18 years back.. my high school story.. A misfit of my time, looking for answers my young heart has always wanted...