Pumila na kami papuntang football field.
Its about time. mahaba ng pila. Andami kong nakitang mga kilala.
buti na lang at nasa malayong likuran namin ang mga tropa ko sa amin, hindi kami tanaw ni Carlong chismoso.
Kita ko rin si Kim and si Bernard na nasa bandang unahan ng pila namin. nagkatinginan kami ni Bernard at nag thumbs up siya sa akin.
nag thumbs up din ako to acknowledge.
Kita ko rin ang mga school mates ko na kilala ako..
halo halong emotions.
I see looks of approval.
I see looks of jealousy.
I see looks of sarcasm..
and I see looks of conviction.
I always had this feeling na misfit ako of my time. Parang ang hirap kong makibagay. Parang ako ang laging nakikita. parang laging mali ang ginagawa ko, kahit pakiramdam ko e tama naman.
"Love ko? are you alright?" ask ni Margaux.
"Yeah.. just in deep thought.." sabi ko naman.
"What do you have in mind?" ask nya.
"These looks ng mga tao.. para nila akong kinakain ng buhay. nakakaasar lang.." na bubwisit kong sagot
Lumingon siya sa paligid nya at naintindihan nya ang sinasabi ko.
"Yung feeling ba na hindi ka nila naiintidihan?"
"yeah.." lumayo ako ng tingin.
Napahinga ito ng malalim.
"Maverick.. people may approve or disapprove. Opinion nila yun. entitled sila dun.."
hinatak nya ang mukha ko para tumingin sa kanya.
"Pero at the end of the day, you design your own life. Hindi ka pakakainin or bubuhayin ng mga tao sa paligid mo." wika nya.
na gets ko ang point nya. pero kita nyang balisa pa rin ako.
nagsalita ito.
"Ganito.. isipin mo, ganyan din ang nararamdaman ko." wika nya sa akin
"Paano?" ask ko naman.
"Look.. hindi lang sila sa iyo nakatingin.
"..Sa atin."
Muli akong sumilip.. palagay ko tama nga siya.
"Behind sa isip nila, i'm guessing na they are like thinking na.. 'Bakit pinatulan nito yung batang yun.?' would you agree?" ask nya.
"oo nga ano? Ah teka! Bata talaga?!" asar kong sagot.
"Get real Maverick. That is the truth of the matter." wika nya.
Hindi ako sumagot.
"Nararamdaman ko rin ang nararamdaman mo. pero.. I choose to differ."
nilingon ko siya.
"Kasi. people have choices. and you know?" pabitin nyang tanong.
"What?" ask ko naman.
"You are the best choice that i made in my life so far.." malambing nyang pagtatapos ng litanya nya.
napangiti ako.
ang sarap pakinggan.
"Alam mo ikaw? lakas mo rin dumiga ano?" banat ko sa kanya.
"Ano ka ba? sanay na akong dinidigahan, kita ko na ang pattern nyong mga lalaki" sagot naman nya.
BINABASA MO ANG
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)
Novela JuvenilI dedicate this book to the 90's teens. Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of the young me 18 years back.. my high school story.. A misfit of my time, looking for answers my young heart has always wanted...