6:00 PM - Sa gate ng mga Kintanar.
Bitbit ko pa rin ang bag ko at ang paper bag ni Kikay. May kabigatan ito so nagtanong ako sa kanya.
"Ano ba laman nito? project ba ito?" tanong ko sa kanya.
"Oo. group project yan. Gagawa kami ng model na church." tugon nya.
(Church huh..)
"Pwede patingin?" ask ko sa kanya.
"Sige lang." tugon naman nito.
Tinanggal ko sa paper bag ang mga laman. Mga plywood , ilang kahoy na mukhang magsisilbing frame at mga miniature na benches at table.
"Asan ang floor plan nito?" ask ko sa kanya.
"Ahh yung diagram ba?" counter question nya.
"Oo." tugon ko.
"Wait, nasa bag ko." wika nya sabay dukot nito sa bulsa ng bag nya.
Sinilip ko ang diagram.
(Hmm.. madali lang to..)
(group effort, kaya naman to ng isang tao lang..)
(Wood glue at coping saw.. kaya na to.)May napansin ako.
"Kikay.. anong balak nyong gawin sa mga bintana nito?" ask ko.
"Cellophane. Yun yung parang magiging glass pane kunwari." tugon nya sa akin.
(Siyempre mabida ako.)"Ako na gagawa. May iba akong naiisip gawin. Instead na cellophane, resin gagamitin ko." wika ko naman.
"Resin?" ask nya.
"Alam mo yung ginagamit sa simbahan? Sa stained glass windows nila?" counter question ko.
BINABASA MO ANG
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)
Teen FictionI dedicate this book to the 90's teens. Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of the young me 18 years back.. my high school story.. A misfit of my time, looking for answers my young heart has always wanted...