Part 65: Reasons.. worth fighting for.

1.5K 8 0
                                    

Tumigil ang taxi sa harap ng bahay namin.

Don Bosco lang ang walang pasok. I'm sure na wala akong katambayan.

Wala rin naman akong balak tumambay at antok na antok pa rin ako. Pagpasok ko ng bahay at muli kong nakita ang aking maliliit na kapatid na naglalaro..

Naisip ko tuloy.. parang kailan lang ay ganyan din ako. masyado lang siguro napa aga ang experiences na inihain sa akin ni Inang Tadhana at Amang Panahon.

Hinaplos ko ang mga ulo nila.

"Grow up to be good people.. Nandito lang ako para sa inyo.." madrama kong wika kay Chelle.

(Si Chelle ang kapatid kong babae. 7 years old sya nung panahon na ito.)

"Kuya..? anong sabi mo? english e." ask nya.

"wala." blanko kong sagot.

"Ee! may sinabi ka e!" pangungulit nya.

"Wag mo na intindihin.. maglaro ka na jan." wika ko naman.

Bumalik siya para maglaro ng doll house nya.

"Kuya, pahiram po ng mga dragonball mo?" si Jethro.

(Si Jethro ang bunso kong kapatid na lalaki, 6 years old nung time na to.)

"Sige baby, sama ka sa kwarto.." sagot ko naman.

Sumama naman sa room ko si Jethro at iniabot ko sa kanya ang mga Dragon Ball action figures ko.

"Heheheh!!" tuwang tuwa nyang tawa.

"Wag mo sisirain ha?" ask ko sa kanya.

"Opo.. hehehehe!!" tawa nya at tuluyun ng bumaba sa sala para maglaro.

Someday.. ang mga kapatid ko e magkakaroon din ng kanya kanyang experiences na magiging roots ng paniniwala nila sa buhay na lagi nilang dadalhin at isasabuhay.

They are so young now.. pero mabilis ang panahon..

Sana hindi kayo maging kasing irresponsible ko.. at ng henerasyon ko..

(masyado kaming mapusok.. sana sa generation nyo.. magiba at maging mas maganda..)

Hindi naghihintay ang oras. Walang hinihintay ang panahon.

And when the time comes..

..i will be there to guide them..

Inisip ko.. kaya siguro maaga akong pinaranasan ng mga ganitong sitwasyon.. e para maging gabay sa dalawang ito sa paglaki nila..

at sa kakaisip ko..

..nawalan ako ng malay tao..

_____________________

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon