5:30 AM. nagising ako sa tunog ng beeper ko.
"Hala! 5:30 na!" dali dali kong sinilip ang message sa beeper.
"My tita will be coming over sa bahay today and would most like be here all day. Just call me tonight. Maverick ha. Please! Make sure na papasok ka sa school! i love you! - Margaux"
"Papasok na nga.." sabi ko sa sarili ko at isinilid ko na sa bag ko ang beeper.
Well.. another school day for me. Good thing na friday na.
Thank God!
___________________
"Oi Mavs!" sigaw ni Carlo mula sa kabilang block. Dun siya nag aabang ng jeep. Isang street lang ang pagitan ng bahay namin. lumapit siya sa pinagaabangan ko.
"Tolz! balita?" bati ko naman sa kanya.
"Ayun, 12 AM na kami natapos. kinulang lang ng bahagya sa pulutan."
"Buti hindi kayo nadale ng carpio? (curfew hours)
"Sus, dre ako pa? pagmamayabang nya.
"Uu nga pala, anak ka ng konsehal de baranggay" sabi ko naman.
"Ganun talaga.. iba ang may connection. Sabi ng Daddy ko, ganyan daw talaga ang buhay. basta may kakilala ka, ayos na. lusot na!" sagot naman nya.
(Right. As early as 14, alam na rin ni Carlo ang pamumulitika. Well.. like father.. like son.)
May dumaan na jeep, at sumakay na kami.
"So.. musta landian nyo ni Kimberly?" pagpapatuloy nya.
may tumingin na babaeng estudyante from St Francis school na nakasakay din ng jeep. Nakita nyang tumingin ako sa kanya, kaya umiwas ito ng tingin.
"Tangna ka Carlo, mapapahamak na naman kami sa daldal mo e." halos pa bulong ko ng wika kay Carlo.
May tumingin na namang lalake. Taga Arellano University naman.
"Sorry tol.. so anu na nga? syota mo na rin?" bulong ni Carlo.
"Close lang kami dre.. kilala mo naman si Margaux di ba?"
"Sa picture lang pre. pero di ba? isipin mo.. kung magiging syota mo si Kimberly.. ang lapit lang! taga dito lang sa atin, wala kang hassle.. sikat ka pa!"
(Naisip ko yung point ni Carlo)
(pwede..)
(sisikat nga ako.. uu)
(pero kung sumoplak ako. sisikat din akong loser.)
(makapal ang mukha, dumiga sa crush ng bayan)
(pota pag nangyari yun. lilipat na ako ng bahay)
(wala na akong mukha nun.)
(So.. yung mga tipo ni Kim.. mas ok na nasa background lang ako..)
(at kung type ko man siya.. e ayos na muna ako sa idea na landi landi lang..)
"Hoy! nakikinig ka ba?" kalabit sa akin ni Carlo.
"Iniisip ko yung sinabi mo e."
"So didiskartehan mo na nga?"
"Hindi pre.."
"Hala! Baket?!"
"Hindi tama yun pre. May syota ako." pagrarason ko naman.
"Pag hindi mo diniskartehan si Kim.. ako ang didiga." wika nya.
BINABASA MO ANG
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)
JugendliteraturI dedicate this book to the 90's teens. Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of the young me 18 years back.. my high school story.. A misfit of my time, looking for answers my young heart has always wanted...